Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

67. Pagtanggap sa Katotohanan

Pagtanggap sa Katotohanan

Mahirap man ay kakayanin,
kahit hindi ka na nasa piling—tatanggapin!
Kahit na sa pagitan natin ay tila ang daming katanungan,
nasaan ba ang tunay at 'yong kasagutan?

Sa maraming taon
pagsintang totoo sa'yo ang aking layon
ngunit ng tadhana'y 'di sumang-ayon
at natapos na, alaala na lang lahat ng 'yon.

Tatanggapin kahit masakit,
alam ko naman may dahilan ang langit.
Kahit minsan tayo'y pinagtagpo
at sandali lang pinaramdam ang salitang 'tayo.'

Ito ang katotohanan,
limitado tayo at wala talagang hangganan
dahil wakas na ang kuwento
dahil ikaw at ako'y wala ng dulo—tayo'y nabigo't nagbago.

***


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro