Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36.Sumbat

Sumbat

Sa tuwina tayo'y may pagtatalo
at ako palagi ang iyong pinupunto.
Tama ba ang iyong mga pinagsasabi?
tila taliwas sa katotohanan ng iyong labi.

Kawalan ng respeto iyong nilatag,
hindi ako manhid para sayong paratang magpabitag.
Ikaw at ako ang may sala,
at ang pagiging makasariling pag-uugali ang ating nadadala.

Lagi kang nakikinig sa iba,
dahilan mo sila ang may alam at mas nakakakita.
Tila nilagyan mo ako ng takip sa bibig para mapipi,
at ika'y tila sarado na sa aking lathala at nabingi.

Tigilan mo ang pagiging manhid,
at magmasid at maging alerto sa ating paligid.
Mag-usap tayo, 'yan ang kailangan.
Ng sa ganoon, magkaunawaan at may kaayusan.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro