Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9 - Hawak

❛ HAWAK ❜

Nakatingin ka sa aking mga mata
Naghurementando ang aking pusong sabik
Ilang ulit na kumurap bago naglakas-loob na tumayo't lumakad
Hindi naghihiwalay ang ating mga titig

Titig na punong-puno ng mga sikreto
Sikretong matagal ng itinatago
Sapagkat natatakot na ito'y maka-apekto
At pareho tayong magkagulo

Umupo ka sa aking harapan
Bago ako bigyan ng iyong matamis na ngiti
Ang kamay ay iyong hinawakan
Ngunit, may biglang nakipag-usap sa akin na siyang dahilan para ito'y humigpit

Ilang saglit pa ay nag-paalam
At ngayon sa iyo na nakatuon
Ang aking buong atensyon
Na siyang gustong-gusto mo na matagal ko ng alam

Nais kitang hawakan
Iyong panimula
Nanatili lang ang aking tingin
Sa iyong labi'y gustong humirit

Nais kitang hawakan habam buhay
Pakiusap ako'y iyong hayaan
Pagka't ayoko ng mapuno pa ng agam-agam
Na baka isang araw ikaw ay mawalay

Ikaw lang ang nais kong hawakan
Pakiusap 'wag mo sanang hayaan
Na ang takot ay manaig
Sa iyong puso'y alam kong puno ng ligalig

Labi ko'y nakagat
Pagkat ang iyong mga sinabi'y tumatak
Nanaisin ko kayang sumugal?
Sa ating pagmamahalan

Iisa lang ang ating pinanghahawakan
At ayokong masira iyon ng ating pagmamahalan
Iyon ang bumuo sa atin
Makakaya ba nating sirain?

_

Date | Time Written ; September 12, 2018, 11:07 PM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro