5.Pag-amin
Pag-amin
Natulala, isip ay iba-iba ang laman
Bakit ba ikaw ang laging nasa isipan?
Bawat araw na magdaraanan,
Wangis mo aking nasisilayan.
Napagtanto binuo lamang ng aking hiraya
At kasabay ng pusong ikaw lang aking adhika.
Pagsinta mo'y isiniwalat,
Ako'y napaupo buhat sa pagkagulat.
Ano nga ba ang totoo?
Gusto kita, 'yan ang punto ko.
Dalawang salita na bumuhay sa akin
Tila musika sa tinig na kay sarap dinggin
Tunay nga ba o huwad?
Para sa atin o amin, salita mo'y ilahad.
MAHAL KITA, dalawang salita.
Ngunit makahulugan na ikaw lang ang nais kong pagsabihan, sinta.
Ayoko ng umasa,
Baka kasi sa iba pala ang nadarama.
Gusto ko ng seryoso
Sapagkat. palagi na lang ako ang talo
sa larong "tayo o kayo?"
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro