Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -71: Hell No! }

{ TBUP –71: Hell No! }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Anak? Anak your face!” Sabi ko sa kanya sabay irap.

Oo, wala akong respeto. Oo, wala akong manners. Oo, masama ako. Oo, sobra-sobra ang galit ko. Alam kong lahat ‘yun. Alam kong siguro kung ikaw ‘yung nakatayo sa harapan ko’t sinabihan ko nun magagalit ka sa akin. Sisigawan mo ako. Sasampalin. Sasaktan. Pero ano bang magagawa ko? Punong-puno ng galit ‘yung puso ko. Siguro nga, kaya rin ako naging ganito –btch, palamura, mataray, hindi masipag sa pag-aaral, nanghuhula ng break-ups ng iba or in short walang kwenta –siguro naging ganito ako nang dahil sa lalakeng nasa harapan ko.

Oo, masamang manisi pero –sorry, nagawa ko na.

Sasakay na sana ako ng taxi nang bigla niyang hilain ang kamay ko.

Anak, kausapin mo naman ako.” Pakiusap niya sa akin.

Hangga’t maaari iniiwasan kong tumingin sa mata niya –bakit? Ayokong makita niyang mahina talaga ako. Ayokong makita niyang nagtatapang-tapangan lang ako. Dahil sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umiyak. Ang tagal-tagal ko ng gustong makita ‘yung tatay ko, ang tagal-tagal ko na siyang hinahanap, ang tagal-tagal ko ng nangungulila sa kanya. Inaamin ko, gusto kong magkaron ng isang katulad niya sa buhay ko. Pero sa tuwing naiisip ko ‘yung ginawa niya sa amin ni Mama? Sa tuwing naiisip kong iniwan niya kami, pinabayaan at hindi binalikan? Naiinis ako. Nagagalit ako. Kaya kahit gustong-gusto ko siyang makasama, kahit-gustong-gusto ko siyang makita –itatago ko na lang sa pamamagitan ng pagiging matapang.

Kausapin? What the heck! Iniwan mo kami ni Mama tapos hihilingin mo sa aking kausapin kita?! Well, WHO YOU?!

Binubuksan ko na ‘yung pinto nung taxi pero pinipigilan niya ako. Arrgh! Gusto ko ng umalis dito! GUSTO KO NG UMIYAK!

Patawarin mo ‘ko…

Patawad. Hah!” Tumingin ako sa kanya ng matalim, “Kung papatawarin kita ngayon, para ko na ring kinalimutang iniwan mo kami. Para ko na ring sinabing wala lang sa aking umalis ka tapos babalik-balik ka ngayon na parang wala lang nangyari. Waw, bago ‘yun ‘nu? Bagong kagaguhan?

Parang awa mo na! Makinig ka naman muna sa akin, anak! Please, sorry na! Kaya kong ipaliwanag lahat kung bakit ko kayo iniwan. Please—

Agad kong pinutol ang sasabihin niya.

Nangingilid na ‘yung luha ko eh. Sana hindi niya mapansin.

Alam mo? Matatanggap pa sana kita kung noon pa lang nagpakita ka na. Kung noon pa lang na bata pa ako, nagpakita ka na! Pero ngayon? Ngayon ka sa akin magpapaliwanag kung kailan may isip na ako? Kung kailan alam ko ng magalit sa’yo? Sana sinamantala mo ‘yung katangahan ko nung bata ako –pero hindi mo ginawa. Ngayon ka pa talaga nagpakita!

Galit na galit ako, oo. Pero hirap na hirap din akong itago ‘yung tunay kong nararamdaman. Tama pala silang lahat –kahit anong gawin ko, Ama ko pa rin siya. May puwang pa rin siya sa puso ko kahit ilang katarantaduhan ang gawin niya sa amin ni Mama.

Gusto ko siyang yakapin eh, pero ‘pag ginawa ko ‘yun, para ko na ring binaliwala ‘yung paghihirap namin ni Mama. Hindi, hindi pwede.

Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para makapagpaliwanag sa’yo! Parang awa mo na… anak.

Waw, anak. Ang sarap sanang pakinggan kung hindi lang sana siya nagpakagago. Kung hindi niya lang tinarantado ‘yung Mama ko. At oo nga pala! Hindi lang kami –pati sina Selene at ‘yung Mommy niya. Kita mo nga naman? Hitting two birds in one stone ang peg mo, ha PAPA?! Psh.

Anak? Waw. Sarap pakinggan ha! Pero ‘di bale na lang, kung ikaw lang ang tatawagin sa’kin nun, ‘di bale na lang. Ang gawin mo, asikasuhin mo na lang ‘yung kabilang pamilya mo. Sina Selene? Tutal, sila naman talaga ‘yung priority mo umpisa pa lang.

Hinablot ko na ‘yung kamay ko’t sumakay na sa taxi. At sa loob ng taxi na ‘yun, bigla na lang dumausdos ang mga luha ko. Hah! Bilib talaga ako sa mga luhang ‘to! Matapang din eh! Alam kung kailan papatak at kung kailan hindi dapat pumatak! Kaya mahal na mahal ko ‘yung sarili ko eh! Ang dyosa ko kasi!

Psh. Sige, ngiti lang Ericka. Di ba ang sabi ko hindi naman karapatdapat iyakan ‘yung taong ‘yun? Taena, walang kwenta eh.

Pinahid ko ‘yung mga luha ko at tumingin na lang sa bintana.

Sana… sana hindi na lang niya kami iniwan noon…

Nakarating ako sa bahay pero mukha namang wala si Mama rito? Biglang tumunog ‘yung cellphone ko at nagtext si Mama? Sabi niya may pupuntahan daw sila ni Tito Sev? Jusme. Magde-date na naman! Nako, paano kaya kung nagpakita sa kanya ‘yung oh-so-good-for-nothing kong Ama? Ano kayang magiging reaksyon nun? Well sana naman hindi maghiwalay si Mama at Tito Sev ‘nu! Botong-boto pa naman ako run para kay Mama… kahit… kahit magiging magkapatid kami ni Colosseus <////3

Ano ba ‘yan naalala ko na naman! Oh well, speaking of Colosseus… tangina! Ayun siya!

SUGURIN! xD

De joke lang. Galit pa sa akin eh. Pero yaan na! Kakapalan ko na lang mukha ko! Kailangang-kailangan ko talaga siya eh!

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Di bale ng mabara niya ang mahalaga mayakap ko siya. Punyemas kasi! Nakakamiss siya <//3 Tyaka hindi ko talaga kayang hindi siya pansinin! Kahit nagkasagutan pa kami nung isang araw eh hindi ko mapigilan eh! Mahal ko eh, anong magagawa ko?

Athena…

Shitness! Heaven na ‘to mga dre! Tangina nakakamiss ‘yang pagtawag niya sa akin ng Athena kahit ayaw na ayaw ko ‘yang pangalan na ‘yan! Pag siya ang tumawag sa akin niyang nangingiti ako eh!

Tapos bigla na lang umagos ‘yung luha ko. Pinipigilan ko ‘to kanina pa eh! Akala ko kasi magkakaharap kami ni Mama –‘yun pala hindi. Kaya ito na. Naiyak na ako ng bonggang-bongga. Napakapit na lang ako kay Colosseus habang umiiyak. Ang dami-dami nang nangyaring masakit sa akin ngayong week eh. Letche!

Shh. Stop…” Wika ni Colosseus.

Napangiti na lang ako. Sige lang. Magsalita ka lang. Kausapin mo lang ako. Namimiss ko eh.

I love you.” Sambit ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Aww! Magagalit na naman ba siya sa akin? Galit pa rin ba siya? Sasabihin niya bang ayaw na niya sa akin? <///3 Huwag naman sana. Huwag naman sana ngayon.

Hinawakan niya ‘yung magkabilang pisngi ko.

I thought I can stay mad at you but I can’t and I never did.” He kissed my temple and hugged me again.

Ngayon, tears of joy na ang nalabas sa mga mata ko. Salamat lang talaga. Salamat kasi andito si Colosseus. Siguro kung wala siya baka matagal na akong basag. Simula pa lang eh. Simula pa lang ng pagkikita namin, alam ko nang magiging mahalaga siya sa akin hindi ko lang talaga alam na ganito kahalaga. As in sobrang mahalaga. Puro away pa kami noon eh –pero tignan niyo naman kami ngayon. Shet nga eh, ang cliché.

Ngayon, ako naman ang kumalas sa yakap niya. Well, it’s time for me to play :3 xD

Nung nag-sorry ako sa’yo… hindi mo tinanggap.” Tapos nag-pout ako.

Tinignan ko siya pero… ano ‘to?! Pokerface lang?! No reaction at all?! Huhuhu T^T Sayang naman ‘yung pagpapa-cute ko. Bad trip! Hmpf >___<

Sige ka! Pag hindi mo tinanggap… ano… kwan… uhmmm…” Ano nga ba? “Ah! Babalik ako kay Psyche!

Tapos tumalikod na ako pero oh yes! Ito ang inaantay ko eh! Ginuyod niya ako tapos niyakap…

Hell no! You’re mine.

Awww :””> Backhug mga dre! Nakakamiss! Omegesh. May sparks na naman! Yung puso ko ayaw na namang magtino. Haay… ibang klase talaga! Si Colosseus lang nakakagawa nito eh. Nakakainis kasi ako ‘yung unang lumapit pero hindi ako nagsisisi. Syempre, magsisisi ka ba kung isang Colosseus Zico Zarte ang yayakap sa’yo? Tangina lang kung ganun!

Humarap ako sa kanya.

Tinatanggap mo na ‘yung sorry ko? Bati na tayo?” Tanong ko sa kanya.

As if I have a choice.

Tapos kasing bilis ng kidlat nang bigla niya akong hinalikan sa leps xD Fvcking sht. Ang saya! Para tuloy akong naka-drugs! Nasa cloud nine eh. HAHAHA! Basta. Ganun na ‘yun. Masaya ako. Sobrang saya ko po! Sabi ko naman sa inyo eh! Maayos namin ‘to! Kami pa! Tiwala lang kasi! Tiwala lang kasi mahal namin ang isa’t isa :)

Pramis ko! Magsasabi na ako ng totoo! Di na ‘ko magsisinungaling kina Mama! Tyaka… bukas! Bukas! Sasabihin ko na kina Mama na mahal na mahal kita!” Sabi ko sabay ngiti ng sobrang lawak. Para tuloy akong bata :3

Talaga?

Tumango ako. Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko na kina Mama at Tito Sev ang totoo. Nagawa na ni Colosseus ‘yung part niya para maipaglaban ‘yung relasyon namin eh turn ko naman ngayon. Hindi na ako matatakot. Kasi alam ko nang maiintindihan ni Mama. Mahal niya ‘ko ‘di ba? TIWALA LANG! :)

Sorry din kung marami akong nasabing mali.” Sabi naman ni Colosseus.

Okay lang. Naiintindihan ko naman eh. Ang importante, bati na tayo, baby ko.” Tapos ngumiti ulit ako.

Baby ko?” Nagtataka niyang tanong.

Ops! Huwag kang tatawa! Wala kang kiss mamaya sige!

He giggled, “It’s cute. Baby ko.” Tapos kiniss niya ako sa ilong. Kyaaaa >////<

Ay teka ang bading ko na! Shitness naman kase! Nakakabading eh! Ang sweet-sweet niya! Kinikilig ang buong pagkatao ko! Uwaaa~! Ngayon, iniisip ko, ilang tao kaya ang nainggit sa akin? MWHAHAHAHAHA >:))))))

Pumunta kami sa hideout naming xD Well, saan pa ba kundi run sa likod bahay nilang may garden na maganda? :”””> Ehe! Ang landi-landi ko pero keri lang! Sa kanya naman eh.

Umupo kami sa may swing. Magkahiwalay ‘yung swing pero magkahawak ‘yung kamay naming dalawa.

Nana…” Tawag niya sa akin. Napangiti naman ako ng bongga! “Baby ko…” Oh sht! Kung napangiti ako ng bongga run sa pagtawag niya sa akin ng “Nana” oh well, nangiti ako ng bonggang-bongga nang dahil sa tinawag niya sa akin ngayon! Uwaaa!

Napangiti akong nakatingin sa kanya.

Ang ganda mo.” Hutanghena! Yun lang pala sasabihin! Kahit naman aware na ako sa katotohanang ‘yan dahil DYOSA ako, bakit hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng wagas at kiligin ng parang wala ng bukas? Jusme! Iba talaga ‘pag mahal mo ‘yung nagsasabi ng mga ganyan ‘nu?

I love you…” Sabi niya sabay pisil sa kamay ko.

Anobey! Magwawala na ako! Colosseus naman eh! Baka mag-overload ‘yung puso ko sa kilig!

I love you Athena, –two divided by zero.”  Huh?

Anong two divided by zero? May assignment ba siya’t pinapasagutan niya sa akin? Anong ibig sabihin nun? Akala ko ba matalino siya sa Math eh bat pinapasagutan niya sa akin ‘yan eh alam naman niyang nangangamote ako sa subject na ‘yun? Ano ba ‘yun?! O_________O

Anong two divided by zero?” Confused kong tanong.

Umalis siya run sa swing tapos nag-squat siya sa harap ko. Alam niyo ‘yun? Yung parang upong batang natatae xD Lols. Basta ‘yun na!

Alam mo bang kahit anong number ang i-divide mo sa zero ang sagot ay infinity? Kaya, I love you Athena,” Kinuha niya ulit ‘yung kamay ko tapos pinag-intertwine ‘yung mga kamay naming dalawa, “infinity.” Tapos ngumiti siya :””> Awww~

Ayy teka! “Di ba sabi mo kahit anong number? Bakit two ang napili mo? Bat ayaw mo ng three? Four?” Tanong ko sa kanya.

Because there’s zero –there is no one who can divide the two of us.” Ngumiti ulit siya. KYAAAAAA! >//< Pwede bang maging fans club president ni Colosseus?! Pramis itataguyod ko! Shitness! Ang sweet niyaaaaaaaaa~!

Wala na! Namatay na ‘ko dahil sa kilig! Lels. De jk lang. Uwaaaaaa! Ang saya-saya ko! Todo-todo! Walang break, walang preno! K, nagiging korni na naman ako! Basta! Napapa-speechless na lang ako. Ang masasabi ko lang…

MAMATAY KAYO SA INGGIT! *belat*

--Selene’s Pov--

 

Aba. Akalain mo nga naman? Kahapon si Scarlet ang nakita ko ngayon naman… si Zico? Ang liit talaga ng mundo. Hindi ko inaasahang nandito lang pala ang matagal ng hinahanap ng bestfriend ko. Salamat kay Athena at sa pagsunod ko sa kanya natunton ko kung nasaan si Zico. At akalain mo nga naman ulit –may relasyon pa silang dalawa? Wow. Buti na lang bukas ang bintana nilang dalawa’t kitang-kita ko sila. Ang saya mo Athena ha? Hah!

Total, paborito naman ni Daddy ‘yang Athena na ‘yan, ano kaya kung pati siya sirain ko?

Masaya ‘yun.

Masisira ko na nga siya, matutulungan ko pa ang bestfriend ko.

Muling nanumbalik ang mapanuksong ngiti sa labi ko. Hinanap ko ang pangalan ng bestfriend ko sa phonebook ko at tinawagan iyon.

Nahanap ko na siya.”Sambit ko habang nakangiti.

Sabi ko naman sa inyo eh. I’m the new btch in town.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro