Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11. Tuwa at ligaya

TUWA AT LIGAYA

Naglakbay tayo nang sabay
nang magkahawak-kamay
Tila 'di mawari ang nadarama
Tanging balat mo ang mas nadadama
Nasilayan ang aliwalas mong mukha
Kakaiba't nakakamangha.

Saan nga ba tayo tutungo,sinta?
Tanging ngiti ang tugon at ang mga maningning mong mata
Hinigpitan mo pa ang hawak
Bumulong ka pa, "Hindi ko hahayaan na ika'y mapahamak."
Tila naging kamatis aking pisngi
At tanging sayong salita ako'y nabingi.

Tumigil tayo ng sandali
Niyakap ako nang mahigpit at binigyan ng kakaibang ngiti sa labi
'Di ko maipaliwanag ang iyong mga lambing, nakakatuwa,
sana palaging ganito yung ikaw at ako'y tunay na maligaya sa isa't isa.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro