On The Hunt
Cesia's POV
"Elementary school?" tanong ko kay Ria na nakatanaw sa mga estudyante mula sa bintana ng sasakyan.
"Yeah. This is where our sources said so." si Kara nalang ang sumagot.
Medyo nagulat nga ako nang marinig ang boses niya. Nasa utak ko kasi na hindi siya kasali ngayon.
Ewan pero si Kara lang rin ang makakasagot kung bakit siya nandito. Pag gising ko nalang kaninang umaga, nakita ko na silang nag-uusap ni Ria. Narinig ko rin siyang may sinasabi tungkol sa mga salitang 'bored' at 'I must do something'.
Isa nga siyang anak ni Athena.
Kahit nakabandage yung leeg pumunta pa rin para daw matulungan kami. Ayaw niya daw mag missing in action.
Hindi na talaga ako magugulat kung bakit sa tuwing may mangyayari present siya.
Napatingin ako sa dalawang demigods na nakatitig sa labas.
Para tuloy silang alien sa ibang planeta kasi punong-puno ng curiousity ang mga mata nila.
"Omygeee Ria! Ano yung nilalaro nila?!" tinuro ni Art ang mini park sa may gilid ng gate kung saan may maraming mga bata na naglalaro ng luksong tinik.
"I don't know!" nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ria.
Hula ko public school 'to. Kaya mas malaki ang posibilidad na may tumatambay na mga aurai.
"We need to go." unang lumabas si Kara saka kami sumunod.
Saktong pagpasok namin ay ang pag tunog ng bell kaya nagsimula ng magtungo ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms.
"Biliiis! Patay tayo kay ma'am!" hiyaw ng isang estudyante na tumatakbo kasama ang isang kaibigan niya.
Napangiti ako.
Na miss ko ata ang panahon na elementary student pa ako. Ako yung estudyante sa klase na pinapagalitan tuwing umaga. Inborn na kasi yung pagiging late-comer ko.
"So... Paano ba natin mahahanap yung mga aurai?" tanong ni Art.
Napag-alaman naming Aurai ang kumakain ng mga demigods. Walang nakakaalam kung bakit pero simula nung digmaan, kumakain na ng demigods ang mga aurai.
Ibig sabihin hindi ang kakayahan ng Elite ang nagbago sa appetite nila.
Na confirm nga matapos naming magbreakfast kasama si Heather, ang vice-commander ng mga Hunters ni Artemis.
Dahil sa mga pangyayari, napilitan silang mag camp dito sa mga area na maraming tao. Bagong task nila ang sundan ang mga aurai at tulungan ang mga demigods.
Kasulukuyan silang naghuhunt ng mga aurai slash daemons.
"Hi!" nakangiting bati ng isang teacher sa'min.
"Hello teacher!" eto naman si Art kung sumagot parang Grade 1 lang.
"Bakit nga pala kayo naparito? Kayo nalang kasi ang nakikita ko dito sa corridors. Ihatid ko kayo sa office?" alok niya.
Umiling naman kaming apat. "Wag na. May bibisitahin lang kami." napangiti ako sa sinabi ni Ria.
Ang taray niya kasing pakinggan. Wala man lang 'po'.
"Ah sige... See you when I see you." bigla siyang natawa.
Kumunot ang noo ko. Medyo weirdo kasi ang pagtawa niya.
Siguro isa siya sa uri ng mga matatandang guro na trying hard maging teenagers. Yung iba, bagay sa kanila. Pero yung ganito, nakakairita minsan...
"Yeah." agad na nilagpasan ni Kara ang teacher.
"excuse me po..." ako nalang yung nanghingi ng paumanhin.
"Let's scatter and take a look around this place." suggest ni Kara na nabobored na ata sa paglalakad.
"Kita nalang tayo sa car after 7 minutes." ani Art.
Lumiko kami sa iba't ibang direksyon.
Napagdesisyunan kong lumabas ng building at magpahangin habang naghahanap ng something fishy.
Lumabas ako sa mini-playground. Napagtanto kong ang laki rin ng campus nila.
May mga benches na nakalinya sa harap ata ng canteen nila. Ewan pero walang part ng concrete building ang connected sa bahaging ito ng school.
"Ate naman eh!" napalingon ako sa kararating na estudyanteng babae.
Tinanggal ng 'ate' niya ang kanyang helmet pagkatapos niyang bumaba sa motor.
"wag ka ngang maingay! Late ka na! Shoooo!"
"Hmp!" isang dabog ang sagot ng bata bago tumakbo papunta sa loob ng building.
"Ang spoiled talaga. Tsk." narinig kong sabi ng babae. Bumaba siya sa motor at naglakad papunta sa direksyon ko.
Napansin kong may dala siyang sungkod.
Nakakadrive na pala ang mga disabled?
"Excuse me... Alam nyo po ba kung saan yung canteen?"
Naglalakad naman siya ng maayos ah.
Di rin naman niya ginagamit yung sungkod. Nasa kamay lang niya talaga.
"Uhh... Sa tingin ko dun..." tinuro ko ang lugar na pinepwestuhan ng mga benches.
"sige... salamat." tinalikuran na niya ako nang may nahagip akong anino sa kanyang likod.
Panandalian lang ang nakita ko kaya binalewala ko nalang ito at tumungo pabalik sa sasakyan.
Pero kusang napatigil ang mga paa ko pagkatapos ng ilang hakbang.
May mali.
Bumalik ako sa canteen at nakitang wala na yung babae.
Imposibleng mawala siya. Isa lang naman ang daan pabalik... at dito yun.
Tumakbo ako sa harap ng canteen at nakita sa isang bench ang nakabukas na wrapper. May laman pa ito.
Nag-ikot ang mata ko para hanapin ang babae. Dumako ang tingin ko sa signage na 'Private Property'.
Sa likod ng sign ay may sirang gate.
Pumunta ako sa gate at nag inspect kung ano yung nasa kabila.
Mga kakahuyan lang ang nakikita ko.
Mga halaman...
Isang hidden garden...
Teka. paanong hindi nakita 'to ng committee ng school? Hindi ba 'to delikado sa mga bata?
Paano kung maliligaw sila dito?
Or...
Baka sinadya nga 'to.
Dali-dali akong pumasok sa garden. Nakuha kaagad ang atensyon ko sa bagay na nasa aking paanan.
Sapatos.
Tatawagin ko na sana sina Kara nang nakarinig ako ng yapak ng paa kaya agad akong nagtago sa likod ng mga gumamela.
Nakita ko yung guro na nakasalubong namin kanina.
Isa siya sa mga aurai.
"Tigil." tumayo ako at tinignan ang nagbabalat-kayo na aurai.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Sabi ko na nga ba..." natatawa niyang sagot. "ikaw at ang mga kasama mo..."
Nakayukom ng mahigpit ang kamao niya.
Gusto niyang makawala sa utos ko.
"sagutin mo'ko. Anong ginagawa mo rito?"
"Hinatid ko lang ang ulam ng kasamahan ko." pinakita niya ang kanyang matatalim na ngipin.
Ulam...
Nanlaki ang mga mata ko.
"Dalhin mo ko sa iba pang mga aurai. Ngayon na!"
Sana hindi pa ako huli.
Ang kakapal ng mukhang gawing massacre bed ang mortal realm.
"Lumayo kayo sa'kin!" narinig ko ang sigaw ng babae.
Sumingkit ang aking mga mata.
Binilang ko ang mga aurai na nasa harap niya at handang-handa na kainin siya ng buo.
"I smell..." magkasabay na lumingon ang mga aurai sa direksyon ko.
Huminga nalang ako ng malalim. Nakita nila ako.
"DEMIGOD!"
Inuna ko yung teacher at pinalipad siya papalayo.
Di katulad ng mga aurai na nakalaban namin sa digmaan, mas mahina ang mga ito.
Ginamit ko ang bracelet para ihagis ang mga bato sa kanilang direksyon.
"Tumakbo ka na!"
Sinunod naman ng babae ang utos ko at pinulot ang sungkod niya bago nawala.
"kakayanin." napabulong ako matapos hinagis ang isang aurai.
"DEMIGOD!"
"SNACKS!"
"MMM!"
'Stop shouting!' sinamaan ko ng tingin ang mga aurai na biglang natahimik matapos kong gamitan ng ability.
Wala pang ni isang aurai ang nakalapit sa'kin dahil sa weapon ko. Hindi ko kayang madumihan ang balat ko.
Kakaspa lang.
Tatakbo na sana ako kesyo nilagpasan ako ng isang spear mula sa likod kaya napalingon ako.
"Sorry." nakapameywang si Ria.
"paano nyo'ko nahanap?" tanong ko.
"Ang tagal mo kasi eh kaya hinanap ka namin. Saka may babae na ring nakapagsabi." sagot ni Art. Lumiliwanag ang mga palad niya dahil sa paulit-ulit na paglabas ng mga energy spheres mula dito.
"Y-yung babae asan?" napahiyaw ako dahil sa ingay na nagmumula sa mga aurais.
"She was in a hurry. why?" tumalon si Kara sa isang aurai at pinalipot ang mga braso niya sa leeg.
"Isa yung demigod." napailing ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro