Chapter 18. Unedited
JEFF’S VIEWPOINT
Mabilis na bumagsak ang temperatura ng paligid pagkaalis na pagkaalis ng Junior Sister namin sa tabi ng Heir ng Night Clan.
Parang isang ilusyon na nawala ang pagiging kalmado nito tuwing kaharap si Ophelia, ang misteryosong bagong disciple ng Master namin.
She’s really unpredictable.
Ang asul at mala-agilang mga mata nito ay nakasunod sa naglalakad na pigura ng Junior Sister namin.
Kapansin-pansin ang pagbibigay daan ng mga nasa paligid para sakanya. Matagal na naming napapansin ang kakaibang aura nito, like she’s born to… rule.
The way she eat in elegance, the way she sit, the way she walk and talk. Her whole person are screaming with authority.
Nang hindi mo namamalayan na napapasunod ka na niya.
“I will take my leave too. Call my subordinates if you need anything.” Malamig na sambit nito habang hawak ang wine glass na walang laman.
“Thank you, young master.” Sambit ni Senior Brother Ethan.
Maging ang First Brother naming si Ethan ay hindi kayang pantayan ang aura ng nag iisang Kazimir Night.
Samantalang ang Junior Sister namin ay walang takot at alinlangan kung harapin ito. Di mo aakalain na ilang araw lang nang una silang magkakilala.
Sa mga araw na pananatili ng bagong junior sister naming si Ophelia ay ramdam na namin na hindi ito ordinaryo.
Mas lalo pa kaming nakumbinsi dahil sa mga sumunod na araw na pamamalagi namin sa Estate ng Great Master Wallace, sa tuwing kasama nito ang isa sa mga pinangingilagang Heir ng Night Clan.
We all witness the way she treat the ruthless Kazimir Night.
Kahit ang isang Kazimir Night ay walang magawa kundi sumuko na parang natural lang iyon.
Sa tuwing makikita nito na parang magagalit na si Ophelia ay susuko ito.
Sa tuwing madilim ang aura nito ay may sasabihin lang si Ophelia dito ay mawawala na ang inis nito at kakalma.
He’s always following her, na hindi alintana ni Ophelia na para bang ganon na ito dati pa man.
Sometimes she’s making fun of him at naaabutan pa namin na nagre-request ito ng ipapaluto.
Sometimes we witness how ruthless he is and how he handle the traitors that they discovered. Patuloy lang siya sa pagkain ng desert habang nakikita ang paghila ng lubid sa leeg ng sampung traitors na nakasuot pang maids.
“Have mercy, Young Lord Night!”
“Young Master Fifth, s—save us!”
Napatigil ito sa pagsubo sa cake.
“Hm? Why me?” takang tanong nito na kumakamot sa ulo.
“Because y—you are kind! Please ask—”
“….” Tahimik na pinagmasdan ni Kazimir Night si Ophelia na nakadekwatro at nakahalumbaba na ngayon at tumigil sa pagkain.
“Me? Kind? Pfft!” humagalpak ito sa pagtawa.
“Haaah. Really, consider yourselves lucky na hindi ako tinraydor niyo..” naiiling na sambit nito.
“Ruthless, I like it.” May kinang sa mga matang sambit nito habang nakatingin kay Ophelia.
“Just deal with them bago ako mawalan ng gana.” Wagayway nito sa kanang kamay at nagpatuloy sa pagkain.
“Hm, continue eating I’ll finish this faster.” Marahang pat nito sa ulo ni Ophelia.
“Yeah, whatever.”
“Pfft. Cute.”
We can see how very ‘fond’ he is towards Ophelia. He is…spoiling her to no end.
Sunod kong sinulyapan naman ngayon ang grupo nina Gary, Patrick, Sandro at Paulo na sa t’wing nakikita ang grupo namin mahilig gumawa ng eksena, ngayon ay nasa tabi ng Master nila at halatang pinagsasabihan ang mga ito. Tingin ng mga ito ay anumang oras mawawala ang Martial Ranking nila ngayong magiging aktibo na kami sa Martial Society.
Ang grupo namin ay [Unrank] dahil hindi kami sumasali sa mga tournament o duels. Isa sa dahilan ay sa walang hilig ang Master namin at walang panahon para sa ganon. Ngunit ngayon na gumawa ng hakbang ang Master namin para magpakita sa okasyon na ito ay isa lang ang dahilan.
Magiging aktibo na ito sa mga nagaganap sa Martial Society, na dating isinasawalang bahala nito.
Sa di kalayuan.
Napapalibutan si Master ngayon kasama ang dalawang maimpluwensyang sina Master Lioner at Wallace.
-
Pagkaalis na pagkaalis ng presensya ng Heir ng Night Clan ay agad din kaming napalibutan.
“Nice to meet you, Young Master Ethan..”
“Young Master Rodney, matagal na naming naririnig ang pangalan mo at gustong…”
“Young Lady Gina, napakaganda ng suot mo bagay na bagay sayo gusto mo bang sumama sa grupo namin…”
“Young Master Jeff..”
Tipid ang ngiti na hinarap namin ang mga ito. Sa hindi malamang dahilan kanina ay maaari kaming lapitan ng mga ito dahil sa mga nag uumapaw na kuryosidad ng mga ito sa amin at dahil sa maliit at matibay na impluwensya namin sa isa sa mga Great Master ng Martial Society.
Nang umalis si Ophelia at Heir ng Night Clan ay saka kami nilapitan ng mga ito.
Ngayon ko lamang napagtanto ang kakaibang kinikilos ng mga nasa paligid namin nang kasama lang namin si Ophelia.
“You’re new Junior is very extraordinary.”
“You’re right, gusto namin kayong lapitan kanina.”
“Now that you mentioned it, I feel so nervous nang lalapit na ako ngunit napapatigil dahil sa presensya nito.”
“Maybe that’s why he can talked to Young Lord Kazimir comfortably. They are friends.”
“Yes, it’s really shocking…”
“His aura and presence are very equal to Young Lord Kazimir.”
“Who is he?”
Narinig ko ang boses ni Rodney na nagpatigil sa mga ito.
“Are you here to interrogate us?” malamig na tanong ni Rodney sa mga ito.
“N—No hahaha.”
“Yes, lets talk something else I’ve heard…” Ethan change and lead the conversation smoothly.
I’m known as a silent man, but I’m replying to help my brothers and Gina.
Nilingon ko si Gina, she changed too. She’s now better. Nakikita ko na magkasundo na sila ni Ophelia bagay na nagpaalis sa pag aalala namin and…
Nilagay ko ang braso ko sa bewang nito. We are now a couple. We smiled at each other. Tinulungan kami ni Ophelia na linawin ang mga misunderstanding namin sa isat isa.
“Wow, I’m like a cupid.” Naalala kong puri nito sa sarili niya nang maging opisyal kaming dalawa ni Gina na kinangiti ko.
Our new junior sister is very weird.
OPHELIA LAMARCA’S VIEWPOINT
Mabilis kong naiwasan ang mga matang nakasunod sa akin at itinago ang presensya ko. Matagumpay na nailigaw ko ang mga shadows ni Kazimir.
Binura ko ang presensya ko at walang tunog na naglakad.
Pumasok ako sa isang silid at nilabas ang laptop na pinuslit ko ng bili at pasok. Mabilis na hinack ko ang mga guest list at binasa ang mga bigating dadalo. Ang mga pangalang hindi dapat dadalo ngayong araw ay darating.
Isa na roon..
Castillon Lamarca
“Dad..”
Kasama nito si Amelia at Gillion. I don’t know if it’s a good news or not pero hindi ko nakikita ang pangalan na Zayron Callum, that fool.
Tumingin ako sa mahabang guest list.
“….”
Nang mabasa ko na lahat ay tumayo ako at nilingon ang bintana kung saan ay kumikidlat ng tahimik.
“So they are now on the move, huh?” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kumikidlat na madilim na kalangitan.
I didn’t expect them to make a large scale move bagay na hindi nangyari noon.
“How annoying.”
Kung gagamitin ko ang Master R hacker account ko matutukoy ng lahat ang posibilidad na nandito ako at mas lalong magiging aggressive ang mga ito na sumugod kahit na walang matirang buhay sa kanila.
Lalo pa’t ako ang tinutugis nilang Master R ang nasa priority #1 list nila na gusto nilang mawala sa landas nila at #2 sa katauhan kong Tempest.
Parang mga hyena na hindi titigil ang mga ito, nasisuguro ko ‘yon.
Sunod kong hinack ang cctv at nakita ang mga importanteng bisita kasama ang aking Ama.
“…”
Napatigil ako sa pagtipa nang marinig ang pag-click ng doorknob.
“I’ve been searching everywhere for you, my lady.”
*click*
Sinara ko ang laptop ko at nilingon ito.
“"Master R, huh? It’s you.”
I wanted to wipe that smirk off his face. That familiar expression... I knew he was already calculating in his head on how to trap me.
“I don’t know what you’re saying, Young Master Night.”
His face hardened into a mask of seriousness.
“Answer me. Are you in danger? If yes... Tell me, who do you want me to eliminate for you?”
He moved closer.
“How many heads shall I offer for you to be completely mine?”
He gently held my hand, his lips brushing it in a kiss.
“…Kazimir.”
“Yes.”
“This whole place will be a bloodbath. They don’t know I’m here. If they do…”
“Shall I burn this whole place, then?”
The ruthlessness in him was chilling.
Kumidlat ng malakas at nakita ko ang puno ng kaseryosohang mukha nito. Tila maging ang kalangitan ay nagbibigay ng babala.
Babala na kailangan kong mag ingat sa magiging sagot ko.
Sa sagot kong magwawakas ng maraming buhay, inosente man o hindi.
Funny. I didn’t know I still have this kindness within me. After what I’ve done… in my previous life.
I feel so…complicated.
“Kazimir, make your men do my command..”
“Yes, anything, baby…anything.” he whispered lovingly at pasimpleng hinila ang bewang ko palapit sa bisig nito.
“I will do anything.” Seryosong sambit nito.
“But in exchange, my lady… you will—”
“No.”
“Then let me hug you.” Huli na nang makareak ako dahil sa mabilis na pagbalot nito ng yakap sa akin.
“You..!”
“Please, let me hug you.” Bahagyang kumirot ang dibdib ko dahil sa may bahid na sumamo nito.
At ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib nito.
“Hug me back, please?” bulong nito at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
I sighed at niyakap ito pabalik.
“Happy?”
“Hm.”
“Bitaw na.”
I heard his defeated sigh.
“You’re cruel, but I still like you a lot.” Naiiling na sambit nito habang may naglalarong ngiti sa labi nito.
I didn’t realize that because of that hug, even though this weirdo doesn’t know what I look like, he will recognize me by my scent. Na kahit pa magpalit ako ng pabango, malalaman at malalaman niyang ako.
Haaa. I’m really doom!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro