Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

83. Pangungulila

Pangungulila

Lumipas na ang taon,
tila ako'y napapatanong.
Kumusta ka na ba?
At sana'y nasa mabuti kang lagay.

Tanggap ko naman na ang nangyari sa atin,
ito'y masalimuot ngunit nagdulot ng aral sa'kin.
Masakit man pero ganoon talaga ang pag-ibig,
masyadong misteryoso sa lahat ng mga umiibig.

Kaya't kahit ganito,
Salamat sayo.
Natuto ako sa lahat ng bagay,
kahit aminadong nangungulila sayong kabuuan.

Sa tinig mong malambing,
sa mga mensahe mong kay haba
sa mga paalala mong laging dala'y pag-aalala
at sa pagmamahal mong tunay.

Pagkakataon man ang nagpasya,
Poong Maykapal na ang nagwakas
salamat pa rin sa lahat,
mahalaga'y nagkakilala at naitama na.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro