13 // Promposal
Chapter 13
"Congratulations, Tatiana! Welcome to the Decathlon team!"
Mister Terillo announced to the rest of the group as I'm going to compete with them for the upcoming event. Para sa akin, it is a good opportunity for me to sway my head out of unnecessary things, considering Noah was on the top of it.
Tinanggap ko ang offer dahil kailangan ko rin naman 'to for academic at mas mapapaganda ang records ko kapag mag-aapply na for college. Malapit na rin iyon so we all need to prepare for it. Mas mabuti nang ituon ko ang atensyon ko sa importanteng bagay kaysa sa mga boys problem. Hindi iyon ang kailangan kong bigyan ng pansin. Hindi rin si Noah.
Masaya naman ako sa bagong pagkaka-abalahan ko. If Gwen found a time to spend her time, ito naman ang uubos ng oras ko and that's okay. Mas better pa ito kaysa sa walang kabuluhang bagay. And I also keep reminding myself na hindi worth it kung gagawin kong big deal ang mga nangyari kasi hindi naman. I should just let it go and go back as the school nerd. What I'm actually confident to be called for.
Kakapasok ko lang din at magsisimula na rin kami agad sa introduction ng review namin. Hindi naman nakakabigla, dapat sasali talaga ako ng Decathlon Team noon kung hindi ko lang priority ang academics rather than extra curricular but I guess this helps me to cope up with unwanted time.
After Gwen's show the other day, medyo kumalma na rin naman ang chismis ng mga tao. I guess hindi siya gano'n pinag-usapan katulad noong nangyari sa akin. It was a surprised for me pero kay Gwen, it came out as jealousy at kung mapanindigan niya man ang ginagawa niya at pag-i-i-snob sa akin, hopefully she regrets her decision of leaving me. Hindi ko naman siya pinabayaan e. I even asked Noah to take her out pero ngayon ako pa ang masama. Ako pa ang naging kontrabida.
Hindi ko naman mababago ang mindset siya. Siya naman itong dahilan bakit kami nagkakilala ni Noah.
"This week gaganapin na ang iba't ibang school events. Magsisimula sa mga school booths and fair, then next week is the football match of our school against the rival school. And on that weekend, we'll have the Decathlon event. Gaganapin lang ito rito. Yup we will host the event this year so I hope we'll win it this time. And now that Tatiana is here, I bet she can carry this group to the top. Can you do that for the team, Tate?"
Lahat ng mata ay tumingin sa akin. Hindi 'ko na sure kung anong gagawin. Tama ba 'tong pinasok ko?
Sa huli dahil sa pressure na pumatong sa balikat ko, napatango na lang ako at pinalakpakan nila akong lahat. They know that I'm running for an honor role and they are all leaning to me now. Nakakapressure dahil gusto ko lang naman ilibang ang sarili ko pero mukhang mapapasabak talaga ko sa super busy life and I guess this will put me out of for falling into something else. No distractions, I need to win this for our team and to the school.
For the introduction, nagbigay lang naman ng assessment kung anong tatalakayin namin all throughout our review sessions. Nagbigay lang ng pointers para kapag magkikita-kita kami, which will happen every day after our classes ay handa kaming lahat. We will be doing a lot of reviewing para handa kaming lahat sa araw ng event. And I'm not against with the protocol. I also joined the team to win.
When Sir Terillo sent us home early, napadaan ako sa hallway. Nandito pa ang ilang students, kasabayan kong umuwi. Pero nahinto naman ako sa paglalakad ko ng madatnan ko ang kumpulan ng mga students at nakaharang talaga sila sa hallway. I scurried in to know what's happening at nang makasilip ako kung anong ganap. Napataas na lang ang kilay ko. Bitter na kung bitter pero wala namang gagawa niyan sa akin.
Isang guy ang nag-ask sa isang girl kung pwede siyang maka-date sa darating na prom. Of course, girls are still hoping that they would get their chances with Noah pero itong nakikita namin ngayon, the girl immediately gave an answer to the guy and it's a yes. Napuno ng hiyawan at hallway at narindi ang tainga ko at sapilitan kong tinakpan. Nabunggo pa ako ng ilang babae na sobrang tuwa tuwa sa nakikita nila.
Duh, it's just a promposal, nothing big deal.
At saka hindi naman ako aasa na may gagawa no'n sa akin. I never imagined myself to have one so I really don't care.
Nang humupa na ang mga tao ay sumingit na ako palabas ng building at para akong nakahinga ng maluwag. Nabingi ako roon sa mga hiyawan ng mga babae. Akala mo mga kakatayin na sa sobrang hibang. Oh well, girls are so crazy with it pero umaaasa pa rin naman sila kay Noah. Hindi lang makagalaw ang ibang boys dahil pakiramdam nila ire-reject agad sila dahil nandiyan pa ang chances nila kay Noah pero dahil two weeks to go pa naman ang prom, everything can happen.
Habang naglalakad ako pauwi, I received a message from Noah pero in-ignore ko iyon. I have no time to meddle with every situation that confides with him. Ayoko na. Enough na. But another message of him stopped me from walking and I looked around to see if he's really around.
Noah Beckon: I see you and yes, we need to talk.
And out of nowhere, Noah came out of the bushes and pulled me straight ahead to his car. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan ay tulala ako at hindi ko alam ang gagawin. Iniiwas ko rin ang tingin ko sa kanya kasi hindi 'ko inaasahan na magkikita kaming dalawa ngayon. Nang binalak ko ring lumabas ng sasakyan niya ng walang paalam, he locked the door automatically kaya wala akong kawala so nanatili ako sa loob at humalukipkip.
"I think there's nothing to talk about Noah, " I said.
"Yes there is," aniya. "And it's about is."
"And what do you mean about us?" At saka ko siya hinarap na nakabusangot ang mukha pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit niya ng mukha niya sa akin at paghawak niya sa ulo ko at saka niya ako hilakan. Nanlaki ang mga mata ko. I wasn't expecting it. Not ever. Not from Noah.
And the crazy thing about this... Noah's my first kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro