2 - Dilim
❛ DILIM ❜
Akala ko'y liwanag mo na ang kasagutan
Sa aking mga katanungan
Ngunit, nang makilala kang lubusan
Doon ay totoong nasaktan
Pagka't ramdam ko na hindi ikaw
Hindi ikaw ang hanap ko
Hindi ikaw ang kasagutan sa dinarasal ko
Oo, hindi ikaw
At ang puso ko'y napuno ng kalungkutan
Sapagkat, nawala na ang iyong tanglaw sa aking mga mata
Ang liwanag mong nakakasilaw
Ngayo'y nawalan na ng kinang.
_
Date | Time Written ; September 4, 2018, 1:15 AM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro