Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14.Sakit at Pighati

SAKIT AT PIGHATI

Humantong na nga sa 'di inaasahan
Ikaw at ako'y nagtalo dahil sa maliit na bagay
Ating pinagsamahan ay panay bangayan
Tila aabot ng isang araw ang hidwaan, sinta ano na ba ating lagay?
Niyakap mo ako ngunit humantong pa na tayo'y magkasakitan.

Nagkakaroon na tayo ng lamat sa isa't-isa
Nagkakasugat ang ating mga puso dahil lamang sa maling kapasyahan
Naniwala pa sa iba
at pumanig nga sa'kin subalit dala'y pagdududa.
Tama bang panigan mo ang iba at ako'y iyong husgahan?
O' sinta tama pa ba iyong mga asta?

Sa gabing kay lalim
At aking mata'y dilim ang nakikita
Sinta tama na ang panghihinakit,
maling akusasyon naman iyong binabanta.
At sa huli, hidwaan sa ating pagmamahalan ay nagsimula
at sa kanilang maling husga't paniniwala
ika'y nagpaakit.


***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro