Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

97 - Sana Tayo Na Talaga

Sana Tayo Na Talaga

Sabi sa sarili'y "Tama na ang kahibangan,"
Ang pag-ibig ay maaring hindi para talaga sa 'yo
Ngunit simula nang nakilala ka'y mas lalong nawala sa katinuan
Abot hanggang langit ang tuwa tuwing tayo'y magkasuyo

Tukso ka sa akin na nilulunod ako sa nakakasulasok na apoy
Apoy ako na tutupok sa 'yong matinong isip
Yon nga lang ay patuloy pa rin nating sinusuong, nilalapit ang sarili sa dilim
Oh, anong magagawa nila kung gusto pa nating ituloy?

Nasisilaw ako sa 'yong liwanag;
At namamangha ka sa taglay kong karimlan

Tapos na ang ating paghihirap
At tanging sarap na lang ang malalasap
Liwanag at dilim, tama man o nali itong ating nararamdaman
Ay mawawalan nang saysay sa tuwing tayo'y nagkakalapit at nagkakasama
Gyera man ito'y handa tayong lumaban
At sa huli'y nandito tayo, nakatayo, magkahawak ang kanay habang nagsasabing mahal kita.

────── {.⋅ ♫ ⋅.} ─────

Type of Poem:
Acrostic
Message:
the last Tagalog poem that I will include here.
Date:
January 22, 2020
Time:
12:20 PM.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro