Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

95.Paghihintay

Paghihintay

Sa tagal ng panahon,
hindi ko inaasahan ang ganitong pagkakataon.
Ang matapos ang mayroon tayó,
dahil sa matinding dala ng bagyo, tayó rin ay sumuko.

Alam kong maayos na iyong kalagayan,
kaya't hindi na ako mag-iisip pa sayong nararamdaman.
Sarili naman ang aking uunahin at tuturuan,
huwag na sanang magpadala't masaktan.

At sa taong nilaan para sa akin,
kung ano man ang ibigay sa atin.
Sana'y pagtitiwala ang mabisang sangkap na gamitin,
hindi hiwalayan ang solusyon dahil sa hidwaan na paulit-ulit.

Ako'y maghihintay sa totoo,
yung hindi puro laro.
Sawa na ako sa ganoong takbo,
nais ko naman ang seryoso at may dulo.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro