93. Huling Patak ng Luha
Huling Patak ng Luha
Sa tuwina'y tulala
hinanap aking nakasanayan—ikaw.
Akala ko'y tanggap na.
puso pala'y naghihinagpis pa rin.
Sa mga alaala naiwang ng tanong,
hanggang kailan ba ang mga ito?
Ayoko na sana itong isipin pa.
Kaya't hahayaan muna maghilom kahit dumanak muli aking batisan na mga luha.
Nais ko naman nang wakasan,
subalik ako'y mahinang talaga.
Narito pa rin nagbabakasali na baka magbalik,
ngunit wala na talaga, ito'y parte na lamang lahat ng alaala ang ating nakaraan!
Sana'y sa aking paggising limot ko na,
wala ng luhang masasayang.
Higit sa lahat, hindi na ngalan mo itong masasagip sa isipan
dahil tanggap na at ayoko ng gumapos sa'ting mga nakaraan nasayang lang.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro