
CHAPTER 09
Dedicated to:
xShandilyax
OPHELIA CALLA
Hindi pa man kami nakakalayo ay napatigil ako sa pamilyar na lalaking naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada.
Nakaitim na t-shirt s'ya at pinarisan ng itim na short hanggang tuhod n'ya. Kagaya nga sa palagi kong nakikita sa kan'ya ay nakasalim ito at bahagyang tinatakpan pa rin ang mukha at mata sa gilid n'ya.
Nakayuko itong naglalakad mag-isa sa kalsada habang hawak-hawak ang palagi n'yang bitbit na libro at nakasabit na bag nang madaanan namin s'ya sa gilid.
Medyo nanlaki ang mata ko nang mapatingin s'ya sa bandang bintana ko. Sigurado naman akong di n'ya ako makikita sa kotse pero parang pakiramdam ko ay nakikita nya ako.
Napatigil kasi s'ya sa paglalakad at sinundan ng tingin ang papaalis naming kotse. Idiniin ko pa ang mukha ko sa salamin na bintana para mahabol s'ya ng silip pero hindi ko na maabutan dahil medyo malayo-layo na kami sa kinaroroonan n'ya.
Napatingin ako kay Kuya Armer nang kinalabit n'ya ang balikat ko. "Who are you looking at?" tanong n'ya at akmang sisilipin ang tinitignan ko nang pinilit ko s'yang pabalikin sa kinauupuan nito.
Hilaw na ngumiti ako sa kan'ya na parang may tinatago. "W-Wala 'yon, Kuya..."
Napasingkit ang mata n'ya at napahinga lamang ako ng maluwag nang sinunod n'ya ako. Pero sa mukha pa lamang n'ya ay parang naghihinala na sa 'kin.
Masyado kasing halata ako kanina sa pagsilip sa bintana na parang tinataguan ko ang hinahangaan ko sa lagay kong iyon. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko s'ya pinahintulutan na silipin ang tinitignan ko.
Napasandig ako sa kinauupuan ko at umidlip muna sa byahe dahil ilang oras pa ako maghihintay bago makarating doon.
~•~•~•
"Calla, gising na at nandito na tayo."
Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa 'king balikat. Dahan-dahan kong inimulat ang antok kong mata at napaayos ng upo.
"May pagkain na ba, Kuya?" inaantok kong tanong at kinusot ang mata ko bago inayos ang aking mukha na baka may muta pa.
"Nakahanda na roon sa loob ng hacienda kaya pagkarating kaagad natin sa kusina ay kakain na kaagad tayo," sagot ni Kuya Alter at sinenyasan na akong lumabas ng kotse na kaagad ko namang sinunod.
Sinarado ko ang kotse at sumunod kay Kuya Alter papasok sa hacienda. Sinabi n'ya na nando'n si Kuya Armer sa loob kanina pa kaya hindi na ako nagtaka kung nasan s'ya.
Simple lamang ang hacienda at halatang 'pang probinsya na klaseng hacienda. Hanggang tatlong palapag ito at mahaba ang space sa gilid kaya sigurado akong malaking hacienda ito.
Di ko na napansin ang nagagandahang kagamitan sa loob ng hacienda na kaagad umagaw sa 'king pansin ang lalaking papalapit sa pwesto ko.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makilala s'ya. Anong ginagawa n'ya dito? Bigla tuloy akong kinabahan nang makitang nakakatitig din s'ya sa 'kin at katulad ko ay gulat na gulat din ito nang makita ako.
"Ophelia! Halikana at kumain na tayo," tawag ni Kuya Alter sa 'kin nang bumalik s'ya para tawagin ako.
Nakita naman n'yang gulat na gulat sa lalaking nasa harapan ko. Napangiti si Kuya at inakbayan si Chrase. "Magkakilala na ba kayo, Chrase? Panigurado akong nakita mo na ang kapatid ko sa university niyo. Si Ophelia pala, kapatid ko."
Hindi pa rin naaalis ang titigan namin pero dahil nagsalita si Kuya Alter at napabalik ako sa katinuan ko ay napaiwas ako ng tingin kay Chrase. Baka makita n'yang kinakabahan akong makita s'ya. Wala dapat makakaalam na hinahangaan ko rin s'ya.
"A-Ahh! Oo, kilala ko ang kapatid mo. B-Bakit ngayon mo lang s'ya pinakilala sa 'kin ng personal?" utal at balisang sambit ni Chrase at napahawak pa ito sa batok n'ya na tila nahihiya.
Bakit s'ya mahihiya? Nahalata kaya n'yang may crush ako sa kan'ya ng 2 month?! Di malabong mahalata n'ya dahil tinititigan ko palagi ang bawat galaw n'ya sa palalaro n'ya.
Napatawa si Kuya. "Kasi masyado 'kang busy sa basketball training mo at hindi mo na ako binibisita sa bahay kasama ang Kuya mo," sagot n'ya at tinapik ang balikat saka pinabayaan muna kami dito.
Nahihiyang lumapit pa ako sa kan'ya para di n'ya mahalatang nahihiya akong lumapit sa kan'ya. Awkward na kumaway ako sa kan'ya kahit ilang agwat lamang ang pagitan namin.
Nahihiyang ngumiti s'ya at tumawa ng mahina. "Kapatid ka pala ni Alter at hindi ko man lang ikaw napansin sa bahay nila," simula n'yang sambit na may halong panghinayang.
Maliit na tawa ang sinukli ko. Dapat mahinhin ako sa paningin n'ya. Malay mo ayaw n'ya sa malakas na tawa ng babae.
"P-Palagi kasi akong nasa kwarto at nagbabasa. Malimit lamang akong lumabas ng bahay dahil sa hiya," tugon ko na ikinatango n'ya.
"Siguro naman k-kilala mo ako? Palagi kasi kitang nakikita sa basketball court kapag may practice kami. S-Sino pala pinapanood mo roon?"
"Ikaw," agad kong sagot na ikinagulat ko.
Napatakip ako sa bibig at umiling sa kan'ya nang pati s'ya ay nagulat sa sagot ko. "A-Ang ibig kong sabihin kayo! Oo kayo nga! 'Y-Yong captain niyo kasi ay nililigawan ang kaibigan ko."
Gusto ko tuloy tumakbo dahil sa kahihiyan. Masyado akong halatang may crush sa kan'ya!
Takang tumingin s'ya sa 'kin at kalaunan ay tumawa nang panlalaki. "Si Captain mag-aakyat ng ligaw? Sa pagkakaalam ko kasi hindi n'ya ugaling manligaw ng babae. Basta nagustuhan ka n'ya ay kayo na para sa kan'ya."
Pali pala sinabi ko. Alam kong hindi ugaling manligaw ni Khoen at katulad ni Eden ay hindi rin n'ya ugaling magseryoso sa relasyon. Bagay tuloy sila sa paningin ko.
Napakamot ako sa braso ko dahil sa hiya ulit. Bakit ba lagi akong napapahiya?! "Ahh oo nga pala. Wala yata akong nakilalang lalaki na nanliligaw sa panahon ngayon. Kaya isa sa dahilan ko rin iyon kung bakit wala akong sinasagot na lalaki," tawa kong sambit na ikinaseryoso ng mukha n'ya.
Napatitig tuloy ako sa kan'ya dahil sa ekspresiyon n'ya na tila malalim ang iniisip.
"May lalaki pa namang nanliligaw sa ngayon na 'di mo alam. Hindi ka talaga makakahanap ng lalaking mamahalin kung sinasangga mo ang pagitan sa isipan at puso mo sa taong may gusto sa'yo," pahayag n'ya.
Tama s'ya dahil pinoprotektahan ko lamang ang puso ko sa mga lalaking lolokohin lamang ako kahit may mukha naman ako. Kahit maganda ka o pangit, kaya ka pa ring lokohin ng lalaki dahil ilan sa kanila ay hindi tapat at hindi ka sapat sa kan'ya.
Natatakot akong maloko at umasa sa isang bagay dahil nangyari na rin sa 'kin na umasa sa taong pinaasa lamang ako. Hindi naman kami naging kami dati dahil ako lang ang nag-assume na mapupunta kami sa ospisyal na relasyon. Akala ko kahit hindi s'ya manligaw ay sapat na sa 'kin na malamang may gusto s'ya sa 'kin.
Pero hindi, napagtanto ko lang na dapat siguraduhin mo ang nararamdaman mo at nararamdaman n'ya. Tinanong ko sana kung mahal n'ya ako sa umpisa para 'di ako umasa sa wala. Sana pala niligawan n'ya ako para malaman ko kung masasabi ko ba sa kan'ya ang matamis na oo.
Nakita naman ni Chrase na natigilan ako at parang babagsak ang luha ko. Yumuko ako at tumawa ng mahina para kahit papaano ay bumalik ang luha sa mga mata ko pero nagkamali ako dahil mas lalo lamang ako napaluha.
Nataranta si Chrase at 'di na alam kung hahawakan ba ako. "D-Did I say something wrong? W-Why are you crying?" sunod-sunod n'yang tanong.
Umiling ako sa kan'ya at nag-angat ng tingin. "T-Tell me kung sino ang lalaking karapat-dapat na umakyat sa 'kin ng ligaw? Akala ng lalaki kapag nakuha na nila ang puso ng babae ay panalo na sila. Competition lamang sa kanila ang lahat kaya 'di mo ako masisisi kung sinasalag ko ang ito." Tinuro ko ang dibdib ko.
Napatigil s'ya at kalaunan ay malumanay na ang titig n'ya sa 'kin. "Di ko masasabing karapat-dapat ako para sa'yo pero masasabi ko naman na hindi kita lolokohin at ang tanging habol ko lamang sa'yo ay ang mapansin mo ako at magustuhan mo ako. Papayagan mo ba akong manligaw sa'yo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro