Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9.Tawagan

Tawagan

O' ginoo ano nga ba iyong ngalan?
Sigaw ko sa kalawakan
Lumingon ka at nakipag-titigan
Labi mong kulay pula na kay sarap halikan.

Lumapit ka at hinalikan aking palad,

Winika mo ang salitang 'Mahal' ako pala iyong sinta na pinalad.

Hindi mawala ngiti sa'king labi
At sa gabi nais na kitang makatabi.
Nagkalayo tayong dalawa
Naganap ang kakaibang away sa ating pamilya.

Subalit sa iyong pagtawag,
ang mga salita sa alapaap ay naglalayag.
O' mahal, ito'y liriko sa aking pandinig
at tanging napapansin lamang iyong kakaibang tinig.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro