{ TBUP -75: Sisters }
{ TBUP –75: Sisters }
--Ericka’s Pov--
Matapos ang umaatikabong panghuhula ko na sobra kong namiss :””> Eh bumalik na ako sa loob ng bahay at pumunta na sa kwarto ko, gusto ko na kasing mag-meme kaso pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko eh andun pa rin pala ‘yung girlash na nagpabuntis at junakis niyang pagka-cute. Haaay… saan kaya ako matutulog neto? Sa papag? =__________=
“Ah, sa papag na lang kami ni Baby Zee matutulog. Nakakahiya naman eh kama mo ‘to.” Sabi naman ni Yanna pagkakita niya sa akin.
So alangan naman na eh ‘yung bata hayaan kong sa papag matulog eh bata ‘yun?! Eh ‘di ako naman ang binangungot ng konsensya ko kung hahayaan ko ‘yun! Anak ng lenggwa! Papatayin ba ‘ko neto?!
“Ah huwag na. Ako na lang sa papag. Kawawa naman ‘yang anak mo kung sa papag matutulog.” Nginitian ko siya—oyy, pasalamat siya ngumiti ako ha! Mahal kaya ‘tong ngiti ko! Lels xD
“Salamat.” Tugon niya sabay ngiti rin. Andugas! Kay-anghel ng mukha!
Kumuha na ako ng extra bed sheet sa aparador kasama ang unan at kumot tyaka ko nilatag sa sahig eh dahil sa may anghel akong kasama sa kwartong ‘to eh tinulungan niya akong maglatag. Bait ‘no? Sana kunin na ni Lord. Syempre joke lang ‘yun, hindi naman ako ganun kasama!
Matutulog na sana ako nang tabihan ako ni Yanna sa higaan ko—anak ng! Binigay ko na nga ‘tong kama ko sa kanya tapos pati sa sahig makiki-share pa siya?! Sugapa ka ‘teh?!
“Alam mo, dati ganito rin kami ka-close ng Mommy ko.” So anong palagay niya sa akin? Mommy niya?! Seriously, do I look like a mother?! Maygaaash! “Kahit 18 years old na ako tumatabi pa rin ako sa kanya sa pagtulog kaso… biglang nagbago ang lahat.” Malungkot ‘yung boses niya, sobra. “Athena, kailan pa naging mali ang magmahal.”
Andrama ni Ate oh! Ano ‘to taping ng MMK?! Makapagtanong naman kung maling magmahal—jusme! Ang taray! Pang-MMK talaga ang peg! Imbes na maaawa ako natatawa ako eh. Letse! Ang korni! :)))))
“Hindi ko naman talaga iniwan si Zico.” Eh laking pasasalamat ko nga nung iniwan mo eh! Kaso ampucha bumalik pa eh! Ang mas masaklap pa, leche may extra luggage! Shet lang! “Pinilit lang ako ni Mommy, ayaw niya kasing malaman nila Tito Sev na may anak kami ni Zico, na buntis ako. Ayaw niyang ipakasal kami kasi mahal niya si Tito Sev. Kaya dinala niya ako sa Japan, sabi niya sa Europe pero ibinalik niya ako sa Japan. Bantay-sarado ako run, kaya hindi ako nakabalik hanggang sa manganak ako run sa Japan…”
Alam niyo, hindi ko talaga gets kung bakit niya sinasabi sa akin ‘to. Ano kayang gusto niya? Konsensyahan ako ng bonggang-bongga?! Sabihin sa aking mas matindi ang paghihirap niya sa Japan habang kami ni Colosseus eh nagpapakasaya? Pero syempre hindi niya alam. Ano namang alam niya sa relasyon grande namin ni Colosseus ‘di ba? Pero mas maganda na ‘yun, baka awayin pa ‘ko neto—oyy! Di ako takot sa kanya! Ayoko lang matalo siya, kawawa naman :3
“Buti na lang may bestfriend akong katulad ni Selene. Tinupad niya ‘yung pangako niyang hahanapin niya si Zico para sa akin.” Biglang natuwa ‘yung boses niya.
Pero wait lang, tangina, Selene daw?!
“Selene?” Tanong ko.
“Oo, si Selene. Selene Kai. Kilala mo?” Tanong nito sa akin.
Napabangon ako bigla, “Eh anak nampucha kapatid ko ‘yun eh!”
Sunod din siyang bumangon at tumingin sa akin. Halatang gulat din siya.
“Ikaw ‘yung kapatid ni Selene? Wow, small world!” At natuwa ka pa?! Kung alam mo lang ang hiniling sa akin ng walang hiya mong bespren. “Masaya ako kasi nagtagpo na kayo. Sige ha, tatabihan ko na si Baby Zee.”
Tumayo na siya tapos lumipat na run sa kama ko. Muli siyang tumingin sa akin at sinabing…
“Mahal na mahal ko si Zico, Athena…” Ngumiti siya ng mapait at humiga na.
O tapos? Ano kaya kung sabihin kong mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal times infinity—ko si Colosseus! O ano?! Laban ka?! Suntukan na lang o! Tangina! Matutulog ka na nga lang sasabihin mo pa ‘yan sa akin?! GAGO KA BA?! Alam ko namang mahal mo ‘yun eh! Kaya ka nga bumalik with extra luggage pa! Shet!
Hindi na tuloy ako makatulog neto :3
Pero waitlalu! Tanginang ‘yan! Muntik ko ng kalimutan! Kung si Selene ang nakahanap kay Colosseus kaya napabalik niya si Yanna… wait! Paano niya nahanap?! I mean—oo maliit lang ang mundong earth pero… shet ‘di kaya gusto talagang sirain nung nag-evolve kong kapatid ‘yung lablayp ko?! Aba, oo masamang mambintang pero hindi ko talaga maiwasang isipin! Lintek na Selene ‘yun! Siya pala ang may dala ng delubyo sa buhay ko! >_____________<
//The Next Day | 7:30 AM | Café
So bago ako pumasok napagpasyahan kong makipagkita sa pokemon—este nag-evolve kong kapatid. Tumawag kasi siya sa akin, miss na raw niya ako—pero syempre isa ‘yung malaking JOKE dahil as if naman na mamimiss niya ako eh ayaw na ayaw niya nga rin daw sa akin! Hmmpf!
“Ano bang pina-plano mo?” Tanong ko sa kanya.
Mataray mode: ON!
“Pina-plano?” Pucha! Magmaang-maangan ka pa papasabugin kita rito!
“Paano mo nahanap si Colosseus, ha?!”
Humigop siya run sa kape niya at ngumisi sa akin. Punyeta!
“Oo nga pala, nakalimutan kong magpasalamat sa’yo. Nang dahil kasi sa’yo nahanap ko siya. Salamat, sis.” Ngumisi ulit siya.
Puta. Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang nagdala ng delubyo sa buhay ko! Sinundan siguro ako neto at hindi niya inaasahang mahahanap niya si Colosseus. Haaay… ang talino ko nga, nahuli naman! Anak ng pating!
“Bakit mo ba ginawa ‘yun, ha?!”
“Bakit? Masama bang tulungan ang best friend ko? Atyaka may anak sila—dapat lang silang magkita.”
Tama ka nga Selene. May anak sila, dapat silang magkita. Dapat maging sila.
Nanlumo ako. Napagtanto kong tama nga, siguro kailangan talagang magkasama ulit si Colosseus at si Yanna. Sila ang meant to be. Haaay… pati destiny tutol sa amin? Astig… psh.
“Hitting two birds with one stone.” Ngumisi siya ulit, “Natulungan ko si Yanna—nasira kita.”
“Nasira?!” Hindi makapaniwala kong tanong, “Hindi ko na nga tinanggap ‘yung sinasabi mong tatay tapos sisirain mo pa ako?! Ano bang kasalanan ko sa’yo?!”
“Kasalanan? Kasalanan mong mas minahal ka ni Daddy! Kasalanan mong mas mahal ka niya to the point na wala ng natira sa akin! I hate you, Athena. I hate you so much.” Sabi nito sa akin.
“Ulol! Kasalanan ko ba ‘yun?! Kasalanan ‘yun ng tatay mo, gagu! Tyaka ano bang alam ko, ha?! Wala naman akong ginawa para mas mahalin ako ng tatay mong ‘yan! Ni hindi ko nga siya nakasama eh! Anong kasalanan ko run?! Hoy Selene ha! Hindi ako nakikipag-bobohan dito!” Napatayo ako nang dahil sa inis.
Kokonti lang naman ang mga tao sa café na ‘to eh kaya wala akong pakialam kung magtinginan sila sa akin. Eh kung naiinggit sila eh ‘di makipagsigawan din sila! Eh kesyo gago ‘tong kaharap ko eh! Kapatid ko nga ang kitid naman ng utak! Di ko matanggap mga ‘teh!
Aalis na sana ako kaso ayun, pinigilan ulit ako… sawang-sawa na ako!!
“Ang akala ko, ikaw lang ang aagaw sa amin kay Daddy—pati pala ‘yang Nanay mo…”
Ang ayaw ko sa lahat ‘yung sinasali ‘yung nanay ko sa mga kung anu-anong walang kwentang usapan. Idamay niyo ng lahat, wag lang nanay ko.
Lumingon ako sa kanya.
“Sa susunod nga Selene huwag kang pumapasok sa usapang hindi mo naman talaga alam ang topic! Ano bang alam mo?! May iba ng mahal ang nanay ko! In fact, magpapakasal na nga sila ni Tito Sev eh! Kaya pwede ba, huwag mong aakusahan ng pang-aagaw ‘yung nanay ko!” Nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
“Eh anong tawag mo run?” Napatingin siya sa katapat na restaurant ng bintana ng café.
Tangina si Mama at ‘yung tatay ko raw! Pucha anong ginawa nila run?! Bakit… bakit may pahawak-hawak ng kamay?! Shet! Shet! Shet! Mama anong ginagawa mo?! Bakit mo hinahayaan ‘yan!
Kung pwede ko lang basagin ‘yung bintana sa café na ‘to kanina ko pa ginawa. Putangina.
“Hindi ako naniniwala!” Bulalas ko kay Selene at dali-dali akong lumabas ng café patungo sa restaurant kung nasaan si Mama at ‘yung tatay ko.
Agad akong pumasok dun na parang may sasalihang gyera. Sumugod ako sa table nila Mama at ‘yung tatay ko raw.
“Mama!” Sigaw ko.
“Athena…” –‘yung tatay ko raw.
“Shet naman eh! Akala ko ba kay Tito Sev ka! Boto na ‘ko run eh! Bakit may ganyan-ganyan na naman!” Sabi ko.
Agad na tumayo si Mama, “Huminahon ka nga!” Sabay hawak niya sa magkabilang balikat ko, “Hindi ako nangangaliwa, ogags! Nakikipag-usapan ako sa AMA mo para maayos namin ‘yung noon!”
“Eh iniwan nga tayo niyan tapos makikipag-ayus ka pa!”
“Hindi ATHENA, mali. Mali ang pinaniwalaan mo, mali ang mga sinabi ko sa’yo.”
Punyeta naman eh! Buong buhay ko ‘yun ang pinaniwalaan ko tapos sasabihin lang nilang mali?! Ano bang tama?! Gulong-gulo, litong-lito na ako! Hindi ko na alam kung anong dapat kung isiksik sa utak ko eh!
Pinaupo ako ni Mama at nagsimulang magsalita.
“Nasa arrange marriage si Evito nang magkakilala kami, ikakasal na sila nung babae noon ng iwanan niya ako, ako ang nakipaghiwalay dahil naduwag ako, naduwag ako at hindi ko naipaglaban ‘yung pagmamahalan namin—kaya nakipaghiwalay ako sa kanya, eh hindi ko naman alam na may anak na pala kami, na buntis ako nun. Eh huli na ang lahat, ikinasal na siya nung mismong araw na nalaman kong buntis ako.”
Naluha ako nang dahil sa sinabi ni Mama. Napahiya pa nga ako eh. Naging leon ako sa tatay ko kahit hindi naman pala totoo ‘yung mga alam ko. Hindi ako nakinig. Nagalit kasi ako. Pero bakit hindi sinabi ni Mama?!
“Hindi ka niya pinabayaan—bumalik siya nung isang taon ka pa lang, ang sabi niya iiwanan niya ‘yung pamilya niya pero tumanggi ako, ayokong maging kabit eh. Kaya pumayag na lang kami na ikaw na lang ‘yung suportahan niya.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ma?!”
“Utos niya…” Tumingin si Mama sa tatay ko.
He cleared his throat, “Ayokong hanapin mo ako Athena, ayokong malaman mong may iba akong asawa, pamilya. Ayokong madamay ka sa gulo ng pamilya ko. Ayokong magtagpo kayo ng asawa ko dahil sigurado akong sisirain ka niya, kayo ng Mama mo.”
Ako pa rin pala ang iniisip ni Papa. Ako pa rin pala talaga. Hindi niya ako pinabayaan. Prinotektahan niya lang ako. Kami ni Mama. Pero nagawa ko pa ring magalit sa kanya kahit hindi ko talaga alam ang totoo. Minura ko siya, sinumpa ko siya, lahat ng mali ginawa ko sa kanya pero ako pala talaga ‘yung mali. Sorry… Papa…
“Kaya sinabi ko sa’yong iniwan niya tayo. Hindi ko gustong magalit ka sa kanya pero ‘yun ang nangyari. Di ba sinabi ko sa’yo? Iniwan niya tayo, ‘yun lang! Hindi ko sinabing pinabayaan, Athena. Mahal ka ng ama mo.” Hinawakan ni Mama ‘yung kamay ko.
Mas lalo akong naiyak. Mali pala ako. Maling-mali.
Tumingin ako kay Papa, “Papa, I’m sorry…”
Umiyak ako ng umiyak sa bisig ni Papa. Ganito pala kasarap. Hindi ko lang talaga siya hinayaang gawin ‘to. Kasi nagbulag-bulagan ako. Kasi naging close minded ako. Nagpatanga ako. Sorry… Papa…
Promise, mas magiging mabait na ako =_______=
--Selene’s Pov--
Napatakip ako ng bibig upang hindi makawala ang mga maliliit na hikbi mula sa akin. Masaya ka na ba Daddy? Iiwanan mo na kami ni Mommy? Akala ko tuluyang masisira si Athena pero hindi, mali ako. Mas lalo silang nagkalapit ni Daddy. Mas lalong nagkaron ng dahilan si Daddy para iwanan kami ni Mommy. Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya. Bakit sila masaya? Di ba dapat kami ang masaya ni Mommy? Kami lang ‘di ba? Kami lang naman ang pamilya mo ‘di ba Daddy? Sa amin ka lang dapat masaya! Sa amin lang!
Hindi ko na kinaya, nasaktan na ako, naiyak. Umalis na ako sa restaurant na ‘yun at dumiretso sa condo na tinutuluyan ni Yanna. Siya na lang ang makakaintindi sa akin, siya na lang ang mapagsasabihan ko ng sama ng loob ko. Siya na lang…
Agad ko siyang niyakap nang makita ko siyang nakaupo sa sofa.
“Best, bakit?” Tanong niya sa akin.
“Masaya sila, Yanna! Masaya sila! Hindi naman dapat sila maging masaya ‘di ba? Kami lang nila Mommy ‘di ba?! Yanna, bakit ganun. Ako dapat ang nanakit pero bakit ako pa ‘yung nasasaktan?!”
Hinagod ni Yanna ang likod ko pero wala akong maramdamang kaginhawaan. Puro sakit, puro lungkot.
Gusto ko lang namang maging masaya kami ni Mommy—maging buo kami, mahalin kami ni Daddy ng parang kami lang ang tao sa buhay niya. Yun lang ang gusto ko, pero mukhang ngayon, mas mahihirapan na akong makuha ‘yun.
“Yanna, please. Gawin mo ang lahat para hindi maging masaya si Athena. Please, Yanna. Ikaw na lang ang meron ako. Ikaw na lang ang kakampi ko, ikaw na lang makakatulong sa akin. Yanna parang awa mo na, sa’yo si Zico ‘di ba? Huwag mong hahayaang mapunta siya kay Athena. Huwag mong hahayaang sumaya siya.” Pakiusap ko kay Yanna.
Tutulungan naman ako ni Yanna ‘di ba? Mahal niya ako. Best friend niya ako. Kaming dalawa na lang ang magtutulungan dito.
Pasensyahan na lang Athena, pero hindi ang kaligayahan mo ang makakapagpasaya sa akin kahit magkapatid pa tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro