15 // Match
Chapter 15
For the past couple of days, me and my team from the Decathlon has been preparing so much that we will never leave the study room unless we at least answered all the questions perfectly. Hindi rin naman namin pinu-push ang sarili namin na sagad-sagaran sa pagrereview. We take our time para lahat makasabay sa discussion.
Lima lang din naman kami sa team namin. And that's why they pick me to join their team dahil ang qualified members for a team ay five. Tinanggap ko naman ang offer ni Sir Terillo which I think helps me to focus on my academics and extra-curricular. No boys problem for me anymore.
Well, Noah and I were fine, we talked but we never see each other in public anymore. Pagkatapos kasi no'ng usapan namin noong nakaraan, minabuti naming 'wag na lang muna magkikita sa public dahil dagdag issue na naman iyon. And I don't want to put him on hot seat. The last thing we've had was the day I had a dinner with him on his home. Feeling ko iyon na ang pinakamalalang pangyayari sa buhay ko dahil 'yong attention nila ay nasa aking lahat. I could have a panic attack there mabuti na lang ay sinagip ako ni Noah.
And by means of not seeing each other, unti-unti namang bumaba ang ingay ng pangalan ko sa campus. And for me, that's a good thing dahil nawawala na sa akin ang atensyon. I don't if that's a good for Gwen pero mukhang nagugustuhan niya rin naman ang nangyayari so it's her situation to worry about.
"Guys, as much as I want everyone to go home early but I suggested that we should take an overtime. I don't want to stress you out on weekends and give a little time to prepare next week. Just this time, we need to do it so we'll be able to catch up our final lessons."
Sumang-ayon naman ang iba pero pansin ko naman na iyong iba ay gustong matapos ng maaga ang review namin.
"Sir, the football match will happen tonight, we'll be able to watch it?" tanong ng isa kong kasamahan. Sumang-ayon din naman ang iba sa sinabi niya.
The football match between our school and another school will happen happen tonight. Mukhang ang lahat ng activities ay sa campus namin ginaganap. The booths and fairs happened from the past couple of days, masaya naman at kapansin-pansin naman ang interaction ng mga ibang students kaya ibigsabihin ay successful ang mga activities for this year.
"You'll be able to watch if we finished early," Sir Terillo responded.
Nag-apir naman ang ilan sa kanila. They also want to support the football team, of course, sino bang hindi? We haven't win a match for the last three years kaya sabik na sabik din ang buong campus na this tear ay ang school naman namin ang mananalo. We we're craving to win kaya kahit ang Decathlon Team ay pinagbubutihan para maipagmalaki namin ang school namin.
"Are you gonna watch the match, Tate?" tanong ng isa kong babaeng kasamahan. Tatlo kaming babae at dalawang lalaki. We're all geeks and nerds, and we don't care if we will be called the biggest nerds of the school. That's at least a big title kaya pinagpupursigi pa namin. We don't want anyone strip our titles away. Dito kami magaling, so we'll use it in a good way.
I shrugged off. "I think so. I'll try. My Mom only knows that I'll be going home late because of our review but we'll see if I can sway her mind."
"You should," hagikgik at pamimilit niya pa. "This is the season will win so we need to be there."
I smiled. "I hope so."
When we're about to continue our discussion, bigla kong nakatanggap ng call. I was about to ignore it dahil nagsasalita na si Sir Terillo but I saw Noah's phone on the screen kaya biglang nangatog ang mga binti ko. Hindi 'ko alam kung i-ignore ko ba ang tawag ni Noah at makikinig na lang kay Sir Terillo pero nakahinga rin naman ako kaagad ng maluwag ng biglang ibaba ni Noah ang tawag.
Pero akala ko namali lang siya ng tawag dahil ang kasunod no'n ay nag-text na siya sa akin.
Noah:
Are you busy? Can we talk?
At ilang segundo lang ay bigla itong tumawag at muli akong kinabahan kaya kinuha ko na agad ang atensyon ni Sir Terillo. Lumipad din naman ang tingin ng mga kasamahan ko sa akin. Pinakita ko naman ang phone ko at sumenyas akong kailangan kong sagutin ito. Pinayagan naman niya ako at lumabas ako ng study room at sa hallway ko sinagot ang tawag.
Mabuti na lang ay hindi mahigpit si Sir Terillo. Good thing na sinabi kong important call from my Mom pero ngayon naisip ko ring kailangan ko na ring tawagan si Mommy.
"Hey... Noah?" nanginginig ang boses ko ng magsalita. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa sa kabilang linya. "Are you there?"
"Yes, Tate! I'm sorry, you sound so cute there." he chuckles at pakiramdam ko naman ay namumula ako. "Are you busy? I just wanted to say something."
"Uh... yeah, kinda? I'm actually in the middle of my review with my team."
"Oh, shoot! And at this hour?"
"Yup, we took an overtime because the competition will happen early next week so we have to do it this time. So, why did you call? I can't take too long, Noah. I need to go back inside."
"Oh, I just thought of going with you on the football match tonight? But if you can't make it, then I don't."
"No, Noah, if you want to go, you should. And I think if we finished early, I can go with you. Just wear something that don't look like you. In short wear a disguised so my schoolmates won't know that I'm with you. Is that okay?"
"Sure, let me know when your review class is done, okay?"
"Okay, I will. And also let me know if you're already here."
"I will! See you later, Tate."
"Okay, see you! I have to go now, okay?"
And when I dropped the call, agad ko rin namang tinawagan si Mommy para sabihin sa kanya na manonood ako ng Football Match and I told him that I was going with Noah. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoo at kung bakit ako iniiwasan ni Gwen. She's fine with it basta iuuwi dahil ako ni Noah sa bahay kaya pumayag din kaagad siya. Kinabahan pa ako dahil akala ko mauuwi pa sa mahabang diskusyon ang pag-uusap namin but then I figured it out so well kaya abot tainga ang ngiti ko.
I came back inside the room na parang walang nangyari at nakinig na nang mabuti sa discussion namin.
***
We started at five at ngayon ay lagpas alas y siete na. Kanina pang alas y sais nagsimula ang football match at naririnig namin ang mga sigawan dito sa room mula sa football field. Noah Even texted me na naghihintay na siya sa akin doon. Nahirapan pa siyang magpark ng sasakyan dahil ayaw niyang may makakita sa kanya. He even send me a picture of him on his disguise at napigilan ko lang tumawa dahil nasa kalagitnaan pa ako ng review.
When Sir Terillo felt like our head isn't with the discussion anymore, agad na rin naman niyang sinabi na mag-aral na lang kami ng mabuti sa bahay at pagbutihin namin sa darating na competition. Of course, we want to win so we will do our best.
Sama-sama naman kaming lima na tumungo sa football field at nalula kami sa sobrang dami ng mga tao. Napuno ng schoolmates ko ang bleachers habang gano'n din naman ang sa kalaban na team. Pero mabilis ko rin namang hinanap kung nasaan si Noah.
He's wearing a grey hoodie and a shades. I'm not sure how to find him at this moment dahil karamihan din sa mga nakikita ko ay mga naka-hoodie o 'di kaya naman ay mga naka grey shirt. I even texted him na tumayo siya dahil karamihan naman ng mga tao ay nakaupo at inaabangan ang susunod na game.
"Tate, aren't you going with us?" tanong sa akin ng kasamahan ko.
Umiling naman ako. "No, I'm meeting someone here. You can go guys, I'll just wait here."
Nang iniwan naman nila ako at nagsimula ulit akong hanapin si Noah sa bleachers sa side ng aming team, ilang saglit lang din naman ay may napansin akong tumayo sa itaas na row. It has the same outfit of his disguise kaya ng i-eksamahin ko iyon ay nakumpirma ko ngang siya iyon. Gusto ko pang matawa pero pinigilan ko dahil baka sabihan pa akong baliw ng mga nakakakita sa akin.
Agad naman akong tumungo sa bleachers sa top row at nang makalapit ako sa kanya, nginitian niya ako.
"I thought you won't come, I'm worried." he muttered, ang hina pa ng boses niya. Naniniguradong walang makakarinig sa kanya e mas nangingibabaw pa nga ang boses ng mga taong nanonood ngayon sa game.
"Of course I'll come," sagot ko sa kanya at sabay kaming umupo.
Mayamaya lang ay gumapang ang kamay ni Noah sa kamay ko at kinulong niya iyon ng mahigpit. Hindi ko naman pinansin dahil nagsimula na muli ang game from it's break. Tutok naman kaming dalawa ni Noah pero biglang may umaagaw ng pansin ko. Nang suriin ko kung sino iyong babae na tingin ng tingin sa aming direksyon, doon ko lang na-realize na si Cirie pala iyon. At katabi niya pa si Gwen. Oh gosh! Nagsama pa talaga silang dalawa?
Napansin ko namang may ibinubulong si Cirie kay Gwen at itinuturo naman ni Cirie ang direksyon namin ng pasikreto. Pansin naman niyang hindi ko siya nakikita kaya pinagpapatuloy niya ang ginagawa niya. Nagsimula rin naman kaming hanapin ni Gwen pero hindi niya makita dahil sa dami ng tao.
Nagkaroon ako ng ideya at pinisil ko ang kamay ni Noah.
"Uh... Tate? What are you doing?" he asked.
"I think someone knows you're here... we need to go now."
"Who?" tanong pa nito.
Pero hindi ko na siya sinagot, tumayo na naman kaming dalawa ni Noah at narinig ko ang sigaw ni Cirie na nandito si Noah at tinuturo niya ang direksyon namin. Mabuti na lamang ay naka-goal ang aming team kaya biglang nawala ang atensyon at gumulo ang paligid. Dahil doon, mas binilisan pa namin ni Noah ang pag-alis sa bleachers at nang makalayo kami at binagalan ang pagtakbo namin ay natatawa na lamang kami. Hinahabol din namin ang hininga namin.
"That was crazy, woooh!" he laughs.
"Yeah, it was! Cirie almost got us though!" I exhaled.
"Well, good thing your school team got a point and luckily we got out." he chuckles. "So, what do you want to do?"
I shrugged off my shoulder. "I don't know... maybe we'll spend a time in your car and let the cheers from the field from there? I know they broadcast it live on Facebook so I guess we'll watch it online."
"Sure, that'll be great for us. I like it." Ngiti pa ni Noah.
So we head to his car and good thing no one followed us. But while we're settling on his car, a moment later ay nakita namin si Cirie at Gwen na may hinahanap kaya bigla kaming nagtago ni Noah sa ilalim na dash board para hindi nila kami makita. And we think that it is effective dahil nilagpasan nila kami. And after that, Noah and I watched the football matched online.
Thirty minutes passed, our school team won the match.
Mula sa kinaroroonan namin ay dinig namin ang malalakas na sigawan ng mga tao mula sa field. Hindi rin naman namin napigilan ni Noah ang matuwa na sa hindi namin inaasahan na mauuwi sa ibang bagay. I kissed Noah, intentionally. Hindi 'ko alam kung bakit ko ginawa 'yon pero siguro dahil sa sobrang tuwa lang. Napangisi na lang din naman si Noah habang binalot naman ako ng kahihiyan. Hindi na ako nakapagsalita matapos no'n kaya nagyaya na lang din akong ihatid niya ako sa bahay.
As he dropped me off my house, he then kissed me once again--on my lips at hindi na ako nagulat doon. Pareho naming gusto ang nangyari at bumaba ako ng sasakyan niya ng may ngiti sa labi. Hindi 'ko alam kung anong meron kaya ng makaalis si Noah, hindi na siya naalis sa isip ko.
Pagkapasok ko ng bahay at tumungo ako sa kwarto, I still can't believe that we kissed and it was the most unimaginable thing to have.
And I think... Noah and I are a match. Or not? I hope so.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro