Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 05


SENKA JONES


“Sinundan mo ba ako?” tanong ko, nilapag ko ang gatorade sa tabi ng aking bag. Maya-maya magpa-practice na kami.

“H-Hindi,” sagot n'ya. “Inutusan ako ng couch na ako ang maglilista ng attendance n'yo.
Nakatayo pa rin s'ya sa 'king harapan.

Napatikom ang aking bibig dahil do'n. Masyado na akong assuming na ako ang dahilan kung bakit s'ya nandito. P'wede naman na ibinigay kaagad n'ya ang gatorade dahil saktong nandito ako.

Ayan tuloy, sa sobrang taas ko sa sarili nagiging assuming na ako. Hindi ito healthy.

Nilaro-laro ko ang shuttle cock sa 'king nga palad, hinahagis paitaas at sasaluhin na naman. Kita kong umupo si Olli sa aking gilid, I didn't mind him.

“Balik na, Senka,” ani James nang makalapit s'ya sa 'kin. S'ya 'yong magiging kalaban ko sa practice na 'to, may importanteng gagawin sa klase 'yong babae ko kasing kalaban kaya si James na lang ang available sa ngayong oras.

Tumayo ako at nilapitan na s'ya. “Tapusin na natin 'to, kakain pa ako sa canteen.” Idinantay ko ang rocket sa 'king balikat at pumorma na ng tayo.

Gano'n din si James. S'ya 'yong may hawak ngayon ng shuttle cock, akmang ihahagis na n'ya ito nang may pumagitna sa amin.

Sumalubong ang kilay ko. “Anong ginagawa mo, Ollivander?”

Nakapamulsa s'yang nakatayo sa gitna namin, hinaharang n'ya kami. Yumukod ito at may kinuhang bagay na 'di ko matukoy sa kan'yang paahan, napatayo s'ya nang matuwid.

“Umalis ka nga d'yan!” saway ni James, inimuwestra n'ya ang kamay sa gilid. “Can't you see na naglalaro kami?”

Saglit akong tinitigan ni Ollivander na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig n'yang iparating. Naiinis na rin ako sa kan'ya ngayon, tila ayaw ba namang umalis sa pwesto.

Tinuro ko ang upuan namin kanina. “Umupo ka na lang do'n, Olli. Naglalaro kami at h'wag 'kang paharang-harang.”

Hindi nakaligtas sa 'king mata ang paggalaw ng kan'yang mask sa bibig bago n'ya ako sinunod. Mabibigat ang kan'yang hakbang at bagsak na umupo sa tabi ng bag ko.

Umiwas na ako ng tingin sa kan'ya at pinagtuunan na ng pansin ang practice.

Malakas at mabilis si James, mabuti na lang pareho kami ng bilis kundi matatalo ako sa mismong practice pa lang. Paano pa kaya kung isasalang na ako? Madi-disappoint ang magulang ko, sayang naman 'yong pamimilit ko sa kanila kung hindi ako manalo. I'm sure hindi nila ako papalaruin ulit kung matalo ako.

Thirthy-five minutes ang ginugol namin ni James sa pag-eensayo. Pawis na pawis na ako at gano'n din si James. Hinihingal na tumigil na kami.

Tumingin s'ya sa kan'yang palapulsuhan na relo. “Ilang minuto na lang magsisimula na ang aming klase.”

Nilapitan n'ya ako at tinapik sa balikat na ikinaatras ko. Hindi ko alam kung napansin n'ya ba iyon, malawak ang kan'yang labi at kumikintab ang mga mata.

“Pumunta ka na,” ani ko, pinunasan ko ang aking pawis at bahagyang umiwas ng tingin sa kan'yang mukha. Bakit ba s'ya ngiti ng ngiti? Mukhang may kalokohan kasi.

Tuluyan na nga'ng lumabas ang mahina n'yang tawa sa bibig. Nataas ang kilay ko rito, saglit akong tumingin sa kinauupuan kanina ni Ollivander ngunit hindi ko na s'ya nakita. Saan naman iyon nagpunta?

“Wala na kayo ni Ryan, right?” Napakagat labi ito nang napabaling ang tingin ko sa kan'ya.

Nagngitngit ang aking ngipin sa kan'yang tanong, pakiramdam ko umuusok ang ilong at taenga ko.

“Ano naman kung wala kami?” diin kong balik na tanong sa kan'ya.

'Yong magandang image na nakikita ko sa kan'ya ay unti-unti nang naglalaho. Hindi naman kasi kami gano'n ka-close kaya 'di ko pa s'ya kabisado. Sa pagkakaalam ko mabait s'ya pero magulo kausap, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba iyon.

Natawa ulit s'ya at tinapik ng ilang ulit ang aking balikat. Tinampal ko ito ng mahina, kahit gusto ko s'yang sampalin nang malakas ang kan'yang mukha, ayaw ko naman na maging trending sa aming university.

“Woah, easy lang, Senka.” Hinimas nito ang brasong tinampal ko. “Muntik ko nang makalimutan na may gusto pala sa 'yo si Andrei. Paniguradong bugbog ako nito,” natatawang bulong pa n'ya ngunit rinig ko naman.

“Sinong Andrei?” tanong ko kahit wala akong pakialam kung anong Andrei ang may gusto sa 'kin.

Tila na-e-enjoy s'ya sa reaksiyon ko. “Si Andrei Smith hindi mo kilala? F*ck. I should tell this to Andrei.” Tagos tuloy ang dimple n'ya sa malawak n'yang ngiti at minsan tumatawa nang mahina.

Napaikot ang mata ko sa sobrang overreacting n'ya. “Whatever, wala naman akong pakialam kung sinong Andrei ang tinutukoy mo.” Tumalikod ako rito at tumungo sa kinauupuan ko kanina.

“Hey!” Sumunod s'ya sa 'kin, umupo s'ya sa tabi ko nang makaupo ako.

“'Di ba may klase ka? Umalis ka na, h'wag ka naman masyadong pahalata na may gusto sa 'kin.”

Tinarayan ko ito at ininom ang gatorade. Nga pala, nasa'n na si Ollivander— bakit ko nga ba s'ya hinahanap?

Mas lalong lumakas ang tawa ni James matapos ko iyon sabihin. Hawak-hawak pa ang tiyan, mukha tuloy akong clown sa kan'yang paningin. Sa susunod nga ayaw ko na 'to maging kalaro.

“Paano mo nalaman, huh?” Naglalarong ngisi pagkatapos ang kan'yang ginawaran. “Yeah, I like you pero ayaw ko naman kalabanin si Andrei dahil sa 'yo. Kaibigan ko iyon kaya dapat  ipaubaya ko na s'ya sa 'yo.”

“Hindi ako bagay na p'wede nyong pagpasa-pasahan, okay?” inis kong sambit. “I don't like you and your so called friend kaya wala kayong pag-asa sa 'kin.”

Mas maganda kung bigyan ko na sila ng false hope kaysa naman sa umasa. Kahit gusto kong paglaruan s'ya o ang kan'yang kaibigan, medyo naawa naman ako kung sakaling ibagsak ko sila. Tinatamad ako kaya 'wag na.

“Wala 'pang girlfriend ang kaibigan ko kaya wala ka dapa—”

“Wala nga'ng naging girlfriend pero may flings naman, alam ko kung anong klaseng lalaki kayo, kaya no thanks na lang,” bara ko at iniwan s'ya ro'n na patuloy na tinatawag ang aking pangalan.

Isa 'pang dahilan kung bakit galit na galit ako sa mga lalaki. Except na lang kung makikita ko sa isang lalaki na deserving na mahalin. I know kung sino ang nilalaro-laro lang ang babae at kung sino ang seryoso.

Hindi makuntento ang lalaki sa isa kaya hindi ko masisi ang nga babaeng hinihiwalayan sila kahit gusto 'pang bumalik ng lalaki. Kung kaya ng lalaki na mambabae, I'm sure kaya naman ng babae na manlalaki.

Hindi porket babae hindi na pwedeng maglaro, palagi na lang sila nilalaro ng mga lalaki kaya dapat sila naman ang maging player.

Malapit na ako sa canteen nang makasalubong ko si Ollivander. May dala-dala itong drinks at pagkain sa kamay, medyo nahirapan pa nga'ng bitbitin dahil masyadong madami ang kan'yang dala.

Bumagal ang aking lakad hanggang sa unti-unti itong tumigil sa paghakbang. Hindi n'ya ako napansin, napatitig ako sa kan'yang sitwasyon ngayon.

Hindi ba s'ya nahihirapang huminga sa suot n'yang mask? May sakit ba s'ya kaya tinatago n'ya ang kan'yang bibig, nadadamay rin ang kan'yang mukha.

Kahit binabaliwala ko minsan ay hindi ko maiwasang isipin ang kan'yang pagkatao. May kaibigan ba s'ya? Sino at nasa'n? Bakit ba kasi palagi s'yang sumusunod sa 'kin?

Napabuntong hininga na lang ako at nilapitan s'ya. Hinablot ko ang drinks na ikinatingin n'ya sa 'kin, mukhang ngayon lang n'ya ako napansin basi sa panlalaki ng kan'yang mga mata.

“T-Tapos na ba?” utal n'yang tanong, minsan ko na rin napapansin ang pagkabalisa n'ya sa 'kin. “Ako na ang m-magbibi—”

Iniwas ko ang dalawang drinks sa kan'ya nang akmang kukunin ito mula sa 'kin. “Ikaw na nga tinutulungan ayaw mo pa? Kaninong pagkain ba 'to?”

“Sa mga close friends ko,” mahina n'yang sagot at sinubukan ulit na agawin sa 'kin ngunit umatras ako.

“Tutulungan nga kita!” inis kong sambit. “Sasamahan kita, aka bumagak lang ito kung ipipilit mo pa.”

Madiin ang kan'yang titig sa 'kin. Bigla n'ya lang nilapag sa sahig ang mga pagkain at nilapitan ako.

“Salamat na lang, Senka, ako na ang bahala,” malumanay n'yang sambit, parang may pinipigilan s'yang emosyon na 'di ko matukoy.

Hindi ko alam kung ayaw lang ba n'ya ako ipakita sa kan'yang ka-close friend kaya hindi n'ya ako hinayaang tulungan s'ya. Parang may pumiga sa dibdib ko na 'di ko matukoy, ano ito? Nararamdaman ko lang ito kung minsan hindi ako hinayaan ng parents ko sa aking gusto.

Napatitig ako ng matagal sa kan'yang mga mata kaya hindi ko namalayang nakuha na n'ya ang drinks sa 'kin. Kahit gusto kong umapela ay hinayaan ko na lang s'ya. Tinignan ko lang s'ya kung paano n'ya sabay-sabay na binitbit ito.

Tumingin s'ya sa 'kin. “Ihahatid kit—”

Sinamaan ko kaagad s'ya ng tingin at nilabas ang pinipigilang usok sa 'king ilong.

“No, thanks. Kaya ko naman ang sarili ko, h'wag mo na ring tangkain na magpakita sa 'kin,” matigas kong sambit dito na ikinatigil n'ya.

“S-Senka.”

“H'wag 'kang lumapit sa 'kin tulad ng ginagawa mo. Magtago ka na lang.” Mahigpit ang hawak ko sa 'king bag bago s'ya nilampasan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro