2. Motibo
Motibo
Nagkakilanlan sa kalaunan
Buhat sa ating kapahunan
Ngiti mong may kahulugan
At tingin mo'y may kailaliman
Sandaling nakipagtitigan,
At nangusap ka nang biglaan
Bawat oras na magdaraan
Pagsinta mo agad aking kailangan
Hindi pa man tayo, batid kong may kalalagyan
Ating tinginan kaibigan, mauuwi na ba sa pag-iibigan?
Isip ko man ika'y maging akin,
Bibigyan mo ba ito ng tunay na pagtingin?
Kahit unti-unting nabobo sa torete mong ngalan
Adhika ko pa rin ika'y makasama magpakailanman.
Tama ba itong nadarama?
O' ako'y naguguluhan lamang.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro