7 // Form
Chapter 7
For over a week, para pa rin akong lumulutang sa cloud nine for thinking Noah and I continued our date last week. I was the one who cut our date short from our first meeting but he still pursues it. Ano bang nakita ni Noah sa akin at gusto niya ring gawin 'yon? Or he just want to fulfill what he had promised? Baka nga gano'n lang talaga 'yong intention niya towards me. And was I hoping for more? Hindi 'no. I was his lucky pick so it's hard to assume na mayroon pang susunod na mangyayari.
Gwen insists that there will be more pero napapakibit balikat na lang din ako. Never asa for a guy who has thousands of fangirls.
The drop box.
Sa tuwing mapapadaan ako sa tapat ng school council at nakalagay ang drop box for those who will participate the little game from Noah. Dinadaanan-daanan 'ko lang 'yon, as in, every day sa tuwing makakasalubong pa ako ng mga estudyanteng naghuhulog ng kanilang filled-up information para lang humopia na maka-date sa prom si Noah. At hindi pa rin naaalis sa akin at tila nakabuntot pa rin ang mga nangyari last week.
Hinahabol pa rin nila ako kung anong nangyari sa amin ni Noah. Bakit daw ako sumakay sa sasakyan niya at saan kami nagpunta. Good thing about it, walang paparazzi na nakahanap sa amin sa area na pinuntahan namin last week kaya walang lumabas na scoops and pictures about it. Sinabihan ko rin naman si Noah na be responsible if he's going to post our pictures and he gladly obeyed my request. Mabait si Noah, that's why people loved him.
But I would never joined the contest. Tinanong ni Noah sa akin 'yon last week, ang sagot ko, hindi ako sigurado. Hindi naman sa hindi ako interesado, maybe give a chance to others baka kasi sabihin masyado na akong umaabuso at ang kakalabasan ay minamanipula ko pala ang lahat. Lalo na si Noah.
Dumaan ako sa restroom bago tumungo sa cafeteria. Nawala na lang din bigla sa paningin ko si Gwen kaya hindi 'ko sure kung saan nagpunta 'yon. Napadaan muli ako sa drop box, napaikot na lang din ang mga mata ko dahil nakakapagod tingnan itong mga babaeng magtalon-talon at kiligin. Can't they get enough of Noah? Ano bang meron sa lalaking iyon?
And then someone pique my interest kaya huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng drop box. They even take pictures of their form para lang i-post sa Instagram at i-tag si Noah at hoping na manotice sila. These people are going crazy about him, at mukhang alam na rin naman ni Noah 'yon, he just let it go at mukhang sanay na rin naman talaga siya.
Did Cirie took her shot?
Nakita ko siyang naglaglag ng form niya sa dropbox at nang magtama naman ang tingin namin, hindi ko siya inalisan ng tingin kung hindi siya mismo ang umiwas ng tingin kasabay ng malabagyong paghawi niya sa buhok niya. Napasapul niya tuloy sa mukha iyong ibang babae.
"What if si Cirie ang nabunot?" Narinig kong tanong ng isang babae.
"E di wow, siya na lahat." Sagot no'ng kaharap niyang babae. "Gusto kasi no'n nasa kanya lahat, pati ba naman chances natin kay Noah, kukunin pa rin niya?"
"Sana hindi," sagot pa nito.
"E pa'no naman si..." she secretly pointed her finger on me pero napansin ko 'yon. Lumingon din ang babaeng kausap niya at ineksamina ako. "She might win it again."
Nagsimula na akong maglakad palayo.
"If she wins, e di may dayaang nangyayari. He dated Noah so may favoritism na." There's a lot of bitterness in her tone, sana hindi 'ko na lang narinig 'yon. Nakakainis na gano'n ang mindset nila. And I wouldn't even join the contest kahit paghinalaan pa nila ako but still masakit pa ring marinig 'yon mula sa kanila.
I never wanted this attention in the first place. Ngayon ko lang din nare-realize ang lahat. Ang consequences ay isa-isa nang nagsusulputan but I also can't blame Noah for this, tinanggap ko 'yong date niya which I have the freedom to decline and he can chose another one. But that's not what happened, ngayon nahahati na ang pag-iisip ko sa mga dapat na pina-priority ko.
I headed to the cafeteria looking for Gwen. She might be here now.
Ilang saglit lang din naman ay ginulat niya ako mula sa likuran habang nakapila ako para bumili ng pagkain ko. Pasimple naman siyang sumingit kaya matapos makuha ang pagkain ay naghanap na kami ng pagkain.
"I have a little piece of good news for you," she announced, teasing me with a playful smile.
We are settling down on our table ng pinanguanahan na naman niya ako ng mga chismis niya.
"What is it now, Gwen?"
"I dropped a form of you to the drop box!" she cheered,
What the fuck?!
Gusto kong sigawan at sabunutan si Gwen pero nasa loob kami ng campus. Itinimpi at pinigilan ko na lang ang sarili kong magawa ng masasamang bagay. I don't to cause another trouble and became the center of attention. Ayos na sa akin na mapag-usapan na ka-date ni Noah before but not this incoming prom.
I leaned closer to Gwen and whispered, "I think you made a big mistake."
Kunot-noo naman niya akong binatuhan ng response, "Anong big mistake? I dropped my form there and I put yours too. Ilang araw na rin kitang pinu-push na maghulog pero hindi mo pinapansin kaya ako na lang ang gumawa ng paraan."
Napahimalos ang kamay ko sa mukha ko. Suminghal ako para maramdaman niyang hindi ko gusto 'yong ginawa niya. "You should've left me out, Gwen. Tama na 'yong naging ka-date ko si Noah from last time. Ayoko nang maging ka-date pa siya this prom."
"But I already did." Ngisi pa niya. "And so, may ka-date ka na ba for prom?"
Umiling ako, "No, wala pa."
"So, this is your chance!"
Muli akong umiling. "No, this is not what I'm heading at. Ayokong sumali diyan dahil baka magkaroon ng gulo at ayokong madamay sa kahit anong gulo. Naririnig ko na ngang pinag-uusapan nila ang date namin namin ni Noah, ito pa kayang parating na prom? Gusto kong umiyak, Gwen. You should never have done it." Bumagsak ang balikat ko, nawalan ako ng gana kainin ang pagkain ko.
"I'm really sorry, Tate." inabot niya ang kamay ko. "It was never my intention naman. I thought you'll be happy too. Akala ko rin naghahanap ka lang din ng tiyempo to drop you form. I should've asked before doing it, I'm sorry..."
"That's okay... wala na rin naman tayong magagawa e. Nando'n na 'yong form ko. I just need to wish na hindi ako ang mabunot kasi tatawagin nila pandaraya 'yon. Even Cirie dropped her form. Kulang na lang talaga abangan nila ako at gulpihin."
"Hay naku 'yan si Cirie," singhal ni Gwen. "And don't worry, sa dami ng interested girls na sumali sa pakulong ito. For sure, it would help you to minimize your chances. Pero I was still hoping na ako ang mabunot," she closed her eyes and crossed her fingers.
"Yeah, 'yan na lang ang iwi-wish ko. I can't be picked this time."
Tumango si Gwen sa akin. "Don't worry talaga, you'll be fine. Anyway, nagkakausap pa ba kayo these past few weeks? Pansin ko rin kasing hindi siya nagpopost ng photos niya sa Instagram lately. More on Twitter pero halos promotion pa."
"Yeah we do," sagot ko sa kanya at nanlaki ang mata niya. "We talked for some time, hindi rin naman nagtatagal ang pag-uusap namin. Parang nagkakamustahan lang talaga kami. I don't think he's not interested in me and I think that's a great advantage for me. Mawawala sa akin ang atensyon ng karamihan."
"But do you like that idea? Na hindi ka bet ni Noah?" Balik ni Gwen na tanong sa akin.
Natahimik ako at walang naisagot. Do I want that? Of course, hindi. I also have this thing in my head na sa akin lang dapat ang atensyon at hindi na mapupunta pa sa ibang babae. But who am I to say that? We just me, got on a date at iyon na 'yon. Hindi naman deep iyong pagkakakilala namin sa isa't isa but enough to know our personal life.
"Tate, you're spacing out. Hello?" winagayway niya ang kamay niya sa mukha ko at bumalik ako sa wisyo ko.
"No, I'm fine," sagot ko sa kanya. "I wish you would be picked."
"Yes, Tatey! I'm so excited!" she squeals.
When we finished eating bumalik naman kami sa homeroom. Habang nagbabasa ako ng lecture namin for our next class, nakatanggap ako ng text pero hindi 'ko kaagad tiningnan kung sino. But I was so intrigued, hindi ako mapakali kasi binunot ko ang phone ko sa bulsa ko at mabilis na tiningnan kung kanino nanggaling iyon.
I was already thinking na scam message lang 'yon. Hindi 'ko na lang din pinapansin minsan kasi puros follow request sa Instagram ang natanggap kong notifications. Nag-private na ako simula ng i-tag ako ni Noah, well, it's also his advice that I should go private para hindi lahat ng tayo ay nakabantay sa galaw ko. Lalo na ang mga paparazzi.
Then I look at the text, it's from Noah.
Noah: Hey, Tate, I'm going to cook something for dinner tonight. Wala akong maisip na pwedeng lutuin. What do you think would be good?"
I replied, Uhm... I don't know. Why asking me?
Noah: Nothing, I just want to ask you... hey, what's your favorite dish anyway?
Hindi 'ko alam kung saan tatakbo 'tong usapan namin ni Noah.
I loved pasta. Nabanggit ko na 'yon no'ng date natin eh. But I also loved mac and cheese. Yes, super dadali 'di ba?
Noah: Yeah, I noticed. But I also have something in mind. Secret na lang muna. Do you want to go to grocery with me?
Hala?! Ako talaga?
Noah: Yup, sunduin ba kita diyan sa school niyo?"
No, Noah. That would cause another trouble na naman.
Noah: So that's a yes?
Ano pa nga bang magagawa 'ko? So it is a yes. Ako na lang pupunta mag-isa. Just text me the location, okay?
Noah: Yes! Thank you, Tate! See you!!! <3
At dahil sa kanya, hindi ko na natuloy basahin ang lecture ko for next class. Hindi 'ko naman sinabi iyon kay Gwen dahil kung saan-saan naman mapupunta ang usapan naming dalawa. Sasabihin niyang wala akong interes kay Noah pero ito ako ngayon, pumayag na sumama kay Noah para mag-grocery. Hindi 'ko naman inaasahan na magyayaya 'yong tao.
I know he has his friends na mas kilala niya kaysa sa akin. Why would he chose me? Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung hanggang saan aabot ang pagiging assumera ko.
Not that long when the class started, nagsimula sa lecture at nagparecite, good thing napahapyawan ko ng basa ang ibang tanong pero on the latter part ay natahimik ako at nakinig na lang. Mas dumiin sa isip ko ang pagkikita namin ni Noah mamaya.
Naiisip ko pa lang ngayon, how it would end? Just like our first date or more than that?
Stop assuming Tate, nakakaloka na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro