╰─༊ 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓸𝓷𝓮 ࿐‧₊˚✧
"Kuya, I Miss You"
Yan ang katagang sinasabi niya paguuwi ako, tuwing lalabas ako ng kwarto, tuwing... Tuwing sa panaginip Ko.
Ayaw Niya ako tantanan kala Ko nung una na babaliw na ako Dahil sa naririnig Ko pero Hindi, nagpaparamdam siya.
Habang tulog ako nararamdaman Ko na lang na bababa Ang Kama Ko at parang may hihiga sa tabi Ko tapos makikita Ko na lang siya, ayun nakangiti hawak hawak Ang paborito niyang laruan kahit na luma at malapit na Masira, alagang alaga Niya pa rin yun hanggang sa pagkamatay Niya Dahil yun daw Ang bigay Ko na kuya niya.
Simula ng magparamdam siya nagsimula na din magsiwalaan at magsipatayan Ang aking mga kaibigan pati Ang babaeng akala ko mahal din ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Natatakot ako pano kung ako naman Ang isunod Niya dahil ako na mismo Kuya Niya Ang may kasalanan sa pagkamatay ng nagiisa Kung kapatid na si...
Gavin^^^
~~Knock ~~Knock
"Sir... Sir Gavin gising na po... Sir" langya naman oh natutulog ang tao. Mapepektusan Ko yang maid na yan eh isturbo sa tulog ko. Putang ina naman oh Ang sakit ng ulo Ko dinagdagan pa nung maid na yun.
"Umalis ka nga Putang*na ka" sabi Ko dun sa walang hiyang maid na yun
"Pero Sir sabi ng papa niyo lumabas na daw po kayo jan, kakain na po"
"Alis, Pake Ko pagwala ba ako Hindi sila makakakain may sariling kamay yang mga Putang*na yan" Langya naman eh Hindi ba makakain yan ama Ko pati yung bagong niyang asawa at anak pagwala ako, may sariling kamay naman panghawak ng kubyertos at bunganga pangnguya ng pagkain.
"Pero Sir" ilang beses ba tong maid na toh sabing...
"Alis" Narinig ko ang mga hakbang niya palayo, buti naman at umalis na. Makakatulog na ako ng mahimbing at pagkatapos nito mawawala na din Ang headache Ko galing sa dami ng alak na nainum Ko sa bar, nagparty party Kasi kami ng mga barkada Ko dahil birthday ko kagabi at dahil Napa-oo Ko na rin si Venus. Nakakainis talaga yung maid na yun lalong lumalala Ang sakit sa ulo Ko pero ok na, umalis na ang Putang Ina at Wala ng isturbo.
"Kuya" ~~Knock ~~Knock "Kuya... Kuya gising na po kakain na kuya" Kala Ko Wala ng isturbo pero meron papala, walang iba kundi si Suzy yung bagong sister Ko, well Step Sister ko Lang naman siya dahil pinakasalan ng ama Ko yung Ina Niya at hindi ko din naman kadugo yan so pake ko ba kung ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon ay may halong lungkot.
"Kuya... Kuya" Nakakainis na yan ha kaya tumayo na ako at dumeritso sa may pintuan.
"Ano ba isturbo ka ah" Ano ba kayong mga taong kayo ayaw niyo ako patulugin, mga pakelamero at pakilamera, may mga sariling buhay naman Kaya yun nalang ang pakialaman.
"Eh Kuya kakain na po"
"Layas na nga! hindi ako gutom, dali at isturbo ka sa tulog" sinasabi Ko yan habang tinutulak Ko siya papunta sa hagdanan Kung saan nanyari ang trahedya, Kung saan namatay si... A---
"Gavin wag mo itulak yang kapatid mo at bumababa ka nang bata ka at kumain" Yan ang magaling kong ama, Kaya ayaw Ko umuwi at lumabas sa kwarto eh nandyan sya pati tong Step Sister Ko na walang ginawa kundi isturbuhin at pakialaman Ang buhay ko, hindi ko naman kadugo at ano daw kapatid, wala akong kapatid.
Sinimaan ko na lang ng tingin yung ama ko pagkatapos tinanggal ang mga kamay ko sa likod ng kapatid ko daw at dumiretso na ako sa baba pero bago ako tuluyan bumababa narinig ko magsalita si Suzy ng 'Kuya, I Miss You'
Narinig ko nanaman ang mga katagang yan, katagang kinaiinisan ko, katagang ayaw na ayaw ko marinig, katagang dahilan ng bangungot kaya hindi ako makatulong ng maayos tuwing gabi at katagang siya lang Ang nagsasabi sa akin noon, ang katagang palagi sinasabi ni... An---
"Aray" Ang sakit, natamaan ko yung lamesa na puno ng pictures at sa kasamaang palad may nahulog na isang letrato, nasira ko pa yung frame, mahal pa naman nun. Tinignan Ko Ang paligid sa may living room wala naman Tao, siguro naman Walang nakakita nun. Lagot ako sa ama Ko eh. Dali Dali Ko kinuha ang letrato at nilagay sa bulsa, Hindi naman kasi ganun kalakihan ang letrato at ang nasira kong frame at ang glass sa frame na nadurog, ayun dahan dahan Ko sinuksuk sa ilalim ng lamesa gamit Ang tsinelas ko.
Pagkatapos nung nanyari dun sa pagsira Ko sa letrato in accident pumunta na ako sa dinning room pero wala pa dito Ang aking ama at si Suzy pero handito na yung mama niya si Tita Beth, Hindi mama ang tawag ko sa kanya Dahil iisa lang ang mama ko at yun ay si Perla Edaño pero Wala na siya namatay siya because of Heart Attack, mahina kasi puso ni Mama pagkatapos mamatay
ni... Ang---
"Gavin maupo ka na at kumain" sabi ni Tita Beth. Dahil sabi niya kumain na edi kain. Maya-maya nakapunta na rin si papa at si Suzy sa hapag kainan.
"Gavin... Gavin" Sige tawag ka pa ng tawag Papa hinding hindi kita papansinin. Manigas ka Tanda.
"Gavin Alexander Edaño bakit Hindi ka umuwi kahapon ng maaga, diba sinabi Ko sayo na umuwi ka ng maaga dahil magce-celebrate tayo ng iyong kaarawan" Pano ako uuwi eh handito ka, ayaw Ko pa naman na makita ka kasama Ang bago mong pamilya na kailanman hindi ko tatanggapin bilang bagong Ina at kapatid ko, gusto ko yan sabihin sa ama Kung si Kenneth Edaño pero hindi pwede baka mawalan ako ng allowance at baka hiwalayin pa ako ni Venus, Kaya napatahimik na lang ako at napayuko.
"Kuya Gavin ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Suzy habang nilalagay Ang kanyang palad sa taas ng aking kamay na asa mesa, Dali Dali ko naman inalis ang kamay ko at inilagay iyon sa baba ng mesa pagkatapos sinamaan si Suzy. Ayan nanaman Ang pagtawag niya sa akin ng kuya, unang punta niya dito, a year ago, sinabihan ko na siya na wag ako tawagin Kuya Dahil naalala ko sa kanya si... Ange--
"Kuya"
"Pwede ba Suzy wag na wag mo ako matawag tawag na Kuya dahil hindi ko naman ikaw Kano-ano" Sinabi ko yun Kay Suzy at takte naman oh paiyak na ang loko, iyakin talaga tung bata na toh tapos mamaya ako nanaman ang masama. Yan na umiyak na siya pero parang may iba habang tinitignan ko siya, parang may imahe na nagfla-flash sa utak ko si... Angel, yan na sabi ko na din Ang kanyang pangalan.
Si Angel ang aking totoong kapatid,
Ang nagiisang kapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro