Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

73. Mga Dahilan

Mga Dahilan

Ito ang naging daan para tayo'y maghiwalay.
Ika'y nagpalamon sa mga haka-haka at tuluyan na ring bumigay.
Akala ko ba aayusin nating dalawa?
Bakit nagsama ka pa ng iba?—
Ikaw tuloy ang nadala!

Hanggang kailan ka ba maniniwala?
Kapag ba maputi na ang uwak, doon mo mapagtatanto na ika'y tamang hinala pala?
Ah!oo, sila pala ang mas mahalaga
kaya ito, unti-unti ng nagbabago ang ating pagkakaisa sa isa't-isa.

Kung sa akin ka nagtiwala,
hindi sa kan'ya o sa iba
e 'di sana tayo pa
at sana maayos pa itong ating pagmamahalan, diba?

Pangako mo'y wala na
dahil sa mga dahilan ng iba
at mas pinili mo sila, kaya ito na ang resulta
paalam na at salamat sa lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro