{ TBUP -78: Drifting Away }
{ TBUP –78: Drifting Away }
--Ericka’s Pov--
“Please? Athena?”
Alam niyo ba kung anong ginagawa ko ngayon? Well, malamang hindi =_____=
Nakataas lang naman ang kanang kilay ko, nakatingin ng matalim at nakakuyom ang kamao.
Pero syempre, lahat nang iyon ay isang malaking joke at kasinungalingan…
“Parang awa mo na. Hirap na hirap na ako eh…”
Sa mga panahong ganito, hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang pagiging btch ko. Kung bakit hindi ko magawang magtaray at mambasag ng trip. Bakit? Well, nakaluhod lang naman si Yanna sa harapan ko, punong-puno ng luha ang buong mukha at nagmamakaawa. Paulit-ulit niyang sinasabing nasasaktan siya, nahihirapan.
Gusto niyang pilitin ko si Colosseus na bumalik sa kanya.
Gusto niyang pakawalan ko na siya.
“Sobra ko siyang mahal Athena… sobra-sobra…”
Sa tingin niyo? Paano ko pa magagawang magtaray kung ang isang babaeng sobrang desente ay luluhod sa harapan ko’t magmamakaawa? Pero sa tingin niyo, kung wala lang talaga akong puso—kung sobra lang talaga akong masama, baka kanina ko pa ‘to nasipa. Pero dahil sa mabait ako at tuluyan ng nagiging anghel—sht, eww! Okay, ayun, hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang tarayan at ipagtabuyan.
Pero sa mga sinasabi niya? Kesyo nasasaktan daw siya. Kesyo nahihirapan daw siya. Kesyo mahal niya raw si Colosseus ng sobra-sobra? Eh tangina niya! Ganun din naman ako ah! Sobra rin akong nasasaktan, sobra rin akong nahihirapan at sobra-sobra ko ring mahal si Colosseus to the point na nandito na ako’t naaawa sa kanya.
To the point na gusto ko ng mag-agree sa gusto niya.
To the point na gusto ko nang sabihin kay Colosseus na bumalik na siya kay Yanna.
To the point na gusto ko na siyang pakawalan…
Ganun ko siya kamahal. At gustong-gusto ko ‘yung ipagsigawan sa lintek na pagmumukha ng Yanna na ‘to para malaman niyang hindi lang siya ang may karapatang masaktan ng sobra-sobra sa mundong ‘to! Na hindi lang siya ‘yung nahihirapan dahil sa lintek na pagmamahal na ‘to! Pero paano kaya niya maiintindihan? Eh kay Colosseus lang ata umiikot ‘yung buong mundo niya. Pero sabagay, may anak sila. Kailangan ni Baby Zee ng ama.
Kung tutuusin hindi naman talaga ako dapat maawa sa kanya eh—kung wala lang sana si Baby Zee. Kung wala lang sana silang nabuo! Shet kasi! Shet talaga!
“Alam ko, mahal mo rin siya Athena. Pero… mas mahal ko siya.”
Tuluyan ng sumara ang mga kamao ko. Yes, the left and the right. Bullsht. Ano bang alam niya sa pagmamahal ko kay Colosseus?! Ano bang alam niya kung gaano ko kamahal si Colosseus ha?! Ano ‘yun, Diyos na siya ngayon at alam niya na ang lahat-lahat? Alam na niya na mas higit ‘yung pagmamahal niya para kay Colosseus kesa sa akin?! Eh hindi eh! Wala kasi siyang alam! Hindi niya alam at kahit kailan hindi niya malalaman! Dahil sigurado akong hindi na niya gugustuhin pang alamin dahil sigurado ako, matatalo lang siya. Alam kong hindi kompetisyon ang pagmamahal pero kung magiging kompetisyon lang ‘yun, kung padamihan at palakihan lang ng pagmamahal—talong-talo na siya.
If you really love the person, you’ll let them go.
Napaka-cliché na quotation pero sobrang perpekto para sa sitwasyon namin. Gagawin ko na eh, aayaw na ako, susuko na ako. Papakawalan ko na. Pero naiinis lang ako. Naiinis ako kasi ang tanga-tanga ng babaeng nasa harapan ko. Hindi ba niya kayang akitin, kunin or whatsoever man lang si Colosseus nang siya lang?! Na hindi ako ginagambala at ginugulo?! Dahil sa totoo lang, ayokong tulungan siya! Ayokong lumapit kay Colosseus para sabihin, ‘oy bumalik ka na kay Yanna’—napaka-imformal pero kahit ‘yan lang… kahit ‘yan lang masakit ng sabihin. Masakit ng bitawan sa harap mismo ng taong mahal mo. Masakit. Mahirap.
Yung taong mahal mo… ipapamigay mo na lang—oo, ipapamigay dahil akin siya! Akin talaga si Colosseus kahit sabihin pang may Baby Zee. Ako ‘yung mahal ‘di ba? Pero tangina. Kailangan ko kasi eh! Kailangan ko kasi nga mas kailangan siya nung anak niya. Mas kailangan siya nung bata kesa sa akin. Pero akin siya… akin talaga…
“Bakit Yanna, ano bang alam mo tungkol sa pagmamahal ko kay Colosseus?” Tanong ko sa kanya.
Pilit kong binubuo ‘yung sarili ko kahit alam kong sobra na akong wasak. Hindi ako iiyak, ipinapangako ko. Ngayong araw na ‘to, hinding-hindi ako iiyak. Mananatili akong mataas, matapang, btch. Nakakasawa kasing umiyak. Paulit-ulit na lang.
“Athena—”
“Papakawalan ko na siya eh pero bakit kailangan ko pang sabihin sa harap niyang bumalik na siya sa’yo?! Hindi mo ba kayang gawin ‘yun?!” Galit ako. Like seriously, nagagalit na naaawa—kay Baby Zee.
“Sa’yo lang siya nakikinig… ikaw lang ang mahal niya…”
“Alam mo naman pala eh! Lalayo na lang ako, ‘yung hinding-hindi niya ako makikita! Ganun na lang. Pero Yanna, ayoko. Ayokong sabihin mismo sa harapan niyang bumalik na siya sa’yo. Hindi ko siya uutusan. Hindi ko siya pilitin.”
Tumalikod na ako at handa nang lumabas ng bahay. Kakarating ko nga lang kasi galing sa University, pagod ako, stress, pero sht! Mas nakaka-stress pala rito sa bahay! Palagi nang andito ‘to eh! Sarap tadyakan!
“Ayaw mo… o hindi mo lang talaga kaya?”
Napapikit ako.
Dahil totoo…
Yun ang dahilan.
Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko siya kayang ipamigay. Kaya ko lang siyang pakawalan dahil alam ko ako pa rin ‘yung mahal niya pero ‘yung sabihin sa kanyang magmahal siya ng iba? Bumalik siya kay Yanna? Yun ang mahirap. Kakayanin kong lumayo sa kanya. Kakayanin kong kalimutan siya—pero labis-labis akong masasaktan kung malalaman kong hindi niya ako hahanapin dahil din sa akin. Masakit na kalimutan niya ako dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya.
Hindi ko kayang sabihin sa kanyang magmahal siya ng iba. Kasi masakit. Sobrang sakit.
Humarap ako sa kanya, “Sige—sige gagawin ko na! Sasabihin ko na sa kanyang mahalin ka na lang niya ulit! Sasabihin ko sa kanyang ikaw na lang ulit! PALIBHASA KASI, AKALA MO IKAW LANG ‘YUNG MAY KARAPATANG MASAKTAN DITO. Kung inaakala mong MAS mahal mo siya, tangina, pero wala kanga lam! Sinasabi ko sa’yo—wala kang alam kung gaano ko siya kamahal. ITO! Ito na lang ‘yung maging basehan mo kung gaano. Itong gagawin ko—kung ikaw ‘yung nasa sitwasyon ko, gagawin mo kaya? UUTUSAN MO RIN KAYA SIYANG MAGMAHAL NG IBA? PAPAKAWALAN MO RIN KAYA SIYA?! Dahil ako, KAKAYANIN ko. Pero tandaan mo—hindi ‘to para sa’yo, para sa anak mo ‘to. Para sa anak niyo. Hindi na ako makikipagplastikan pero—shet, ayaw ko talaga sa’yo! Kung maaari nga lang sampalin na kita ngayon eh! Kaya lang, may anak kayo—‘yun lang naman ‘yung lamang mo sa akin ‘di ba?”
Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Ayoko ko nang makipag-usap sa kanya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya kasi alam kong talo na ako. Pagkatapos ng araw na ‘to, magiging kanya na si Colosseus. Magiging masaya na siya. Isaksak niya sa baga niya. Tangina niya.
Pero proud ako sa sarili ko, hindi kasi ako umiyak. Ganun talaga. Sana ganun na lang palagi… ‘yung hindi ako umiiyak? Yung matapang ako? Sana ganun na lang palagi.
Maglalakad na lang sana ako ulit nang dumating na ‘yung kotse ni Colosseus. Oo, hindi na ako sumasabay sa kanya sa pagpunta ng school at pag-uwi. Simula nang dumating ‘yang Yanna na ‘yan ganun na eh. Syempre, awkward na.
Hinintay ko siyang makababa sa kotse niya. Sige na, para matapos na ‘to, gagawin ko na. Nang makalabas na siya ay agad ko siyang nilapitan.
“May sasabihin ako.“ Sabi ko sa kanya.
“Spill.”
“Not here…”
Pumunta kami sa park. Para naman kahit papano, maging maaliwalas naman ‘yung nasa paligid namin bago ko gawin ‘yung pinakamasakit na desisyong gagawin ko sa buong buhay ko as of now. Gusto ko hindi magmukhang masakit ‘yung gagawin ko. Kasi ‘di ba? Masaya sa park…
Umupo kami sa magkabilang swing parehas.
“Si Yanna—”
“You wanna ask me to marry her…”
Napapikit ako. Kahit puro salita lang, sobra ng sakit. Paano pa kaya ‘pag ginawa na niya? Eh ‘di ikinamatay ko?
“You know you have to.” Wika ko.
“I don’t have to. I just have to be a good father to Rin, that’s all.” Sagot niya.
“Buong pamilya ang kailangan ng anak mo.”
“I know. Complete family—not fake.” Tumingin ito sa akin, “I don’t want him to have a family that isn’t real. I don’t want him to grow like me. I lived in a family full of lies. Fake fairytales, fake smiles, fake love. My father didn’t love my Mom, look how devastated I am, now. Do you really wanna do this—not to me, but to my son?” Tanong nito sa akin.
Tama si Colosseus. Pinakasalan lang kasi ng Daddy niya ‘yung Mommy niya dahil sa kanya—in fact, nagsinungaling pa ‘yung Mommy niya. Nung time kasi na nagpakasal sila, hindi pa totoong buntis ‘yung Mommy niya. Parang—naloko lang si Tito Sev. Kaya ayun, sobrang laki nung impact kay Colosseus.
Pero hindi naman na siguro mangyayari ‘yun sa kanila ‘di ba? Kaya naman nilang maging masaya.
“Kaya mo naman siyang mahalin ulit ‘di ba?” Tanong ko.
“If I can then why am I still holding on to you? Why am I still loving you?—And why are you asking me to do things that you know that I can’t?!”
Kasi kailangan mong gawin. Si Baby Zee na lang ang isipin natin. Yung makakapagpasaya na lang sa kanya. Yun na lang.
“Kaya mo ‘yun. Time lang ang kailangan—makakalimutan mo rin ako.” Tuloy-tuloy kong sabi.
“You know that I can’t.”
“Kasi iniisip mong hindi mo kaya.”
“Are you giving up on us?” Tanong nito sa akin.
Muli akong napapikit, “Oo, Colosseus. Ayoko na eh. Ayoko nang ipaglaban ka. Ayoko nang makipag-compete sa anak mo.” Tumingin ako sa kanya, “Hindi naman kasi si Yanna ‘yung kalaban ko rito eh—‘yung anak mo mismo.”
“Then stop competing!” Mataas na tono niyang pagkakasabi.
Ngumiti ako sa kanya, “I am. Now. Kaya nga sinasabi ko na sa’yong si Yanna na lang ulit ‘di ba? Kaya nga papakawalan na kita—kasi gusto ko nang tumigil makipag-compete sa anak mo.”
Napatayo siya at pumunta sa harap ko, “Do you still love me?”
Yung mga mata niya—nakakapagtaka, hindi na kasing lamig ng yelo. May emosyon na, nag-level up na siya. Naalala ko pa noon nung una kaming nagkita. Talagang napapa-goosebumps ako ‘pag napapatingin ako sa mga mata niya. Kasi para talaga siyang walang pakialam. Para talagang wala siyang emosyon. Poker face ngay? Pero ngayon… meron na. Marami na. Nasasaktan, nalulungkot, nahihirapan—at ang pinakagrabe? Lumuluha na siya ngayon. Umiiyak na siya.
Nag-level up ka na talaga… Colosseus.
“Yes I do. But sooner or later, I have to, not to love you.”
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
“We can just run away. We can just stay away from everyone!”
“Ano ako, selfish?”
Bigla na lang siyang napasuntok dun sa malaking puno na katabi nung swing. Agad akong napatayo. Dahil sa lakas nang pagkakasuntok niya, nagdugo ‘yung kamao niya. Gusto ko siyang lapitan at gamutin—pero na-realize ko, mas mahihirapan ako ‘pag ginawa ko ‘yun. Mas mahihirapan akong pakawalan siya.
“You really want me to marry her?! You want me to forget you?!” Pasigaw niyang tanong.
“Oo, Colosseus, oo.” Nakangiti kong sabi.
Ngiting peke. Ngiting nagtatago sa sakit na nararamdaman ko. Ang galing ko talaga. Nakakaya ko pa ‘to. Hindi pa nga ako umiiyak eh. Astig. Astig lang talaga…
“Will you be happy?” Seryoso niyang tanong.
Tumingin ako sa mata niyang lumuluha. Naaawa ako, nasasaktan ako para sa kanya. Pero kailangan ko. Para kay Baby Zee ‘di ba?
“I will be the happiest.” Nakangiti ko pa ring sagot.
“Damn it!”
Bigla na lang niya akong niyakap. Sobrang higpit. Para bang ayaw na niya akong pakawalan. Para bang ayaw na niyang bumitaw. Umiiyak siya. Kaya niyakap ko na lang din siya ng sobrang higpit. Sorry kung ginagawa ko ‘to. Sorry kung sinasaktan kita. Pero ito naman ‘yung dapat ‘di ba? Ito naman ‘yung kailangan kong gawin. Kasi ‘yung anak niya. Kailangan siya ng anak niya. Kailangan din siya ni Yanna.
Natutuwa ako, kasi hanggang ngayon hindi pa ako lumuluha. Mukhang matutupad ata ‘yung pangako kong hindi ako iiyak ngayon ah?
Hindi ko pa rin talaga maintindihan, palagi kong tinatanong—kailan kaya ako sasaya? Yung alam niyo na, tuloy-tuloy? Kailan ko kaya mahahanp si ‘the one’? Pero na-realize ko, siguro nga, hangga’t nabubuhay ako, hinding-hindi matatapos ang mga problema ko—uyy ‘di ako magbibigti ha! Naiisip ko lang, sa buhay ng tao, walang katapusan ang problema. Pero alam niyo kung anong pinaka-nakakatuwa? Kasi andito pa rin ‘yung pag-asa, pag-asang bukas, paggising ko hindi pala ‘to totoo lahat. Na wala pa lang Yanna, wala pa lang Baby Zee. Parang panaginip ngay? Na bukas, nasa garden kami ni Colosseus, magkahawak ‘yung kamay habang pinagmamasdan ‘yung mga tulips. Sana ganun na lang. Sana bukas, ganun na lang…
Kaso nga lang, kahit ilang beses kong kurutin ‘yung sarili ko, kahit ilang beses ko pang sampalin ‘yung mukha ko—hindi ako magigising. Kasi realidad na ‘to. Totoong lahat. Hindi joke, hindi panaginip—totoo lahat.
“Do I really have to do this?” Tanong niya sa akin.
“Oo naman.” Sagot ko sa kanya. “Bitaw na. Please.”
“I can’t.”
“Pagod na ako, Colosseus. Bumitaw ka na.”
Bumitaw sa pagmamahal mo, bumitaw sa atin, bumitaw sa akin. Please, huwag mo na lang akong pahirapan…
“After this, I’ll be drifting away from you.” Wika niya.
“Much better.”
Ako na mismo ang tumulak sa kanya. Kahit sobrang higpit—kahit ayaw ko, ginawa ko. Ganun naman ang love ‘di ba? Sacrifice? Si Lord God nga eh, sinakripisyo anak niya para sa atin, dahil sa pagmamahal sa atin—ako pa kaya?
“Love her again.” Sabi ko sabay tingin sa likuran ni Colosseus kung nasaan si Yanna na ilang metro ang layo sa amin, nakatingin. Lumuluha.
“Tsss…” Bumalik ulit ‘yung mata niya sa pagiging cold. “I love you, two divided by zero, Athena. It will always be you, only you and it’ll never be her.”
Tumalikod na ito sa akin. Naglakad papunta kay Yanna. Nang makarating na ito sa harap niya, agad siyang niyakap ni Yanna. Though hindi siya niyakap pabalik ni Colosseus, damang-dama ko pa rin ‘yung sakit. Yung pakiramdam na para bagang ‘yung puso ko ipinako, ‘yung puso ko nilatigo, ‘yung puso ko, malapit nang mawala at madurog ng pinong-pino. Pero sana ganun na lang, para hindi na ‘ko makaramdam ng ano mang sakit. Kasi alam ko, simula pa lang ‘to. Simula pa lang ‘to ng sakit, alam ko marami pa. Lalo na ngayong na kay Yanna na ulit si Colosseus.
“Thank you…” Yanna mouthed.
Ngumiti ako at tumalikod na.
Akala ko ang umiyak ang totoong nakakapagod at nakakasawa.
Mali pala ako?
Dahil ngayon, ang pagiging matapang ang nakakapagod at nakakasawa.
Leche kasi, ngayon tumulo ‘yung luha ko. Akala ko pa naman kaya kong tuparin ‘yung pangako ko sa inyo. Ang weak ko na. Ang weak, weak ko na…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro