76. Torete Sayo
Torete Sayo
Ilang gabi pa lang ang nagdaan
simula na ako'y iyong hiwalayan.
Saksi ang buwan
kung paano mo ako iniwan't tinalikurann.
Tila nasayang pa aking mga luha,sinta
Sapagkat hinayaan ko lamang lumuha ng ika'y makita.
Akala ko ba tayong dalawa lamang?
ngunit mali ako, dahil higit pa siya at sa akin mas nakakalamang.
Hayaan mo hindi ko na ipipilit pa sa'yo,
torete na ako sa mga kasinungalingan mo.
At sa araw na ika'y umalis
iyon ang huling araw nang aking pagtangis.
Hindi na muli,
dahil ito na ang huli.
Tila torete na nga sa'yo,
oo! ako ay torete sa'yo.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro