Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY NINTH

D A R L A I N ' S P O V

Recess ngayon. Nag-lo-locker ako. Ako na lang tao sa room. Ngayon lang ako nakapag-locker dahil ayaw nila akong pasingitin kanina. Wala naman akong magagawa eh.

"AAAAHHHHH!!!!" hala sino yun

Lumingon ako at nakita ko si Drace nakahiga sa floor at may sugat sa kanang balikat.

May nakita akong tumakbo sa may back door. Tas biglang pumasok si Sean sa front door.

"Drace anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ni Sean habang lumalapit kay Drace

"Siya!" sabay turo ni Drace sa akin "Siya ang gumawa nito!"

Hala anong ako? Hindi ko nga alam na nanjan pa siya eh.

D R A C E ' S P O V

Papunta sana akong locker kaso nandun si Darlain eh. May nakalimutan kasi akong libro.

Tumalikod na ako sa may locker at ibabalik na ang susi ng locker ko sa bag nang may biglang tumulak sa akin kaya napadapa ako at napasigaw. Agad akong tumihaya. Si Darlain lang andito.

Maya-maya pumasok si Sean.

M A D I S O N ' S P O V

"SI DARLAIN NGA ANG SUMAKSAK SA AKIN!" sigaw ni Drace

Nandito kami ngayon sa classroom at dating gawi, nakaupo sa sahig at naka-form ng circle.

"HINDI AKO! WALA KANG PROWEBA!" sigaw na sagot ni Darlain

"PROWEBA!? HINDI PA BA PROWEBA NA IKAW LANG YUNG KASAMA KO NUNG ORAS NA YUN!" pabalik na sigaw ni Drace

Hindi na ka sagot si Darlain.

"Oh diba totoo? Hindi ka makasagot ngayon." Drace

Umiyak na si Darlain.

Hindi ko alam kung maniniwala akong si Darlain nga. Pero pwedeng siya kasi siya yung laging binubully baka gumaganti siya. Pero pwede ding hindi.

"Bakit ka Umiiyak? Totoo ba?" tanong ni Dennis

"H-hindi." Sagot ni Darlain habang pinupunasan ang luha niya

Maya-maya ay nagsalita si Natalie. "Guys, nagtext siya." At nilagay niya sa gitna ng yung phone niya.

Poor Drace >:)

"Bwisit yan!" sigaw ni Drace sabay kuha ang phone at ihahagis ito nang pigilan namin

"Hoy baka nakakalimutan mo akin yan." Sabi ni Natalie

S E A N ' S P O V

Uwian na ngayon at hanggang ngayon ay iniisip ko ang nangyari kanina.

Parang kilala ko ang may gawa nun kay Drace.

"Pre una na ako ha." Paalam sa akin ni Drace

"Sige ingat." At sumakay na siya sa jeep habang ako nagaabang pa ng jeep

**flashback**

Nasa canteen kami ni Drace.

"Guys kailangan daw yung libro sa computer. Pagkatapos daw ng recess diretso na sa Computer Lab." Sabi ni Dennis at inanunsyo pa sa iba

"Uy kunin ko lang yung libro ko sa locker." Sabi ni Drace

"Pasabay na rin yung sa akin. Nasa bag ah." Sabi ko

Pumunta muna ako kay Dennis na kasalukuyang kumakain. "Dennis libro lang ba kailangan hindi na notebook?"

"Hindi na ata. Wala namang sinabi sa akin." Sagot niya

"Ahh sige Salamat." At sumunod na ako kay Drace

Nandito na ako ngayon sa covered court naglalakad papuntang classroom nang makarinig ako ng sigaw. Di ako pwedeng magkamali, boses yun ni Drace.

Biglang may lumabas na babae sa backdoor at tumakbo papanik ng hagdan. Di ko makita ang mukha niya pero parang kilala ko siya.

Agad akong tumakbo sa front door at nakita ko si Drace sa sahig na may sugat. Nandito din si Darlain.

**end of flashback**

Ang pinagtataka ko lang kung bakit nanduon si Darlain. Kakampi din ba siya?

M A R J O R I E ' S P O V

Nandito ako sa school ni Erica. Ako pa magsusundo. Psh. Ano ako service? Si tito kasi may pasok at ako na lang daw magsundo. Ano siya bata? Mas matanda pa nga yun sa akin eh.

Ang tagal naman nun lumabas. Uwian na ah.

Maya maya may dalawang babaeng lumapit sa akin. "Uy, Nicolyn! Musta na?" What the!? Sino ba 'to? Ako si Marjorie Faina. Duh??

"Bakit ka nandito?" tanong naman nung isa

"Uh, do I know you? Sino ba kayo?" tanong ko. Are they my fans?

"Ano ka ba naman Nicolyn? Ako to si Anna." Sabi nung unang nagtanong sa akin

"Ako si Lyanna. Ikaw ah kinalimutan mo na kami." Sabi naman nung isa

Oh, I remember.

"Ah ok. Naalala ko na kayo." Sabi ko

"Ang tagal na nating di nagkita simula nung namatay si Eric." Sabi ni Anna

**flashback**

"Elle, Eric, Lloyd, or whatever so your name is, bakit ba ako yung dapat mong ipakilala bilang kapatid mo?" tanong ko kay Elle, Eric, Lloyd, or what. Elle daw for short cut sa name niya at ate niya ang nagpalayaw sa kanya nun. Duh? Ano si Eric, bakla? "Tas magpapakilala pa ako bilang Nicolyn."

Nandito kami sa bahay namin. Nakilala ko si Eric dahil kay Erica at nandito si Eric. Pupunta daw yung mga friends niya para daw sa group project at gusto daw niya ako para ipakilala bilang kapatid niya.

"Eh ayaw nga ni ate." Sagot niya

Nakakainis talaga tong si Erica. Ayaw niyang malaman na ampom siya. Duh??

**ding dong**

[a/n: tunog ng doorbell.. hehe..]

"Ayan na sila." Sabi ni Eric at pumunta na sa gate

Nandito na kami ngayon sa sala.

"Eto nga pala si Nicolyn." Sabi ni Eric

"Siya ba yung ate mo?" tanong nung Anna daw pangalan sabi ni Eric

Tumango lang si Eric.

"Diba sabi mo Erica pangalan ng ate mo?" tanong nung Lyanna daw

"A-ah.." di alam ni Eric ang sasabihin niya

"Ahm. Ano, Erica Nicolyn kasi pangalan ko." Sabi ko. Duh? Erica Nicolyn? For real?

"Ah ok. Sayang wala si Rhian at Madison. Di mo makikilala. Di daw kasi sila makakapunta eh." Sabi nung Lyanna

"Ok." Sabi ko na lang

Now I know kung bakit ayaw magpakilala ni Erica bilang kapatid ni Eric.

**end of flashback**

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Lyanna

"May susunduin lang ako." Sagot ko

"Sino?" tanong ni Anna

Ano ba to ang daming tanong? What to say? Hindi nila kilala si Erica bilang Erica dahil kilala nila ito sa bago nitong pangalan.

"Ahh--" sasagot na sana ako nang makita ko siya. Ohmayghad!

Nakita ko siya!? As in? Si Nicolette? Mah sistah? Is here?

"Uhm excuse me nag-vibrate yung phone ko. May tumatawag." Sabi ko at tumalikod at kinuha yung phone ko at kunyari may tumatawag kahit wala

Di ako pwede makita ni Nicolette. Lumabas na ako ng gate ng school nila. Dito ko na lang si Erica aantayin.

============================

Sino ang may gawa nun kay Drace?

Sino si Nicolette?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-01-16

©CrishaneAen❞



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro