Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

°†° «[𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐇𝐄 𝐑𝐄𝐓𝐔𝐑𝐍 𝟏𝟔 ]» °†°

“Don’t you think it’s too much?”


Napatigil sa kanya kanyang ginagawa ang mga ito at nilingon ang isang babaeng namumula sa sobrang init ng araw. Hinihingal at tagaktak ang pawis nito na tulad din ng sitwasyon ng mga kasama.


Muling naglakad na parang walang naririnig ang First Senior Brother nilang si Ethan, seryoso ang mukha nito at tumigil saglit at saka kinuha ang panang nasa likuran at akuradong tinamaan ang pheasant.


"First Brother, say something! That girl is messing with us. After she humiliated us, she goes around ordering us like slaves. Who in their right mind would make us become a scapegoat when she wants to practice to kill those dozens of boars? And now she wants us to make her meals!"



“….” Kunot noong binalingan ni Rodney ang Junior Martial Sister nilang si Gina.


“….” Samantalang tahimik at malalim ang iniisip ni Jeff, na mas lalong kinaiinis ni Gina. Kung dati ay parating nasa kanya ang atensyon nito, ngayon ay simula ng dumating ang babaeng yon…

“Gina, what’s wrong with you? Can you keep your mouth shut? Di nakakatulong iyang paghihimutok mo! Jeff, can you do something na makakapagpatahimik diyan?”iritableng baling ni Rodney sa Third Brother niya.

"W--What? Second Brother?" Di makapaniwalang sambit nito, nang balingan niya ang Third Brother nilang si Jeff ay natigilan siya nang makita itong walang emosyon na nakatingin sa kanya.

Ito ang unang beses na magsalubong ang mga mata nila ng Third Brother nila, lumipas ang isang buwan na iniiwasan siya nito.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.

Nagsimulang magbago ang lahat mula ng dumating ang  babaeng yon.

"If you don't like her. Fight her." Sabay nilang nilingon ang First Brother nilang si Ethan.

"Gina." Mahinang tawag ni Jeff.

"Third Brother.." may pagmamakaawang tawag niya dito, alam niya sa sarili niya na sa tuwing naririnig siya nitong ganito ay pakikinggan siya nito. Lihim na natuwa siya na hindi niya ipinahalata.

"Anong gusto mong mangyari?" Seryosong tanong ni Jeff, na kinasalubong lalo ng kilay ni Ethan, at aalmahan sana ni Rodney ngunit seryosong umiling si Jeff sakanilang dalawa bago binalik ang atensyon kay Gina.

"Let's teach her a lesson! We are her seniors! Not her maids! That lazy girl!" Nanggagalaiting singhal nito nang maalala ang natutulog na babae sa kwarto nito na walang ibang ginawa kundi matulog!

Magmula ng matalo sila na dwelo ay patuloy nilang kinalaban ito ng paulit ulit ngunit sa isang kondisyon.

Kailangan nilang pagsilbihan ito! Sa oras na matalo nila ito ay matitigil na ang pagiging alila nila sa mga utos nito!

"Gina, we all agreed na kapalit ng pagpayag niyang kalabanin natin siya ay kailangan natin siyang matalo. Kung may isa saatin na makatalo sakanya, matitigil ito. Sa kahit anong paraan na kahit mandaya tayo ay ayos lang walang problema sakanya."


Tahimik na pinagmasdan ni Ethan at Rodney si Jeff na ngayon lang nila narinig magsalita ng mahaba.

"I don't get you anymore, Gina."

"Ha? What do you mean?"

"I realized a lot because of our new Junior Sister Ophelia, she's right, Gina."

"You... Fine, I'll stay quiet." Nakayukong sambit ni Gina.

Tahimik na bunalik sila tinitirhan ng Master nila. Nakita nila ang likod ng Master nila na nakatingin sa isang direksyon at nang sundan nila ang tingin nito ay nakita nila ang isang babae na nakatulala at pagod na nakatingin sa kawalan.

Di nila maintindihan kung bakit lagi itong ganito. Laging pagod ang mga mata.

"Isang gabi nakita ko siyang naglalakad sa gubat..." Nilingon nila si Jeff nang bigla itong magsalita.

"Nakapaa lang siya, nang sundan ko siya nakita kong naglalakad ito ng tulog na nakadilat ang mga mata. Nakita ko siyang umiiyak mag isa. Lalapitan ko sana siya nang makita ko si Master na nilapitan siya."

Nakita nila ang paglingon ni Jeff sa Master nila na mukhang malalim ang iniisip.

"Sinugod niya ang Master naten gamit ang dagger na nakatago sa bewang niya. Nakita ko kung paano silang maglaban."

Seryosong hinawakan ni Rodney ang braso ni Jeff.

"Master won right?"

"They are...equal, pakiramdam ko nang mga sandali na yon ay parang nakasaksi ako ng dalawang Great Masters... Ophelia, our new sister... What happened to her?" Naguguluhang tanong ni Jeff sa sarili, hindi mawala sa isip niya ang nasaksihan. Nakita niya kung paano nito kalabanin ang Master nila, kung hindi lang ito naubusan ng stamina ay hindi ito titigil ng kahit ilang araw pa.

"Master called me. Alam niyang naroon ako."

"Sinabi ba ni Master na wag mo sabihin sa amin?" Seryosong tanong ni Ethan.

Umiling si Jeff at napabuntong hininga.

"Walang imik na bumalik si Master pabalik, pero bago niya ibalik ito sa silid nito.."

"Napahinto kami nang walang malay na bumulong si Ophelia, "Let me rest in peace" she said those words while crying in agony."

Nilingon nila ang tulalang bago nilang junior sister.


"Parang bigla nalang siyang maglalaho bigla." Wala sa sariling sambit ni Jeff habang nakatingin kay Ophelia.


Nakita nilang bigla itong lumingon sa direksyon nila. Nakangising kinawayan sila nito.

"What's our meal today?" May mapaglarong kuryosidad na tanong nito sakanilang apat nang makalapit.


Nilingon nila si Gina na komplikadong nakatingin kay Ophelia. Halata rito na nabawasan ang 'hostility' at 'warriness' nito na bagay na kinagulat ni Ophelia.


"You will know later." Seryosong sagot ni Gina habang pinagmamasdan ng mabuti ito.


"Oh. Okay.." kumakamot sa pisngi na tango ni Ophelia at sinuri ang apat niyang Senior Brothers at Sister. Pakiramdam niya may kakaiba sa mga tingin ng mga ito.

"You... Are you--" naputol ang sasabihin ng First Brother nilang si Ethan nang makita nila ang Master nila na patungo sa kanila.


"May imbitasyon akong natanggap, kailangan niyong sumama sa susunod na dalawang araw."


Gulat na tiningnan nila ang Master nila.


"Really!? Master?" Di mapigilang tanong nila maging si Ophelia ay gulat na nakatingin sa Master nila.


"Are you going to attend on THAT birthday banquet, Master? Why?"



"What birthday banquet?" Takang tanong nila nang marinig ang sinabi ni Ophelia.


"Great Martial Master Wallace, his 55th birthday. There's a lot of big shots that are going... Master? Bakit ka pupunta? Ayaw mo ng mga okasyon na magbibigay atensyon... Pwede bang.. "


"Sasama ka."


Nakita nilang hinabol nito ang Master nila at ang pagkulit nito na h'wag isama.



"MASTER!"


Nagkatinginan silang apat.

Di na lingid sa kaalaman nila at ng buong Martial Society at sa lahat ng nakakakilala sa Master nila na hindi ito dumadalo sa kahit anong pagtitipon o mga okasyon ng kahit sino pang mga maimpluwensyang tao. Hindi nito gusto ang maraming taong hinahanap at nilalapitan siya dahil sa maraming dahilan, isa rin ang Master nila sa pinakamahirap na makasundo at makausap.


Ang tanging nakakakausap dito ay ang matalik na kaibigan nitong si Lioner na minsang bumibisita dito.


---


Napatigil sa pagbabasa ang taong nakaupo sa loob ng Grand Library, makikita sa paligid ang libo libong nakahilerang mga aklat.


"Allforone is going to attend my banquet? Hahaha! Now, that's interesting!" Puno ng interes na bigkas nito at sinulyapan ang 'disciple' niyang eleganteng nakaupo at sumisimsim ng wine.


Kita nito ang bahagyang pagtaas ng kilay nito.


"You seemed happy, old man."


"Bakit hindi? Ang pinakamailap na Allforone ang dadalo sa selebrasyon ko! Anong masamang hangin ang nalanghap ng taong 'yon?" May malamig na kinang sa mga mata na anang nito habang nakangisi.


"Hmm.." walang ganang iling ng 'disciple' nito.


"Where are you going?" Tanong nito nang makitang tumayo ito.


"Cook." Walang ganang sagot nito sa Master niya at umalis ng walang paalam na kinailing ng huli dahil sa hindi ito kumakain ng hindi nito sariling luto.


"You." Agad na tumalina ang butler nang makita ang senyas ng Great Master kilala sa tawag na Great Martial Wallace, isa sa mga nirerespetong Great Master sa Martial Society.


"Yes, My Lord."


"Get someone to entertain Allforone once he gets here in advance. I want to see him."


"As you wish, My Lord." Magalang na nag-bow ito at umalis.

Habang naglalakad ang butler ay naabutan nito ang seryosong likod ng isang lalaki sa cooking area at mabilis na napayuko nang makita ang matalas na mata nito nang makitang nakatingin siya dito bagay na pinaka-aayawan ng kanilang Young Master, ang pinaipinagmamalaki ng kanilang Great Master Wallace na walang iba kundi ang Young Master Kazimir nila.


Ayaw nito ng maingay at iniistorbo ang pagluluto nito.

Sinong mag aakala na ang isa sa mga pinakamaimpluwensya at ruthless Young Master nila ay devoted sobra sa pagluluto. Kahit kailan ay hindi ito kumakain ng luto ng iba.


Dali daling naglakad mabilis ang butler.


"Wait."


"Y-yes, Young Master?"


"Remove those trash before you leave." Malamig na tukoy nito sa mga nakahanda sa mesa na luto ng kanilang Senior Chef.


"Yes, Young Master."


Mabilis na tumalina ito at dali daling niligpit ang mga pagkain, agad na tumulong ang mga maids na tila estatwa sa gilid na nakayuko.


Nang makaalis ay doon lamang nakahinga ng maluwag ang butler at binigyan ng pat ang Senior Chef na malungkot na nakatingin sa mga itinatapong pagkain sa trashcan.


"Haah. My masterpieces. My foods."

"You know our Young Master would never eat anything. Good job everyone, go back on your post."

"Yes, Head Butler."

Nang maiwan magisa ang Head Butler ay kinontak nito ang mga sources niya na magbibigay alam sakanya mga pangyayari o mga balita na hindi masasagap ng mga ordinaryong tao. Bilang capable na Head Butler ay may sarili siyang circle of influence, hindi man kasing lawak ng Great Master at Young Master niya ay malaking tulong ito.


"What a surprise Old But." Bati ng isang boses babae sa linya na agad kinalukot ng mukha ng butler.


"You damn old lady stop calling me that!"


"HAHAHA! If you marry me, I will!"


"A-annoying!" Namumula ang tenga nito sa 'inis'


"Pfft! Why are you calling this time?"


"Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa Great Master Allforone."


"Oh! Not surprising, sumasakit ang ulo namin mag imbestiga lalo na ngayon na maraming gusto umalam sa lokasyon nito."


"We can't locate him with all our might. Maging ang mga hackers natin hindi matunton ito. Maraming nagbibigay ng assignments ngayon at nagbibigay ng rewards sa kung sinuman ang makakapagbigay ng lokasyon nito."

"Kumalat ang balita na magbabalik na ito sa MARTIAL SOCIETY."


Napahilot sa sintindo ang Head Butler.

"Balitaan mo ako agad sa oras na may matuklasan kayo."


"Sure, mylabs."

"Y--you!"


Binabaan siya ng telepono nito matapos siyang tawanan nito.

Napabuntong hininga ang Head Butler. Bukas na ang kaarawan ng Great Master, kailangan niyang malaman ang lokasyon ng Great Master Allforone.

---

Marami ang nabigla sa kumakalat na balitang pagbabalik ng isa sa mga retired Great Master.


"Hey, friend? I can't believe this! You're here!" Gulat na bati ni Lioner nang makita ang kaibigan at bisitahin siya nito sa kanyang Manor.


"Yes, thanks for receiving us friend."
Seryosong sambit ni Allforone.


"We are friends, don't be modest! Hahahaha!" Halata ang galak sa mga mata nito.


"Greetings Great Master Lioner! We are honored to meet you!" Bati ng mga disciples ng kanyang kaibigan na lalong kinalawak ng ngiti nito.


"It's been a while, everyone! Have a seat! Have a seat!"


Nang makaupo ang lahat ay huminto ang mga mata nito sa isang agaw pansin na pigura.


Napansin iyon ng kaibigan at nilingon din nito ang disciple nito na may harang na itim na traditional veil hat.


Nakita ni Lioner ang pagdaan ng isang emosyon sa kaibigang si Allforone na tila 'helpless' at 'doting' na nakatingin sa direkyon ng agaw pansin sa grupo ng disciples niya.


Pansin din ni Lioner ang komplikadong mga mata ng disciples nitong sina: Ethan, Rodney, Jeff at Gina.


"Introduce yourself." Sambit ni Allforone dito.


"Yes, Master!" Eleganteng nagbigay galang ang isang boses binata at yumuko.


"It's a pleasure to finally meet you, Great Master Lioner. You can call me Little Fifth. The fifth disciple of Master Allforone!"


"Ohohohoho! Nice to meet you Young Man! How energetic! I didn't know you have an interesting disciple, friend?" Baling nito sa kaibigan na kunot noong nakatingin sa kanyang disciple.


"You may seat and be comfortable." Nakangiting sambit nito sa bagong disciple ng kaibigan.


"Please don't mind, thank you!" Magalang na sambit nito at komportableng umupo.


Natutuwang tumango si Lioner sa aura ng bago nitong disciple. Kung ang apat na disciple nito ay diretsong nakaupo at tense. Ito naman ay komportableng nakasandal sa sofa.


"Behave." May warning na sambit ni Allforone.


"Master, what did I do? I'm so well behaved. Isn't Master Lioner your bestfriend? There's no reason to be reserved and shy!"


"Haaah. Sit properly."


"Can I sleep, Master?"


"No."


"Hmph. Mean Master."

Naeenganyong pinanood ni Lioner ang antics sa pagitan ng kaibigan niya at ng disciple nito. Para itong 'Grandpa na pinasusunod ang pilosopo at makulit na apo'


Sa huli ay sumunod ito at umupo ng maayos.


"Hahaha! Why don't we have a tea? I have this very precious tea that I received from my disciple." Sambit ni Lioner sa kaibigan.


"Yes, I'd like to try." Tipid na sambit ni Lioner.


"Have the Tea Maker to prepare the tea set." Baling nito sa Head Butler na may ekspresyon na dismaya.


"Apologies, My Lord. The tea maker is not here, he is currently out of duty due to emergency in their household."


"What a pity, my friend! Haah, I really want you to have a taste." Naiiling na sambit ni Lioner.


"Why don't I try? May kaunting ideya ako?" Gulat na nilingon nila ang direkyon ng fifth disciple ng kaibigan. Nang makita niya ang gulat na itsura ng kaibigan ay nakita niyang wala rin itong ideya.



'How interesting.' isip isip ni Lioner, mukhang hindi kilala ng lubusan ng kaibigan ang bago nitong disciple.


"Let little fifth to try."

Mabilis na tumalina ang Head Butler "Yes, My Lord."

Walang nakakaalam kung bakit ngunit walang lumikha ng ingay habang pinanonood ng may paghanga ang taong eleganteng nagpoproseso ng tea. Ang paraan ng paghawak nito sa tea leaf holder, pagsalin sa teapot at pag-brew ay nagbibigay ng kakaibang antigong pakiramdam.


“He” just sat there, gently stirring the tea in front of “him”. It was clear that "he" was sitting in the living room  like everyone else, but "he" somehow gave the impression that "he" was sitting in the old courtyard with lingering smoke.


The surrounding noise was silence because of him.


"Have some, Master." Unang inabutan nito ang kanyang Master at sunod na pinagsalinan nito ang kaibigan ng kanyang Master bago sunod na tumayo at inabutan ang mga kapwa disciple.


Bakit tila pakiramdam nila ay hindi ordinaryo ang tsa-a na hawak nila? Hindi nila maipaliwanag ang pakiramdam.


"You have a very talented disciple, friend. I'm envious."


"Hmm, not bad." Praise ng kaibigan niyang si Allforone sa kanyang disciple.


Tago man ang mukha nito dahil sa black veil na harang ay alam nilang masaya ito sa puri ng Master niya.


"Hehe! Master, can I--?"


"No."


"Ethan, don't take your eyes on 'him'."


"Yes, Master." Magalang na sagot ni Ethan na di maiwasang mag alala dahil kailangan niyang bantayan ang fifth fellow disciple nila.


"You guys can go around and play." Payo ni Lioner sa mga ito.

"Thank you, we will take our leave." Ethan/Rodney/Jeff/Gina/Ophelia


Nang makaalis ang mga ito ay nahihiwagaang binalingan ni Lioner ang kaibigan na seryosong sumisimsim ng tsa-a. Halata rito na 'please' ito at nag eenjoy sa tsa-a.


"He don't seem like a newbie in making these, friend."


"Tch, don't praise 'him' too much." Ngisi nito na kinataas ng kilay no Lioner.

"Hahaha. I'd love to have a disciple like yours, hindi tulad ng alaga ko na pinasasakit ang ulo ko." Naiiling na sambit ni Lioner.



"Zayron Callum, the heir of the Callum Clan. You're referring to him?"


"Yes that brat!"


"Hmm, why?" Nagtatakang tiningnan ni Lioner ang kaibigan dahil kilala nito ang ugali nitong hindi ugali ang magtanong patungkol sa ibang tao.


Ngunit nagtataka man ay hindi niya pinahalata.


"He is so hellbent on finding his 'woman'."


Nasstress na wika ni Lioner at hindi napansin ang paglamig ng mga mata ng kaibigan na natigilan sa pagsimsim ng tsa-a.


"Girlfriend? Since when?" Mahinahong tanong ni Allforone.


"Oh. Since he met her?" Di siguradong sagot ni Lioner.


"No, she's not his girlfriend 'yet'. He's just proclaiming it himself. That damn brat, being territorial when they're not in a relationship. He's very sensitive these days."


"Hmm.."


Napatingala si Lioner nang makita ang marahang pagtango ng kaibigan na tila malalim ang iniisip at salubong ang kilay.


"Is there a problem, Allforone?"


Matagal na niyang kilala ang kaibigan at sa nakikita niyang ekspresyon nito ay parang may bumabagabag dito at tila may hindi nagugustuhan.


"Nothing, I remembered something unpleasant. I'm worried."



---

Sa kabilang banda naman ay nag iikot ang isang grupo sa pangunguna ng naka-black veil na pigura.

Hindi agaw pansin ang ayos nito dahil hindi na bago ang mga taong gustong itago ang mga mukha lalo na sa Martial Society.

Hindi mo aakalaing napakadelikado ng lugar dahil sa maingay na Day Market kung saan maraming nakahilerang mga tinda tulad ng mga jewelry, high grade silks, jade, food stalls, weapons at marami pang iba.


Maraming mga grupo ang nagkalat sa mga bangketa.



"Don't wander around without us, Ophelia." Mahinahong sambit ni Ethan at matalim na sinulyapan ang isa pang di mapirmi sa grupo.


"You too Rodney." Saway nito nang makita itong nasa harapan ng mga nakadisplay na weapons.


"Tss.."

--

OPHELIA'S VIEWPOINT

Bored na ginala ko ang mga mata sa mga nadadaanan namin, sa isang tingin ko palang ay alam ko na ang mga kalidad ng mga nadadanan naming produkto.


Nakita ko ang mga Senior Brother and Sister ko na gustong magtingin tingin rin.


"You guys can look around." Sabay sabay na umiling sila na kinailing ko.

"No it's fine. Wala akong nagugustuhan." Sambit ni Gina, napanguso ako at napakamot sa ulo.

Nagtataka talaga ako bat ang babait ng mga ito ngayon, lalo na itong si Gina, na kilala kong hot tempered.

Nakaramdam ako ng panghihinayang, kung ipagpapatuloy sana nila ang 'dislike' nila saken ay pagtitripan ko pa sila ng matagal. Pfft.


“Brother Mir!”  napatigil ako nang may marinig na pamilyar na boses.

“Behave yourself, Amelia.”  Saway ng isang seryosong boses na napakapamilyar rin sa akin.

“Oh, don’t be mad Brother Gillion.”


“Please excuse her behavior, Young Master Kazimir.”


Ramdam ko ang panginginig ng buong sistema ko. Alam ko na sa isang lingon ko mula sa likuran ko ay…


“Move.” Utos ng malamig na boses sa likuran ko, di ko namalayan ang pigil kong paghinga at dahan dahan kong nilingon ang mga ito.



Sumalabong sa akin ang malamig na asul nitong mga mata.


Pakiramdam ko ay diretso itong nakatingin sa mga mata ko kahit na nahaharangan ang mukha ko ng itim na belo.


“Junior!”  naramdaman ko ang mga kamay na humila sa magkabilang braso ko. Nakita ko nalang na may nakaharang na sa harapan ko na parang pinoprotektahan ako.


Ngunit kahit na nakaharang sila para harapan ko ay nanatiling nakasunod ang asul na mga mata nito.

“Please to meet you, Young Master Kazimir.” Seryosong sambit ni Ethan, at dahil doon ay naputol ang mga mata nitong nakatutok sa akin.

“Hm.” Tango na bati nito at binalik muli ang mga mata sa direksyon ko.

Bahagyang kumunot ang noo ko. This condescending man, he didn’t even bother to hide his indifference. Wala itong pakialam sa iba.

Hindi iyon pinansin ni Ethan at kita kong alerto silang apat sa harapan ko.

 

“Brother Mir? Are they your acquaintances?” tanong ni Amelia, tumingin ako dito at nakita ang ‘infatuation’ sa mga mata nito habang nakatingin sa weirdo—nevermind .

Samantalang tahimik na nag oobserba si Gillion.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

“Brother Ethan, who are they?”  tanong ko sa boses na lalaki.

Mataman muna akong tiningnan ni Ethan bago nilingon ang mga nasa harapan namin.

“I think I have to introduce myself first. You can call me Fifth. The fifth disciple of Master Allforone.” Bahagya akong tumango sa mga ito biglang pagbati.

“Fifth disciple of Allforone –” pinutol ko ang sasabihin ng walang modong weirdo na ito.

“Master Allforone, call him that.” Di ko mapigilang sita dito na kinatikhim at singhap ng mga kasama namin.

 

“Are you mad?”  nakangising tanong nito na parang naaaliw pa.

 

“Junior..” umiiling na nakatingin sina Ethan sa akin.

 

Haaa. Fine. Nanahimik nalang  ako humakukipkip. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I don’t know how to feel anymore. Only I know what happened to us in the past, how frustrating.

 

Lalo na nang manumbalik sa alaala ko ang huling beses na nagkita kami. I remembered how he tried to protect me crazily. After what happened to me, I wonder…what happened to him?

 

I… don’t want know.

 

“….” Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatutok parin sa akin.

 

“Where are you going, Fifth?” gulat na tanong ni Jeff nang makitang walang paalam na tumalikod ako at naglakad paalis.

 

“How rude!” rinig kong bulong ni Amelia na kinailing ko.

“Amelia!” saway ni Gillion.

 

Hmmph!”

 

“Tch. Childish.” Pagpaparinig ko dito na kinalaki ng mga mata nito.

 

“You! What did you say?!” turo nito na kinangisi ko. Pikunin, talaga. Kaya sarap asarin eh.

 

How energetic. This is much better kaysa sa huling alaala ko dito na…

 

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at hinilot ang sintido. I don’t… I don’t want to remember that memory.

 

Napatigil mula sa pagkakayuko nang mapansin ang mapatipunong anino na nakaharang sa harapan ko. Unti unting tumingala ako at muling nakita ang nakaka hipnotismong asul na mga mata nito. Napalunok ako dahil paglapit ng mukha nito sa akin.

 

“Hurt?” seryosong tanong nito.

 

“Hmm..” wala sa sariling tumango ako at huli ko nang natanto. Damn my habit.

 

In the past when he’s asking me like that. He will…

 

O____O

 

Agad na umatras ako. Naiwan sa ere ang mga kamay nito na hihilutin sana ang ulo ko!

 

This guy!

“W-What are you doing?”  tanong ko, kita ko ang pagkunot ng noo nito.

 

“I don’t know. How weird.” Seryosong sagot nito na kiningiwi ko. This…

 

“Weirdo..”  di ko mapigilang bulaslas na kinataas ng kilay nito, may amusement ang asul na mga mata nitong nakatingin sa akin at may bakas na ngisi. Napalunok ako sa lakas ng appeal nito. Damn hot.

 

Naalala ko ang mga kasama namin na muntik ko ng makalimutan, pare-pareho itong mga nakangangang nakatingin sa amin.

 

Napunta sa ibang direksyon ang atensyon ko nang may makita akong pamilyar na bagay.

 

Isang eleganteng ‘lunch box’ na buong ingat na hawak ng isa sa mga tauhan nito.

“….”

 

Ramdam ko ang pagkalam ng tiyan ko. That familiar lunchbox. Napalunok ako.

 

Suddenly a familiar chuckle resounded near my ear! Mabilis na umatras ako nang makita ang tangka nitong alisin ang belo ko! This man!

 

“What do you think you’re doing?” malamig na tanong nang hulihin ko ang pulso nito.

 

Ngumisi ito na kinabahala ko. That familiar smirk.

 

“I’m curious.”

-__-

 

“A pity. I’m really curious about your expressions, I want to see it. I don’t know why. How mysterious.” He whispered behind my ear.

 

“Creep.” Bulong ko dito at… tumakbo ng mabilis habang yakap ang… isang lunchbox.

 

THIRD PERSON VIEWPOINT

Naestatwa sila nang marinig ang mahinang tawa ng nag iisang Kazimir Knight.

Nakatanaw ito sa tumatakbong ‘fifth’ habang alertong yakap ang lunch box na gawa niya.

 

“Forgive me, Young Lord Night!”  takot na lumuhod ang tauhan niyang may hawak ng lunch box. Hindi nito alam kung paanong naagaw ito sakanya ng hindi niya namamalayan.

Doon lamang natauhan sina Ethan, Rodney, Jeff at Gina.

“No, it’s fine.” Seryosong pahayag nito na nakatanaw parin sa malayo. He don’t know why, but he’s very pleased. Knowing that person was going to eat his food, makes him contented and proud.

Nahihiwagaang pinagmasdan ni Gillion ang nag iisang Heir ng Night Clan.

Kakaiba ang kinikilos nito, those who are familiar with him knew him for his ruthless temper.

“Hm, I believe you are here for my Master’s Birthday Banquet?” seryosong baling nito kay Ethan.

 

“... You are right, Young Master Night.” Hindi parin nakakarekober na sambit ni Ethan sa ginawa ng kanilang fifth junior sister.

 

“My Master wants to invite you all in his manor. I’m looking forward.” Nakangising sambit nito at tumalikod, mabilis na tumalina ang tauhan nito.

“We will also take our leave. Lets go, Amelia.” Seryoso at may otoridad na sambit ni Gillion.

 

“But!” natutop ang bibig na tumahimik ito at sumunod nang makita ang matalim na tingin na binigay nito.

 

“Lets meet again, Young Master Gillion.” Eleganteng tango nito at hindi binigyang pansin ang mga mata ng dalagang si Amelia.

Sa huli ay tinanguan nito ang mga nakaestatwang sina Gija, Jeff at Rodney.

“I will personally escort you all ‘later evening’ I’m really looking forward…”

Nang mamalayan nilang wala na ang mga ito ay saka lamang nag sink in ang sinabi ng nag iisang si Kazimir Night.

“W-what..?!”—Gina

“Later?!”—Rodney

“Evening?!”—Jeff

 






---

GoddessNiMaster Note: Hi! What's up, everyone. Upnext na ang banquet maraming exciting scenes ang magaganap sa tamad nating bida na parang si---ehem! 🤭

Don't forget to hit the star vote button and leave your comments. Your supports are my motivation to keep this story on going kahit na parang imposible na bumalik, bumabalik pAhrA sEonYoh xDD 😆 kaya utuin niyo ko para worth it naman BWAHAHAHAHA!




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro