17 - Ligaw
❛ LIGAW ❜
Ako't matagal ng nangliligaw
Aking pangakong 'di kita kailanma'y ililigaw
Sapagkat lagi kitang iintindihin
Hindi man lamang iindahin
Ang mga masasakit na salita
Na galing sa ibang mga tao
Dahil hindi sila kailanma'y sa-sang-ayon
Sa pagmamahalan nating dalawa
Giliw, huwag mo silang intindihin
Sapagkat ako'y mananatili sa iyong tabi
Hihintayin kang sumagot at ikumpirma
Na pangalanan na ang ating nadarama
Pagka't tunay na mahal kita
Kaya't 'wag mo akong ipagtatabuyan
Dahil ako'y nasanay na marinig ang iyong tinig
Tinig na nagsasabing konting hintay pa
Dahil sa susunod iba na ang aking maririnig
Ngunit, gusto mng makasigurado
Kaya't ako'y magtyatyaga pa't mamahalin
Upang ako'y sagutin mo na ng mga salitang iyong kumpirmado.
_
Date | Time Written ; September 30, 2018, 12:03 AM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro