#5 100DWMME
ok, mabalik tayo sa storya. hinalikan niya ko!? takte! siraulo yung gagong yun ah! Tapos?!
"hoi ano yun ah!?"
"ang alin?" pa-inosenteng tanong ni Kai
"Yung ano. yung."
" ang alin ba?"
" yung kiss! amputek naman oh!"
"oh eh anong meron?"
" anong meron? first kiss ko lang naman ang kinuha mo saken tapos itatanong mo anong meron?"
"aba! ahahahaha grabe.. seryoso ka?"
" bwisit ka talaga! pati yun sinira mo!"
"malay ko bang first kiss mo yun, isipin mo nalang friendly kiss yun."
" friendly kiss?! eh hindi nga tayo friends tapos sasabihin mo friendly kiss?!"
" pwede bang pahinaan ng konti yang boses mo. magkatabi lang naman tayo eh."
" iiiissssaaa kkkaaaannnggg ppaaahhiirrraaappp sssaaa bbbuuuuhhhaaayyyy!!!!!!" galit na isinigaw ko sa pagmumukha niya.
tapos eh nakarating na kami sa bahay namin.. hinatid niya ko. pero pagbaba ko syempre gumanti ko muntikan ko ng masira yung pintuan ng kotse niya ahahhaha buti nga sa kanya.. tapos eh tumakbo na ko papunta sa kwarto ko XD pero pagdating ko sa kwarto ko eh naaalala ko yung kiss..bigla nalang akong napatulala... ewan ko siguro kasi first kiss ko yun at sa isa pang demonyo =___= maitulog na nga lang toh para maganda ako bukas sa napakalaking celebrasyon, este kasinungalingang gagawin namin =___= 100 days, matitiis ko naman siguro yun diba?
Kinabukasan.
"annnnaaakkkkK!!!! ikakasal ka na!!!!" yan ang nakakarinding salita at boses ang sumira sa umaga ko! si mama kung makasigaw naman aakalain mong may sunog pwede na pa nga siyang ipalit sa wangwang. at sa kasamaang palad eh naalala ko pang ngayon ako ikakasal?? ngayon ang pekeng kasal namin ng demonyo =__=.. tapos eh nagsidatingan na ang mga mag-aayos saken.. at guess who? yung baklushi na naman na nag-ayos saken ang mag-aayos saken ngayon di ko ba nasabi sa inyo na gwapo siya? sino ba kasi to ui.
"so ano kayang maganda para sayo?" tanong niya saken.
"ikaw na ang bahala. ka-ano-ano mo ba si Sandoval?"
"sino sa kanila?"
"huh?"
"yung mother oh yung anak?"
"yung anak."
"ahh ex ko yun." at sa sinabi niyang yun eh nalaglag ang panga ko.
"EX?!" gulat na tanong ko.
"joke lang ikaw naman di na mabiro., pinsan ko siya."
"eh ano bang name mo?"
"ako si Maeve."
"ahahaha sa wakas at magsesettledown na rin si insan <3 love love love talaga hahaha (tawa ni kris aquino)
"HAIIISSSSSTTT"
"eto naman, baka mamaya masira beauty mo ah. wag na wag kang iiyak sa sobrang saya." sabi niya.
"(sa sobrang saya? baka sa sobrang galit at lungkot oo pa =___=" pero syempre di yan ang sinabi niya. ) "oo naman no. "
"huhuhuhuhuuhuhuh! maaaaaa!!!!" hagulgol ni Fiery. tapos na ang kasal. nasa reception na sila.
"di ka pala iiyak ah." natatawang sabi ni Maeve.
"eh *sniff sniff* kasi naman eh."
"ok so slice na tayo ng cake!" sigaw ng mama ni Kai na sobrang saya, nandun sila Cassandra tsaka si Dranrev na akala mo eh namatayan pano nakabusangot ang mukha nabigla din kasi sila sa pagpapakasal ng dalawa. panay naman ang titig ni Fiery kay Dranrev habang isinasayaw siya ni Kai.
"tumingin ka lang saken."
"tss, ayoko nga =___="
"100 daang araw mong makikita ang mukha ko mula pagdilat ng mata mo at pagpikit nito kaya magsanay ka na."
"yun na nga eh sa loob ng 100 araw badtrip ako =__="
"wow! parang gusto ko namang titigan yang mukha mo." nasigaw ni Kai na nakacaught ng attention ng mga nasa reception.
"ahahahhaha eh isang araw ko pa nga lang di makita ang mukha mo nanghihina nako eh." pagbawi naman ni Kai sa sinabi.
"talaga naman si Kai oh!" sigaw nung isang bisita.
"palakpakan ang bagong kasal!" sigaw nung kaibigan ni Fiery.
"kiss!" sigaw naman ng mga nanay nilang dalawa..
____________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro