Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -77: Daddy's Girl }

{ TBUP –77: Daddy’s Girl }

 

 

 

 

 

--Selene’s Pov--

 

Papunta na ako sa office ni Daddy para ibalik sa kanya ‘yung divorce papers na ipinadala niya kay Mommy. Pinirmahan na ‘yun ni Mommy dahil ayaw na rin niyang makisama pa sa Ama ko dahil sa pangalawa nitong pamilya. Sa oras na pirmahan ni Daddy ‘tong mga papeles na ‘to tuluyan nang masisira ang kasal nila Daddy at Mommy. Tuluyan nang masisira ang pamilya namin…

Napapikit na lamang ako ng pihitin ko na ang seradura ng pinto ni Daddy. Pagbukas na pagbukas ng pintuan niya ay nahagilap siya ng mga mata ko habang nakatutok sa laptop nito. Business na naman ang inaatupag ni Daddy.

Kahit ayaw kong ibigay sa kanya ang mga papeles na ‘to, kailangan ko, dahil ‘yun ang utos ni Mommy. Kahit ayaw ko silang maghiwalay, kahit ayaw kong masira ang pamilya ko—wala na akong magagawa, dahil noon pa lang sirang-sira na ‘yon. Nang dahil kay Athena at sa Nanay niya. Kahit galit na galit ako, wala na akong ibang magawa. Sirain ko man si Athena, pahirapan ko man siya, wala na ring mangyayari—sira na ‘yung pamilya namin.

Noong nakiusap ako kay Yanna na tulungan akong sirain ang buhay ni Athena—tumanggi siya. Tinanggihan niya ako’t sinabi niyang wala na akong magagawa. Sinabi niya sa aking hindi ko na maibabalik ‘yung masayang pamilyang meron kami noon kahit ano pang pambubulabog ang gawin ko sa buhay ni Athena. Sinabi niyang—hindi rin naman ako magiging masaya.

Hindi ko alam… naguguluhan ako… ang gusto ko lang, kahit hindi ako maging masaya, basta maging miserable rin si Athena katulad ko. Maging malungkot siya katulad ko. Para naman masabi ko sa sarili ko na hindi pa rin sila sasaya kahit kasama na nila ang Daddy ko.

Selene, maupo ka.” Sambit ni Daddy.

Naupo ako sa upuan sa harap ng mesa ni Daddy. Napabuntong hininga ako at inilapag na ang envelope sa mesa nito.

Ayan na ang pinakahihintay mo…” Sabi ko sa kanya habang tinitignan siya ng matalim.

Kinuha iyon ni Daddy at inilabas ang papel sa envelope. Binasa niya ito atyaka tumingin sa akin.

Ano? Di ba ‘yan ang gusto mo? Magiging malaya ka na. makakabalik ka na kina Athena. Pinirmahan na ni Mommy, ‘yung iyo na lang ang kulang.” Nakatingin pa rin si Daddy sa akin na tila ba nagtataka, “O, ano pang hinihintay mo?” Tanong ko rito.

Nabigla na lamang ako nang punitin ni Daddy ‘yung divorce papers sa harapan ko. Naguguluhan ako. Bakit niya ‘yon ginawa? Hindi ba ‘yon naman ang gusto niya? Di ba ‘yon naman ang pangarap niya? Ano pa bang gusto niyang mangyari’t hindi na lang niya pirmahan ang lintek na mga papel na ‘yon?! Ano ‘to, nagpapakitang gilas siya?! Tsss…

Sino bang nagsabi sa’yong gusto ko ‘to?” Seryosong tanong ni Daddy sa akin.

Ano bang sinasabi ni Daddy? Hindi ba ‘yun naman ang hinhintay niya?! Ang mapawalang bisa ang kasal nila ni Mommy para makabalik na siya run sa isa pa niyang pamilya?! Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isipan ni Daddy. Hindi ko na siya maintindihan…

Pero ‘di ba—

Hindi ako ang nag-file ng divorce Selene. Hinding-hindi ko ‘yon gagawin.” Sabi nito sa akin.

Akala mo maniniwala ako? Ano bang ginagawa mo ha Daddy? Magpapaawa ka para hindi ko na guluhin si Athena?” Tactics ni Daddy, hindi uubra sa akin. Kung matalino siya, mas matalino ako.

Maniwala ka man o hindi—hindi talaga ako ang nag-file ng divorce. Ang mommy mo! Sabi niya, ayaw na niyang makisama sa akin dahil sa may iba akong pamilya. Maniwala ka Selene,” Hinawakan ni Daddy ang kamay ko na nakapatong sa mesa niya, “ayaw kong makipaghiwalay sa Mommy mo. Ayaw kong sirain ang pamilya natin. Mahal ko ang Mommy mo…

Gusto kong magdiwang dahil sa sinabi ni Daddy pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Siguro dahil sa naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Sinabi sa akin ni Mommy na si Daddy talaga ang nag-file ng divorce papers at gustong makipaghiwalay sa kanya, na gusto raw ni Daddy na bumalik sa kabilang pamilya niya. Pero ano ‘to?! Ano ‘tong sinasabi ni Daddy?

Hindi ko alam, hindi ko na alam kung kanino pa ako maniniwala!

Bumalik lang ako sa Pilipinas para bigyan ng space ang Mommy mo at para kamustahin sina Athena pero hindi sumagi sa isip ko na makipaghiwalay sa Mommy mo. Hindi sumagi sa isip ko na iwanan kayo.” Paliwanag ni Daddy.

Halos mahulog ang panga ko dahil sa pang-nganga. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Daddy. Hindi ko lubusang maisip na ganun pala. Pero bakit naman iba ang sinabi sa akin ni Mommy?! Bakit niya binaliktad ang kwento?! Anong gusto niyang mangyari?!

Pero hindi ko maintindihan—bakit—bakit binaliktad ni Mommy ‘yung kwento?! Sabi niya kayo raw ‘yung—

Dahil ayaw niyang sa kanya ka magalit. At hindi lang matanggap ng pride niya na may iba akong pamilya—pero maniwala ka, ayoko siyang hiwalayan. Simula nung nagpakasal ako sa kanya, oo, aaminin ko nung una na kay Stella pa rin ‘yung puso ko pero maniwala ka… natutunan kong mahalin ang Mommy mo.

Hindi ako masaya. Hindi ako malungkot. Pero napaiyak na lamang ako dahil sa sinabi ni Daddy. Dala siguro ng pagsisisi. Grabe. Ang laki kong tanga dahil kumikilos ako nang hindi ko man lang alam ‘yung katotohanan. Siguro, lahat kayo pagtatawanan ang katangahan ko—pero masisisi niyo ba ako? Syempre, si Mommy ang unang nagsabi sa akin ng problema nila ni Mommy kaya sa kanya ako maniniwala pero… hindi ko man lang nagawang tanungin si Daddy. Kung ano talaga ‘yung nasa isip niya. Kung ano talaga ‘yung gusto niyang mangyari. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pakiramdam ko ang bobo ko.

Tumayo si Daddy mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Lumuhod ito at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

Selene, anak, patawarin mo sana ako kung nagkaroon ako ng isa pang pamilya maliban sa inyo ng Mommy mo. Patawarin mo ako kung naglihim ako sa’yo. Patawarin mo rin ako kung hindi ko kaagad nasabi sa’yo. Eto tuloy, napilitan kang magbago, nakasakit ka pa ng iba. Patawarin mo sana ako, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Sabi ni Daddy habang nakayuko. Mas lalong umagos ang luha ko. Napahawak ako sa left chest ko kung saan ang puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o magiging masaya. Malungkot dahil sa katangahan ko at sa mga nagawa kong mali kay Athena o masaya dahil hindi naman pala gustong mawasak ni Daddy ang pamilya namin, mahal niya pala kami ni Mommy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t napayakap na lamang ako kay Daddy at umiyak sa bisig niya, “Daddy! S-Sorry kung nagkamali ako. Sorry kung nagpadalos-dalos ako. Hindi ko alam… hindi ko naintindihan…” Wika ko habang umiiyak at nakakapit ng mahigpit kay Daddy.

Hinagod ni Daddy ang likod ko at pilit akong pinapatahan pero hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Ang sakit kasi alam kong ang dami kong nasaktan, ang dami kong nadawang mali lalo na kay Athena—kay Athena na kapatid ko.

Tahan na anak, alam ko namang nagawa mo lang iyon dahil nagpadala ka sa galit mo pero pwede naman tayong magsimula ulit ‘di ba? Magiging masaya ulit tayo. Alam mo ba, babalik ako sa Japan next week para pakasalan ulit ang Mommy mo. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit may naging ibang pamilya ako, siya pa rin ang mahal ko, na pamilya pa rin tayo.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Daddy.

Hindi ko man lang naisip na ganito pala. Hindi ko man lang tinanong si Daddy. Ang laki-laki talaga ng pagsisisi na nararamdaman ko.

Daddy… ang tanga ko…” Wika ko habang nakayakap pa rin kay Daddy at umiiyak.

Shhh, huwag mong sabihin ‘yan ‘nak. Masyado mo lang talagang mahal ang pamilya natin.—Ah sandali! Meron akong ipapakita sa’yo.

Kumalas sa pagkakayap sa akin si Daddy at may kinuha sa aparador niya. May kinuha siya roong isang square na box na may lamang make-up. Bumalik siya sa akin at iniabot ‘yun sa akin. Bagamat nagtataka pa ako eh pinahid ko ang mga luha ko at kinuha sa kamay ni Daddy ang box na ‘yun.

Tinignan ko iyon, “Para saan po ito?” Tanong ko.

Ngumiti si Daddy, “Anak, napansin ko kasing tinapon mo na ‘yung mga make-up dati. Pinalitan mo na ng mga masyadong dark na kulay—pero anak, para sa akin, mas bagay mo ‘yung mga make-up na ‘yan.” Ibinaling ko ang tingin ko sa make-up na ‘yun, “Mas bagay mo ang mga light colors.

Napatawa ako ng mahina. Mag-ama nga talaga si Athena at si Daddy—pareho kasi sila ng komento sa akin pagdating sa make-up ko. Panahon na nga yata para bumalik ako sa dati—sa dating Selene.

Tumingin ako kay Daddy at, “Salamat… Daddy.” Sabi ko sabay ngiti.

Matapos naming magkaayos ni Daddy ay minabuti kong pumunta sa puntod ni Kuya Tristan. Pati kasi sa kanya kailangan kong humingi ng tawad. Ayon eh nang dahil sa sobrang galit ko ay napagbuntunan ko ng sama ng loob ‘yung ex-girlfriend niya na ngayon naman ay girlfriend ni Chron. Masaya naman si Chron kay Scarlet eh—‘yon ‘yung lamang niya sa akin ngayon.

Nang malapit na ako sa puntos ni Kuya ay namataan ko si Scarlet habang nakaupo sa harapan ng puntod ni Kuya at may dalang bulaklak. Kahit medyo nahihiya dahil sa mga nagawa kong mali ay lumapit pa rin ako sa kanya.

Agad siyang napatayo nang makita ako pero nginitian ko siya.

Ah, pasensya na. Dumaan lang ako. Isipin mo na lang hindi mo ako nakita.” Sabi nito sa akin at nilagpasan na ako.

Nagsalita ulit ako, “Bakit ko naman iisiping hindi kita nakita? Ano ako tanga?

Humarap ito sa akin, “Ayoko nang makipag-away sa’yo, Selene. Dumaan lang ako…

Hindi rin naman ako naghahanap ng away ah—Scarlet…

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Muli ay kumawala ang aking mga luha…

Sa harap ni Kuya, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nasabi ko. Hindi ko hinihinging patawarin mo ako kaagad pero gusto ko lang sabihing nagsisisi na ako sa lahat ng sinabi at ginawa ko. Aaminin ko, nagkamali ako. Patawad.

Nagulat ako nang yakapin din ako pabalik ni Scarlet. Napangiti ako—kahit pala talaga btch siya, may puso rin siya. Hindi nga talaga siguro nagkamali si Kuya Tristan at Chron mahalin siya.

Patawad din kung… hindi ko nagawang protektahan si Tristan…” Wika nito.

Scarlet, ayus na ‘yon. Ang gusto ko na lang, sana, ‘yung hindi mo nagawa kay Kuya, magawa mo kay Chron. Protektahan mo siya, alagaan mo siya, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo kay Kuya. Kasi alam mo, mahal ko pa rin si Chron—pero alam ko mas masaya siya sa’yo. Sasaya siya sa’yo.

Damang-dama ko ang pagbuntong hininga ni Scarlet at ang tibok ng puso nito habang magkayakap kami. Tama nga sila—kahit btch, may puso rin.

So… hindi ka na btch?” Pabirong tanong nito sa akin habang nakayakap pa rin.

Hindi na, hindi ko kasi kayo kayang pantayan ni Athena.

Humiwalay na siya sa yakapan namin at nasilayan ko na ang ngiti niya.

Salamat…” Sabi nito sa akin.

Hindi Scarlet… Salamat.” Ngumiti ako sa kanya.

Nagpaalam na siya sa akin at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Nang makaalis na siya ay ako naman ang sunod na umupo sa harap ng puntod ni Kuya at kinausap siya. Hindi ko pa nga naibubuka ang bibig ko ay naramdaman ko na ang pag-agos ng tubig sa pisngi ko na sigurado akong mula sa mga mata ko.

Kuya, nag-sorry na ‘ko sa mahal mo. Ayus na ba tayo? Alam ko Kuya nagtampo ka sa akin dahil sa nagawa mo pero… nagsisisi na ako. Kaya bati na tayo ha? Tyaka Kuya, maayos na sila Mommy at Daddy! Sana pala ‘yun na lang ‘yung ginawa ko kesa nagpaka-btch ‘no? Haaay… nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero Kuya, sana tulungan mo pa rin ako ha? Sana lagi ka pa ring nasa tabi ko.” Hinaplos-haplos ko ang lapida ni Kuya na para bang pisngi niya ang hawak-hawak ko, “Mahal na mahal ko kayo ni Mommy at ni Daddy… sobra…

Tumayo na ako at nagsimula nang pagpagan ang damit ko.

Kuya, aalis na ako ha? Secret muna natin ‘to pero, magpapa-book na ako ng flight pabalik nang Japan. May plano kasi si Daddy na pakasalan ulit si Mommy. Kaya sasama na ako sa Japan para tulungan si Daddy. Pero Kuya, may isa pa akong problema, ‘yung kapatid ko kasi—ayy mali! Yung kapatid natin, si Athena? Nasaktan ko kasi siya ng sobra-sobra eh. Kailangan ko pang makipag-ayos sa kanya. Kaya Kuya, tulungan mo ‘ko ha?

Ngumiti ako sa harapan ng lapida ni Kuya.

Umaasa akong tutulungan talaga niya akong ayusin ‘yung mga gusot ko, ‘yung mga pagkakamaling nagawa ko, lalong-lalo na kay Athena.

Sana hindi pa huli ang lahat…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro