Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17. Mensahe ni Irog

MENSAHE NI IROG

Sa umagang kay ganda,
Liwanag ni Haring araw ang bungad
Matamis mong mensahe ang hangad
Kaya nanalangin kay Ama at sarili ay inihanda.

MAHAL KITA, dalawang salita na lagi kong natatanggap
Ito'y nakasanayan at hiwaga ang hatid
Tanging sayo lamang nalasap
at lipos ng pagmamahal mo 'yan aking nababatid.

Ngunit sa paglipas ng panahon
tila iba na rin ang iyong mga layon
Nag-iba na rin ang takbo ng iyong mga galaw
at tila sa'ting relasyon hidwaan ang humahadlang- ito na ang sumasaklaw.

Ngiti mo'y unti-unting nawala
at oras mo'y nag-iba.
Ako nga'y nagtaka
at sa huli PAALAM NA AKING SINTA.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro