87.Likha ng Tamang Hinala
Likha ng Tamang Hinala
Tiwala ang nagpapatibay sa isang relasyon,
ito rin ang matibay na sandata para mas tumatag ang bawat layon.
Ngunit kung ika'y magpapaniwala sa iba,
masasaktan at hindi kayo magkakaunawa sa isa't-isa.
Sa pakikinig sa iba,
tama bang ibaling mo ang paniniwala sa kanila?
Tama ba na mas panigan mo ang sinasabi nila?
o dapat tayong mag-usap para mas malaman mo ang dapat.
Walang masisira kung may maayos na komunikasyon,
at wala ring kaguluhan kung tayo mismo ay may tamang aksyon sa'ting relasyon.
Tayo ang aayos ng gusot,
at hindi hahayaan na madala sa kung anong mga rason na nakakalusot.
Huwag nang tamang hinala,
tayo rin kasi ang masisira.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro