{ TBUP -76: Best }
{ TBUP –76: Best }
--Ericka’s Pov--
Kahit duguan ang puso ko—ayus na ako! Syempre ayus na kami ni Dadeehhhh eh xD Lol. Alam niyo ba, MWHAHAHAHA! Binigyan niya ako ng credit card kaya nagbunyi ang kaluluwa ko! Eh kase, makakapag-shopping na ako ng wantusawa xD Oyes, oyes, oyes!!
“Oy anak!” Tawag ako ni Mama =____= Nasa restau pa rin kami. Umalis na si pudrabels kasi may meeting daw siya.
“Oy Mama!”
“Anong OY ka dyan!” Tapos kinutusan ako ni Mama :3 “Ano? Napatawad mo na ba ‘yung pudrabels mo?” Tanong nito sa akin.
“Oo, mudrabels! Ayus na kami! Lalo na’t binigyan niya akes ng credit card! MWHAHAHAHA!”
At dahil sa ang Mama ko’y sadista—binatukan niya po ako T^T
“Tsura mo Athena o! Umayos ka nga! Eh kayo ni Zico ngay?”
Awts. Kakasabi ko lang na okay na ako tapos bigla ba namang ipaalala?! <///3 Pero teka, kamusta na kaya ‘yun? Gwapo pa rin kaya? Yummy pa rin? –Teka nga! Na-broken hearted na nga ako’t lahat-lahat ‘yun pa rin naiisip ko! Tigilan mo nga Ericka! Mag-move on ka na day! =____=
“Ewan ko Ma. Break na kame eh.” Sabi ko.
“Psh. Nagsakripisyo ka?”
“Natural. Alangan naman na ipaglaban ko eh may anak sila? Mama, hindi ako ganun kasama.” Pahayag ko.
“Alam ko. Pero naisip mo ba? Magiging masaya ka kaya? Magiging masaya kaya si Zico? Magiging masaya kaya si Baby Zee ‘pag nalaman niyang hindi nagmamahalan ‘yung magulang niya kahit nasa iisa silang bahay? Isipin mo nga ‘yun.”
Oo nga ‘no? Pero kasi! Mas maganda naman ‘yun kesa sa lumaki siya ng walang tatay ‘di ba? Parang ako lang? Ayoko namang maging katulad ko naman si Baby Zee. O baka maging gangster pa ‘yun. Kawawa naman. Kaya kahit duguan ang puso ko, wasak na wasak ang heartlalu ko wala akong pakialam—kasi mas importante ang mararamdaman nung bata kesa sa akin.
“Sus, buti naman ‘yon kesa sa walang pudrabels si Baby Zee! Tyaka matututunan ding mahalin ulit ni Colosseus si Yanna…” Kahit sobra ang lungkot ko tuwing naiisip kong mamahalin ulit ni Colosseus si Yanna tinitiis ko na lang… para kay Baby Zee naman eh.
“Eh paano kung hindi? Anak, bibigyan kita ng examples ha?” Tumango ako, “Hindi ako naging masaya dahil pinakawalan ko ang Papa mo, pati siya, pati ikaw. Lalong-lalo na ang pamilya nila ni Selene. Tignan mo ang nangyari kay Selene, ‘di ba napariwara siya?”
“Oo nga Ma, nag-evolve.” Komento ko.
“Nang dahil ‘yon sa isinuko ko ang Papa mo. Kung pinaglaban ko siya, kung naging matapang ako… eh ‘di sana lahat tayo naging masaya. Ganun din sa sitwasyon niyo ni Zico. Sa tingin mo, magiging masaya si Baby Zee sa piling ng mga magulang niya na nakikisama lang sa isa’t isa nang dahil sa kanya?”
Tama si Mama. Pero kasi… mas lamang sa akin ‘yung mararamdaman ni Baby Zee dahil wala siyang ama. Dahil syempre ako mismo naranasan ko ‘yon. Ayokong maulit ‘yun sa kanya. Ayoko namang ako ‘yung maging dahilan kung bakit magiging miserable ‘yung batang ‘yun. Ayokong paglaki ko, sisihin niya rin ako katulad ng ginagawa ni Selene ngayon. Kasi sa totoo lang, dalawa lang ang pwedeng maging kahihinatnan nito. Dalawa lang, pwedeng si Baby Zee maging katulad kong lumaking walang ama o katulad ni Selene na rebelled at naging demonyita. Tsk tsk…
“Bago mo isipin ang iba, isipin mo muna ‘yang sarili mo. Hindi naman masamang maging selfish paminsan-minsan. Syempre ‘yung tamang pagiging selfish din. Pero ang masama, ang pagiging selfless. Kung ibibigay mo sa iba kung anong meron ka kahit alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo ‘yun at hindi nila deserve, aba! Ang tanga mo naman kung ganun ka!” Payo sa akin ni Mama.
Deserve? Deserve naman siguro ni Yanna si Colosseus ‘di ba? Deserve niya kasi… may anak sila?
Iniwan ko na si Mama run sa restau at umuwi sa bahay kaso nakita ko si Selene na lumabas dun sa bahay. Waw, kinamusta siguro niya ‘yung bespren niya o si Baby Zee? Ay teka, so andyan pa ‘yung babaeng haliparota?! Amfff >___________<
Nagkatinginan kami ni Selene. At dahil ayus na kami ni Papa ngingitian ko na rin siya :)
“Sis! Alam mo, ‘di mo bagay ‘yang makapal na make up eh. Light lang ayus na sa’yo.” Tapos ngumiti ulit ako sa kanya at pumasok na sa bahay namin.
O ‘di ba ang bait ko? Sabi ko naman sa inyo eh magpapakabait na ako kasi bati na kami ni Papa. Ahihi.
Pagkapasok ko ng bahay eh nakita ko si Colosseus habang nakayakap sa binti niya si Baby Zee. Ang cute naman nila. Mag-ama talaga ang peg. Ano kaya kung ako ‘yung nanay ni Baby Zee? Eh ‘di happy family? –Ayy teka nga! Kay bata-bata ko pamilya na agad?! Susme, ang harot ko na rin!
Lalagpasan ko na sana sila nang biglang yumakap sa akin si Zico—THE SECOND! Mwhahahaha! Ang sarap mag-troll, pero seryoso na… yumakap siya sa mga binti ko tapos nag-puppy eyes. Waaaa! Ang cute niya! Kamukhang-kamukha ni Colosseus eh :”””> Sarap i-pad lock sa kwarto’t pisil-pisilin!
“Augh? Ano bang—”
“Please go with us to the park. Please? Please? Please?” Sabi niya sa akin tapos nagpapaawa talaga siya. Ang cute cute ni Baby Zee!
“Sumama ka na…” Biglang sabi ni Yanna with matching ngiti na pang-anghel =________=
Eh ‘di sumama na ako. Nakakahiya namang tanggihan si Baby Zee eh ang cute cute niya! Ahihi :””> Sana kasing cute din niya ‘yung magiging anak ko. Tapos pupunta rin kami ng park kasama ‘yung Daddy niya—tapos kakasuhan ako ng adultery ni Yanna, tapos makukulong ako lol. Kung anu-anong naiisip ko. Ang abnormal ko na naman!
Naglakad kami papuntang park. Malapit lang naman ‘yun dito eh. Nung andun na kami ay naglaro na si Baby Zee. Ang cute niya! Para rin siyang doll katulad ni Sushi! Siguro kung ‘di sila magpinsan bagay sila :3
Nahahagip ng tingin ko si Colosseus pero ako na mismo ang umiiwas sa mga tingin na iyon. Kasama niya ang mag-ina niya, dapat sila ang binabantayan niya’t pinagtutuunan ng pansin.
--Yanna’s Pov--
Kahit kasama kami ni Zico feeling ko ang layo niya pa rin sa amin. Nakatingin nga siya kay Baby Zee pero hindi sa akin. Never sa akin. Nakatingin siya kina Baby Zee at… Athena. Sa tuwing makikita ko ang pagdaan ng mga tingin ni Zico kay Athena nasasaktan ako. Gusto kong umiyak para makita niyang nasasaktan ako pero hindi ko magawa dahil nandito ang anak ko. Ayokong makita ng anak ko na hindi ako masaya.
Ngumiti na lamang ako sa harap ng anak ko habang naglalaro siya, kahit peke lang, para lang masabi ko sa anak ko na masaya ako.
Pero hindi ko talaga mapigilang mapatingin kina Zico at Athena. Nagkatinginan silang dalawa. Alam mo ‘yung pakiramdam na kahit simpleng pagtitinginan lang nila kumikirot na ang puso mo? Konting tingin lang nilang dalawa pakiramdam mo nag-uumapaw ‘yung pagmamahal nila para sa isa’t isa? Hindi naman kasi ako tanga’t manhid, alam kong mahal nila ang isa’t isa. Kitang-kita naman sa mga mata nila eh.
Mahal ko rin naman si Zico ah… bakit hindi na niya kayang ibalik ‘yung dati? Ano bang meron kay Athena na wala sa akin? Ano bang meron sa kanya na hindi makalimutan at hindi maiwan ni Zico kahit may anak na kami?
“Mommy, mommy, let’s go home na…” Napatingin ako kay Baby Zee na kasalukuyang hawak ang dalwang daliri ko.
Ngumiti ako sa kanya, “Okay.”
Hinawakan ko na ang kamay ni Baby Zee at sinabi kina Athena na gusto nang umuwi ni Baby Zee. Naglakad muli kami. Nauuna kami ni Baby Zee habang nasa likuran naman si Athena at Zico.
Masakit… sobrang sakit… ‘yun lang ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ba dapat masaya ako kasi buo na ‘yung pamilya namin? Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ganito?!
Patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang matapilok si Athena, napatingin kami ni Baby Zee sa kanya at nakita ko kung paano tulungan ni Zico si Athena.
“Ayus ka lang ba? May masakit ba? Ano? Sabihin mo lang?”
Napatingin ako sa ibang direksyon. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Naghuhumiyaw ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawang tumalikod. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Zico, ‘yung sobrang pagmamahal niya para kay Athena.
Ang sakit… sobra…
“Ah, mauna na kami ni Baby Zee…” Pahayag ko at mabilis na naglakad papalayo sa kanila.
Basag na ang tinig ko, wasak na ang puso ko pero bakit nakakaya ko pa ring mahalin si Zico ng ganito? Bakit sa kabila ng nakita ko gusto ko pa rin siyang makasama sa buong buhay ko? Bakit siya pa rin? Bakit kahit alam kong magiging masaya siya kay Athena, kahit alam kong mahal niya si Athena, hindi ko magawang sumuko. Ayokong sumuko.
Napatingin ako kay Baby Zee… tama, si Baby Zee na lang ang lakas ko para mainda ko ang sakit na ‘to.
Nakarating na kami sa bahay. Hawak ni Zico ‘yung kamay ni Athena habang inaalalayan siya. Ipinasok ni Zico si Athena sa kwarto nito’t lumabas naman kaagad. Bumitaw sa akin si Baby Zee at pumunta sa kwarto ni Athena.
Lalagpasan na sana ako ni Zico pero nagawa kong hawakan ang kamay niya.
Lumuhod ako sa harapan niya.
Pero imbes na awa ang makita ko sa mga mata niya—walang emosyon ang ipinakita niya sa akin. Parang wala siyang pakialam.
“Zico… mahal na mahal kita. Paano mo ba nagagawa sa akin ‘to? Paano mo ba ako nagagawang saktan? Zico, minahal lang naman kita ‘di ba? Bakit nasasaktan pa rin ako?! Bakit hindi mo magawang mahalin na lang ulit ako? Bumalik na lang ulit sa akin! Sa amin ng anak mo! Bakit si Athena na? Please Zico… ako na lang ulit… parang awa mo na…” Pakiusap ko sa kanya habang lumuluha.
“Ayoko.”
Labis akong nasaktan sa isinagot ni Zico sa akin. Bakit ba parang wala lang para sa kanya?!
Tumingin ako sa mala-yelo niyang mga mata…
“Is she a thousand times better than me?” Tanong ko sa kanya.
Napangisi ito at, “Nope, but she’s the best.”
Iniwan na ako ni Zico at pumanhik sa kwarto nito.
Kahit sobrang sakit na… bakit si Zico pa rin ‘yung gusto kong mahalin?
--Ericka’s Pov--
Kitang-kita ko ang pagluhod ni Yanna sa harap ni Colosseus. At dahil malayo ako sa kanila hindi ko masyadong marinig ‘yung pinag-uusapan nila. Nakasilip lang kasi ako run sa pinto ko. Pero kitang-kita ko pa rin ang pagluha ni Yanna. At sa kauna-unahang pagkakataon, naawa ako sa kanya. Dito pumasok sa isip ko ‘yung sinabi ni Mama…
Deserve…
Deserving…
Deserve ni Yanna si Colosseus. Dapat lang talaga akong magparaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro