Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𝐏𝐀𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒



▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

LIKHA AT HIRAYA
h a n d t h e i r e n d

Likha . . . Likha Ayala, tipikal na nilalang. Mariin akong naniniwala na wala nang natitira sa aking pagkatao. Ni sa paggising sa umaga, hirap akong pagsumikapan ang pagbangon, dahil na rin hirap akong makatulog sa gabi. Puno ng mga kaisipang ang aking isip, at madalas din ang pakikipagtalo ko sa aking sarili. Takot din ako sa mga maraming bagay na hindi ko kayang aminin: takot sa kabiguan, takot sa tagumpay.

Mataas ang inaasahan ko sa mga tao, pero mas mataas ang para sa aking sarili, ngunit, kahit na ganoon pa man, ang pagnanasa ako ay ang buhay na pangkaraniwan lamang. Magiging masaya akong maninirahan sa malawak na palayan nang mag-isa, o kaya'y magsaya sa malimlim na liwanag ng buwan.

Wala akong pakialam sa mga maka-mundong bagay o sa tulak ng kapalaluan . . .

Subalit, may marubdob din akong paghahangad, na kahit papaano, ako'y magkaroon ng dahilan o layon sa mundong ito.

Kaya, nagsimula ang lahat sa nakapalibot na kaparangan sa isang liblib na bayan, noong inilibot ng nag-iisang babaeng anak ng mga Ayala ang kanyang mga mata sa paligid, kasabay ng pagsaksi sa pagdanak ng dugo ng kanyang kinauukulan.

o kaya't sa mas simpleng salita: may isang liham akong natanggap na naging rason ng aking paggising sa kapanahunan ng rebolusyunaryong Labanan sa Binakayan-Dalahikan, kung saan ko masusubaybayan ang pulos mortal kong buhay na nahuhulog sa kapanglawan at trahedya.







❛ ━━━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━━━ ❜







INSKRIPSIYON

Sa paghulma ng panahon, ang iyong pangalan
ang  aking  sasambitin .  At  sa  paglamlam  ng liwanag  ,  kalakip  ng   maliyong   pag-asa  . . .
nawa     ay      kapwa      nating        magtapuan 
ang                  ating                mga              landas.




❛ ━━━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━━━ ❜





LIKHA NG PAMILYANG AYALA
Kung dati, likas niyang mahal ang pakikinig sa malumanay na pag-alpas ng hangin mula sa mga dahon at sangay ng mga puno, ngayon, natutunan niyang mahalin ang sarili niyang mga saloobin.


HIRAYA
Anak ng digmaan at trahedya, kung ang dugo ay ang kabayaran sa lahat, paano masasabi kung ang lahat na ito ay para sa kaluwalhatian?
Munting mandirigma, lumaban ka nang magiting, ngunit ito ba'y may tunay na kabuluhan?






❛ ━━━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━━━ ❜






MGA RITMO NG SINAUNANG PANAHON

                 ikauna        paagi, up dharma down
                 ikalawa       unti-unti, up dharma down
                 ikatlo          anino, up dharma down
                 ikaapat       luna, up dharma down
                 ikalima       glow, nano
                 ikaanim      sleepsong, secret garden
                 ikapito        give it back, cö shu nie


spotify link for the playlist is in the inline comment.






TRIGGER WARNINGS !

VIOLENCE, DEATH, WAR, ABUSE, SEXUAL ASSAULT, BLOOD, DISCRIMINATION, POLITICS, EXISTENTIALISM, NIHILISM (so beware of depressing bullshits <3 — and dayum im kinda guilty writing those ajdjdidmkd just ... lemme pray for u 😃)


MGA NOTA NG MANUNULAT

ang nobelang ito ay naglalaman ng mga paglalarawan ng makasaysayang pigura, politikal na awayan, at paraan ng pamumuhay noong 1897, atbp., at hindi — fu k im tired trying hard talking in my mother tongue ganxndkdm

anywho, as i was saying, this story contains historical images of the past (1897, my inspiration), and there are no relations to the real-life variations within the history of the philippines.



AT NAIS KO RING IPABATID:

◻ Bukas ako patungkol sa mga kritisisimo.

◻ Pag-aari ko ang mga larawang nagamit. Paggalang sa mga may-ari—ako (HandTheirEnd). I had an initial design, but it was too much task to do, so i made it a little simpler.

◻ i dont know what has gotten me and am now doing this XDDDDD but i will try my very best do finish this!!! hahhahaha (di totoo) say hello to my wip stories, ppl. well, i told myself before that imma write a purely tagalog story, sooooooo here it is! idk if i will be consistent, but idc. im still smhw loyal to my fanfics lmaooo

◻ and most of my favorite filmmakers/directors had created a war movie/story and IM SOOOOO INSPIRED BY IT. tho mine will be insignificant, but yeah, at least, im doing one. it has a touch of science, architecture, and historical fiction.





PAGTATATWA

Ang paggawa ng mga kopya ng walang kasulatang pahintulot ng may-ari ay ipinagbabawal. Ang likhang ito ay isang itelektwal na pag-aari ng may-akda.

Lahat ng mga karapatan ay nakalaan kay HANDTHEIREND

at alam kong wala kayong pakialam, pero

Enjoy !



▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro