Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

63. Sana tayo pa rin

Sana tayo pa rin

Ang ganda ng kalangitan,
puno ng bituin at ang liwanag ng buwan
o anong kariktan ito gaya ng ating pagmamahalan
tila sa simula lang pala ang saya at kaligayahan.

Sa paglipas ng panahon tayo'y magbabago,
Magbabago ating pagmamahalan
sapagkat wawakasan mo rin naman ang mga pangako, nakakapanibago.
Subalit ikaw rin naman ang nagpasya na tuldukan ating kasiyahan.

Ang saya siguro ng pangmatagalang relasyon?
Tipong iisa ang ating mga layon
at nagkakaisa sa lahat ng ating mga gusto
pero ngayon ito'y malabo dahil wala ng tayo.

Kasabay ng mga letrang naglalayag,
ang siyang pagbitiw mo ng paalam na pahayag
At oo, dito na lang talaga
dahil ika'y nasa piling na ng iba.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro