Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

OPHELIA CALLA

"Bakit kumuha ka pa ng upuan?" tanong ko kay Zyler saka ako umupo sa upuan ko.

Inilapag n'ya ang buhat-buhat nitong upuan sa tabi ko bagsak na umupo rito. Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa kakaiba nitong kilos.

"Ayaw kong upuin ang upuan ng lalaking iyon," may bahid na inis sa boses n'ya.

Napabuka ng baghagya ang bibig ko. Magkasalubong kasi ang kilay n'ya at inis na inis sa upuan na tinabi n'ya kanina.

"Weird, ah." Hinarap ko na computer at problemado ulit akong nakatingin dito. 'Di pa natapos ng lalaking iyon na ayusin ito.

Medyo nagulat ako nang nilapit pa n'ya masyado ang upuan n'ya sa tabi ko at hinawakan ang mouse.

Napatingin ako sa kamay n'yang nakapatong sa 'kin. Sobrang liit talaga ng kamay ko. Di katulad n'ya na malaki at maugat pa ang kamay na parang nangigigil.

Nakatuon ang atensiyon n'ya sa screen ng computer. "Dapat sinabi mo sa 'kin na kailangan mo pala ng tulong," inis ulit n'yang sermon sa 'kin. Naiinis ba s'ya sa 'kin?!

Busangot na inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa mouse. Agad naman s'yang napatingin sa kamay kong inalis bago n'ya inilipat ang mga mata n'ya sa 'kin na may bahid na takot.

"Naiinis ka yata sa 'kin, eh! Wala naman akong ginagawang masama," inis kong bulong na alam ko naman na maririnig n'ya.

"O-Ophelia..."

Akmang hahawakan n'ya ang kamay na nasa hita ko nang iniwas ko kaagad. Tila na offend naman s'ya sa ginawa kong pagtanggi.

Kahit naaawa ako sa itsura n'ya ay pinanindigan ko pa rin na naiinis ako sa kan'ya. Dapat sabihin n'ya sa 'kin kung ano ang kinaiinisan nito.

Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko sa 'di malamang dahilan. "Sabihin mo na naiinis ka sa 'kin! Ayaw ko sa taong hindi sinasabi ang nasa loobin nito," pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kan'ya.

Taranta naman n'ya akong inalo at pinatahan. "I-I'm sorry, Hon. Please it's not like that..." malambing n'yang alo sa 'kin.

Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sinabi sa 'kin dahil sa pag-iyak ko. Ang tanging iniisip ko lamang ay kung ano ang kinaiinisan n'ya sa 'kin. Dahil ba malikot ako?

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa pisnge na kaagad n'yang pinahid gamit ang hinlalaki n'yang kamay. Hinila pa n'ya lalo ang upuan ko sa kan'ya hanggang sa di ko na namalayang nakaupo na pala ako sa kandungan nito.

"A-Ano ba kasi ang kinaiinisan mo? Sabihin mo sa 'kin, h-hindi 'yong nag-iisip pa ako..." iyak kong saad.

"Shh..." Hinimas-himas n'ya ang likuran ko at pinasandal ako sa dibdib n'ya saka ako napasinghot ng sipon. Nakakahiya talaga.

"N-Nagseselos ako..."

Bumalik yata ang lahat ng luha ko sa mata ko nang marinig iyon mula sa kan'ya. Agad akong napaangat ng tingin at pinanlakihan s'ya ng mata.

"Saan? Sa computer?!" tanong ko habang nakaturo sa screen ng computer.

Namumulang napayuko s'ya at bahagyang kinagat ang sariling labi. "H-Hindi 'yan..."

"Eh, ano?"

"'Yong lalaking iyon," sagot n'ya at itinuro pa ang lalaki na ngayon ay nakabalik na pala at kasalukuyang naglalaro ng computer 'di gaano kalapit sa 'min.

Napabuka ng konti ang bibig ko na malamang ang lalaki pala 'yong kinaiinisan n'ya. Bakit 'di ko kaagad nahalata?

Gusto ko tuloy ngumusi sa naisip ko. Napahagikgik ako sa isipang nagseselos pala s'ya. Sinabi ko na kanina pa na itake note na seloso ang Zyler ko.

Napasandal ako sa balikat n'ya habang nakaharap sa gilid ng mukha nito. Nasinghot ko ang pabango nitong amoy sa katawan. Lalaking-lalaki talaga kahit di halata.

Kumapit ako sa kabilang balikat n'ya na ikinatingin n'ya roon bago inilapat ang tingin sa 'kin. Malambing ang tingin n'ya sa 'kin at alam kong nababahala s'ya kung naiinis pa ba ako.

"P-Please 'wag ka nang magalit sa 'kin. Hindi ako galit sa'yo, okay? W-Wag mo nang uulitin ang ginawa mo," pakiusap n'ya sa 'kin at mas hinigpitan ang kapit n'ya sa likuran ko at hinapit pa lalo ako sa kan'ya.

Napatingin-tingin tuloy ako sa gilid ko. Buti abala sila sa ginagawa nila at hindi kami napansin na naglalambingan dito.

Gulat akong napaangat ng tingin sa kan'ya na malamang nakakandong pala ako sa kan'ya at mahigpit pa ang hawak sa 'kin na parang niyayakap na ako.

"A-Anong 'di ko uulitin?" utal kong tanong.

"'Y-Yong paglayo mo sa 'kin. Pakiramdam ko iniiwasan mo ulit ako..." mahina n'yang saad at pinalungkot pa lalo ang mukha n'ya.

Naawa naman ako. Nahalata siguro n'ya no'ng nakaraang araw ay iniiwas ko s'ya.

Biglang may naalala ako. "Ikaw kaya ang umiiwas sa 'tin! Sinusundan nga kita tapos ikaw ang layo ng layo, eh."

Nagulat naman s'ya sa sinambit ko. Nahihiyang napayuko s'ya na parang inaapi. "H-Hindi ko naman sinasadya, eh. Patawad na, may inaabala lang kasi ako. Dagdag pa na ako magtu-tutor sa'yo next week."

Dahil sa awa ko sa kan'ya ay niyakap ko lamang s'ya para kahit papaano, maibsan naman ang pagod n'ya. Ganito kasi ang ginagawa ko kila Kuya kapag pagod sila galing sa tarbaho. Sabi nila mawawala raw ang pagod mo kapag kayakap ang taong mahal mo.

Napaton ng bahagya ang katawan sa biglang pagyakap ko ng mahigpit sa kan'ya. Di kalaunan ay gumanti rin naman s'ya ng yakap. Ipinatong pa nito ang kan'yang baba sa balikat ko na nagbigay kiliti naman sa 'kin.

Napahagikgik ako nang maramdaman ang hininga n'yang tumatama sa leeg ko. May kiliti pa naman ako sa leeg!

Inalis n'ya ang pagkapatong ng kan'yang baba sa balikat ko at ipinaharap ako sa kan'ya. Nagtataka ang ekspresiyon n'ya.

Labas ngiti akong ngumiti sa kan'ya at napa-giggle. "May kiliti ako sa leeg kaya 'wag mong hingahan," paalala ko sa kan'ya na kaagad naman n'yang nakuha.

Tipid na ngiti ang sinukli n'ya sa 'kin na nagbigay naman sa 'kin ng payapang ginhawa. Simula nang makilala ko s'ya, nagkaroon ng iba't ibang klaseng pakiramdam ang pinaparamdam n'ya sa 'kin. Parang 'di na gano'n ka inip ang araw ko dahil s'ya na ang magandang gumambala sa tahimik kong mundo.

"Oh wait! Maglalaro tayo di'ba? Tara na." Bigla kong naalala na maglalaro pala kami ng Dota. Paniguradong marunong si Zyler dahil nga sinabi n'ya sa 'kin kanina na dapat s'ya ang tanungin ko tungkol dito.

Tumango naman s'ya at kasabay no'n ang pagkatayo ko sa pagkakaupo sa kandungan n'ya. Binitawan naman n'ya ako at pinaupo sa kinauupuan ko kanina.

"Eto dapat ang pinindot mo. Di ka kaagad makakapag-start ng game dahil 'di mo alam kung papaano," saad n'ya at s'ya na mismo ang kumalikot sa computer.

Pansin ko rin ang mabilis n'yang pagtype at paggalaw ng kan'yang kamay sa mouse. Parang nagmamadali tuloy s'ya.

"Hinay-hinay lang, 'di ko na tuloy makuha ang tinuturo mo."

Napatawa s'ya ng mahina at ibinalik ulit sa umpisa. "Sorry, babagalin ko na."

Pero instead na tumingin ako sa tinuturo n'ya ako napadako lamang ang atensiyon ko sa mukha n'ya. Konting galaw at gesture n'ya ay namamangha na ako. Ganito siguro ang feeling kapag inlove ka.

Inlove nga ba ako? 'Di ko alam at kung oo, sana wag muna matapos ang nararamdaman kong ito.

Inayos n'ya ang kan'yang salamin at nilingon ako. "Gets mo na ba? Dito ako sa kabila para makapaglaro tayong dalawa," saad n'ya at ngitian ako.

Sobrang mature talaga ang mukha at pati katawan n'ya. Malaking katawan pero simple lamang na lalaki. Baritong boses at minsan ay di ko na maintindihan ang pagpalit-palit n'yang mood.

Tumango naman ako sa kan'ya. Kaagad naman s'yang lumipat sa katabi kong computer at nagstart muna ng game.

Sabay naming ni-click sa game. Unang bungad pa lamang ay nababaguhan ako, marahil dahil sa matagal na akong huling laro nito.

Pero kalaunan ay nasanay na ako. Minsan kinakalabit ko pa si Zyler para magpatulong. Wala naman akong narinig na reklamo sa kan'ya dahil sa nakikita ko, masaya s'ya habang nakikipaglaro sa 'kin.

Akala ko magiging awkward lang kami kapag nagkasama pero hindi naman pala. Sana masanay na kami sa isa't-isa para wala ng alinlangan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro