Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

85. Pagtanggap sa Naganap

Pagtanggap sa Naganap

Ito sana ang huli,
kahit mahirap susubukin ko ulit.
Alam kong bukal sa puso na pagtanggap lamang,
ito ang susi para ako'y makawala na.
Hahayaan ko na lamang ang mga kamay na tumipa,
maihayag man lang ang nadarama.
Kahit sa alaala man ay nanatili,
nais ko pa rin lubusan na itong maiwaglit.
Ayoko nang alahanin pa ang mga bagay na iyon,
Parte ka na lamang ng aking kahapon.
Tama na itong ating isinagawa,
tinapos at ginawa ang dapat.

Kahit sa araw-araw,
taglay ko ang pighati.
Mga tanong na nagbabalik,
sana naman ay  makakuha na kahit anong tunay na kasagutan.
Ito na ang nangyari,
kaya't marapat nang wakasan ang mga isip na sayo'y nakatali.
Ito ang dapat,
ang gawin ko kung ano ang mas mainam sa ating dalawa.
PAGTANGGAP SA NAGANAP,
kahit ito'y napakahirap.
Salamat sa lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro