Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }

{ TBUP –7: May Crush Ako Kay Psyche? }

 

 

 

 

Ito na ata ang pinakamasayang araw sa tana ng buhay ko. Ang pinakahihintay ko, ang kasal namin ni Chron :)

 

 

Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si Athena Ericka Artemis bilang iyong kabiyak panghabang buhay?” Tanong ng Pari kay Chron.

Yes Father.” Nakangiting tugon ni Chron.

Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Chron Epiales bilang iyong kabiyak panghabang buhay?

Op—

ITIGIL ANG KASAL!” May isang lalakeng sumigaw mula sa pinakadulo ng aisle. Agad ko itong nilingon at lumantad sa akin si Psyche. “Athena! Di ba ako ‘yung mahal mo? DI BA?! SABIHIN MO!

WAAAAAAAAAAAAH!” Shet, panaginip lang pala. Pucha! Akala ko totoo na. Bangungot!!

Okay na eh! Ikakasal na ‘ko kay Chron eh. Bakit may Psyche pang kasama? Aish! Panira! Kahit panaginip lang ‘yun eh masaya pa rin naman kung hindi lang sana dumating ‘yung Psyche na ‘yun!

Oh, speaking of Psyche… ‘di ba binantayan niya ako kagabi rito? Saan na siya? Tsss, malamang umuwi na! May pasok kaya ngayon!

AY SHET! OO! MAY PASOK NGAYON! LATE NA NAMAN AKO!! >______<

Tinignan ko ‘yung wall clock ko na nakasabit sa wall namin, malamang? Wall clock nga ‘di ba? Kdot. 9:00 AM naa?! Paano ako makakapasok? Aish!

Babangon na sana ako nang makita ko ‘yung sticky note sa drawer ko. May nakasulat.

Wag ka nang pumasok, magpahinga ka na lang dyan. Ingat!” –Psyche.

Okay? Si Psyche ang nagsulat? Sus, itong Psyche na ‘to sobra nang nagiging mabait! Nagugustuhan ko tuloy siya.

Anong sinabi ko? Nagugustuhan? ERASE! Di ko siya magugustuhan, si Chron lang okay? Tyaka may deal pa kami eh. Tyaka, hindi ko siya type. Praaaaaaaaaamis!

Papasok na lang ako mamayang 12:00 noon. Half day lang :D

FAST FORWARD.

--12:30 noon.

Ayun, nasa school na ‘ko. Sigurado ako nasa canteen si Best Carmeen at kumakain, mapuntahan nga.

Pagkapasok ko sa canteen ay natanaw ko kaagad si Best habang umiinom ng juice. Pumunta ako sa lamesa niya at umupo roon.

Uyy best! Bat ‘di ka pumasok kanina? Di mo tuloy naabutan ‘yung announcement!” Sabi niya.

Medyo masakit kasi ‘yung ulo ko, pero okay naman na ako. Ano bang announcement ‘yan?” Tanong ko sa kanya.

School Fest po.

Ah. Saan ka in-assign?

Horror House po.” Ohh. Kdot.

Ako? Saan ako?” Sabay inom ko ng juice.

Tanungin mo si Psyche, siya ‘yung nag-ayos eh.” Wala pang ilang minuto ay naibuga ko ‘yung iniinom ko. Buti hindi sa mukha ni Carmeen xD

Agad na kumuha ng tissue si Carmeen, “Okay ka lang?

Oo.” Sigurado ako, kung nasaan si Chron nandun din ako. Si Psyche pa?! Kulang na nga ata sabihin niya sa aking pikutin ko ‘yung kapatid niya eh.

Alam mo Best, ang weird niyo ni Psyche.” Pagkasabi ni Carmeen nun eh biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet?

Anong weird? Baka siya lang.” Sheeet! Yung puso ko! May karerahan ng mga kabayo na nagaganap!

Kasi, alam mo ‘yun? Para kayong couples. At alam mo ba! Akala ng mga nasa campus kayo na ni Psyche, kaya sila naman ang nanghuhula ng break-up niyo!

BULLSHIT! Kami ni Psyche?! Couple?! Anak ng tinapa! Ni hindi nga ako nililigawan ng tao! Kung alam lang nilang lahat kung anong pinag-uusapan namin! Uso na talaga ang mga malisyosong tao sa mundo eh nu? Atyaka anong break-up? Eh hindi nga kami! Kaya mamuti sana ang mga mata nila sa kakaintay ng break-up na ‘yan! Ampucha!

Best, kayo ba?” Taee! Pati ba si Carmeen?!

GAGA! Si Chron lang mahal ko…

Alam ko, baka kasi ginagawa mong panakip butas ‘yung kapatid eh.

Carmeen?! Hindi ako ganun at alam mo ‘yan!

Tumayo na ako at handa ng lumabas sa canteen ng hilain ako ni Carmeen. “Sorry na. Akala ko kasi…

Tsss. Okay na, wag mo lang ulitin.

Pero wala ka ba talagang nararamdaman para kay Psyche? Kahit katiting lang?

Napaisip ako sa tanong ni Carmeen. Wala nga ba talaga? Eh bakit… palagi ko na siyang naiisip? With matching pagbilis at paglakas pa ng tibok ng puso ko? Ano ‘yun? Para saan ‘yun?

Ano kasee… wag kang maingay ha?” Nag-nod siya at inilapit sa akin ang mukha niya para mas lalo niyang marinig, “These past few days, palagi ko na siyang naiisip tapos… nagiging irregular ‘yung heartbeat ko na parang… parang…

Parang may nagkakarerahang mga kabayo? Lumalakas na lang bigla at parang nagwawala ‘yung puso mo?” Nag-nod na lang ako.

Napangiti nang malawak si Carmeen, “May crush ka kay Psyche!!

Ano? Ako? May crush? Kay Psyche?

Yup!” Tapos ngumiti ulit siya abot hanggang tenga. Anla? Problema nito?

May crush ako kay Psyche?” Nalilito ko paring tanong.

Anong crush?” Bigla na lang may sumulpot sa likuran ko at nagsalita, at! Kilala ko ‘yung boses niya :O

Nilingon ko siya kaagad at tama ang hinala ko. Si Psyche nga!

Ay pucha! Si Psyche? Narinig kaya niya? Sheeeeeeet!

Ha? Anong crush? Wala naman akong sinabing crush eh! Sabi ko rush! He-he.” Palusot ko. Tapos tinignan ko ng ‘wag-kang-maingay’ look si Carmeen.

Akala ko crush eh. Ehem, bakit ka pala pumasok? Di ba sabi ko sa’yo wag ka ng pumasok?” Tanong ni Psyche.

Gusto ko eh. Okay naman na ako. Tyaka bakit ba concern ka?” Ohhh, anong tinanong ko?

Wala lang. Ayokong mawala ‘yung alas ko.” Tapos nag-smirk siya at inakbayan ako. Si Carmeen naman mukhang butiking kinikilig. Batuhin ko kaya ‘to ng baso?!

Tinanggal ko ‘yung pagkakaakbay niya sa akin, “Saan mo ‘ko nilagay sa School Fest?” Agad kong tanong.

Marriage booth.” Nakangiti niyang sagot. Tapos binulungan niya ako, “Kasama si Chron.” Tapos kumindat siya.

*lub.dub.lub.dub*

What was that?! Puso ko? Sheeet! Bakit parang ang bilis na naman? Bakit?! Ano ba talaga ‘to?

E-eh. Saan ka naman?” Tanong ko.

Sa Horror House, ‘di ba Carmeen?” Tapos nag-nod si Carmeen.

May plano ka na naman?” –Ako.

Syempre naman. Galingan mo na ha? Bye!” Tapos hinalikan niya ako sa cheeks.

*lub.dub.lub.dub*

PUCHA >_____< Kailangan ko na atang magpa-comfine dahil mukha atang may heart failure na ako!

Atyaka ito pa ang mas nakakapagtaka! Bakit parang ayaw ko nang gawin? Bakit parang ayaw ko nang makasama si Chron dun sa School Fest? Bakit parang… gusto ko na lang eh pumwesto sa tabi ni Psyche.

WAAAAH! Anong nangyayari sa akin?! Di ba loyal ako kay Chron!? Di ba? :|

***

So ito, free cut sa unang subject namin sa hapon. Kaya bored ako. Tinitignan ko si Chron pero palihim, nagtetext kasi siya. As usual, katext niya ‘yung girlfriend niyang mukhang anghel. Hmmmpf! Nakakaasar! Yung babaeng ‘yun anlakas sa swerte! Nakuha na nga si Chron tapos na-head over heals pa sa kanya si Psyche!

Habang tinitignan ko si Chron eh bigla na lang akong hinila patayo ni Psyche.

Oh bakit?” Naguguluhang tanong ko.

Escape tayo.” Sagot ni Psyche.

Nanlaki ‘yung mata ko, bakit naman kaya ako yayayaing mag-escape nito?

May quiz tayo sa Chemistry shunga!” Sabi ko.

Wala si Ma’am. May sakit. Halika na!” Tapos hinila na lang niya ako papalabas ng room.

Pero bago kami umalis eh nakita ko si Chron, ansama ng tingin. Nagseselos kaya? Ohh, ang assuming ko T_____T

Nakalabas na kami ng school ng walang kahirap-hirap. Di tulad noong nag-escape kami ni Carmeen na kailangan pa ng drama, si Psyche kinausap lang ‘yung guard tapos pinalabas na kaagad. Ang lakas!

Pagkalabas namin ay sumakay na kaagad kami sa kotse niya. Owkay, so ang weird ng atmosphere?

Anong sinabi mo run sa guard?” Tanong ko sa kanya.

Sabi ko, masakit ‘yung ulo ng girlfriend ko.

*lub.dub.lub.dub*

What?! Girlfriend? Girlfriend? That’s… bullshit! Pero bakit bumalik na naman ‘yung feeling na paglakas ng tibok ng puso ko? Ano ba! Ang weird-weird ko na :|

Huuy! Nakakita ka ng multo? Tulala ka?” Tanong ni Psyche.

Hindi. Wala. Kamusta na pala kayo ni Selene?

Wala. Ganun pa rin, friends. Umaasa pa rin na maghiwalay sila ni Chron.

Oh. Saan pala tayo pupunta?

Iuuwi na kita. Mamaya mabinat ka pa. Tyaka ayokong um-absent ka na naman bukas. Plan B na ‘yun eh.

Uuwi? Okay.” Napa-okay na lang ako. Wala rin naman akong magawa run sa school.

Ilang minute pa eh nakarating na rin kami sa bahay. Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Pinapasok ko rin siya, di naman ako bastos xD

Salamat pala.” Sabi ko.

No problem.” Tapos ngumiti lang siya.

Ang gwapo pala niya? Di niya kamukha si Chron eh nu? Mas pogi kasi si Chron. HAHAHAHA! :))))))))

Stop staring at me!” Saway niya sa akin. Oh? Nakatingin pala ako sa kanya. Aish, kakahiya >_<

Ah sorry.” Tapos nayuko na lang ako. Oh my gaaahd! What’s happening to me? Nahihiya ako?! Ako? Na isang bitch? Shit!

--Psyche’s Pov—

 

 

Iniuwi ko na si Athena sa bahay nila. Ayoko naman kasing hindi siya makapasok bukas nu! Mamaya mabinat siya at hindi ko na naman maituloy ‘yung Plan B ko. Maiinis na ako niyan syempre!

Pero bago pa kami makaalis ng school eh ang weird na nang pakiramdam ko kay Athena. Nagsimula ito kagabi. Bago kasi ako umalis sa bahay nila eh pinagmasdan ko pa siya, pero sandal lang ‘yun ha! 2 hours lang naman. He-he xD Pero wala na akong ibang ginawa! Yun lang! Pramis.

Eh kasi, ang ganda niya? Oo, ang ganda-ganda niya. Tapos kanina nung makita ko siya sa canteen eh parang tumalon sa saya ‘yung puso ko. Ewan, kahit sinabi ko na run sa sticky note na wag siyang pumasok eh inaasahan ko pa rin na papasok siya, at ‘yun nga ang ginawa niya. Matigas kasi ang ulo nun.

Anong gusto mo? Juice?” Tanong niya.

Tubig lang.” Sagot ko.

Tapos nagtungo siya sa kitchen.

Kanina rin, sa classroom. Nakita ko siyang tinititigan si Chron. Ewan pero feeling ko naiinis ako. Parang gusto kong ibalibag si Chron at itapon sa Pasig River. Pero naisip ko, ‘di ba ito naman ang gusto ko? Ang magkabalikan si Chron at Athena tapos kami ni Selene? Pero bakit parang ayaw ko na?

Aish, ano bang iniisip ko? Siguro nga nagagandahan lang ako kay Athena. Crush maybe? Shit! I’m so gay >_____<

Tubig mo.” Tapos binigay niya sa akin ‘yung isang baso ng tubig.

Umupo siya sa isang couch at nagtext. Naka-ponytail siya, kitang-kita ‘yung maganda niyang mukha tapos ‘yung mga mata niya, ‘yung matangos niyang ilong at ‘yung mapupula niyang mga labi.

Oh shit! Examining my brother’s ex-girlfriend? What am I thinking?

Stop staring at me!” Saway niya. Teka, linya ko ‘yan ah?!

Ah. Sorry.” Nagpalit ata kami ng linya? Aish. Ano ba ‘to?

Di ka pa aalis?” Tanong niya.

Tss. Oo na, aalis na ako.” Hindi ko rin naman kasi kayang nandito ako eh. Baka mamaya malaman ko na lang sa sarili ko na gusto ko na siya. Paano na si Selene?

Tumayo ako sa at pumunta sa pinto. Pinihit ko ‘yung doorknob.  Nakalabas na ako ng bahay nila nang parang naramdaman ko na parang may naiwan ako sa loob.

Tinignan ko si Athena na nakatayo at hinihintay na makalabas ako ng gate niya. Nilakihan ko ‘yung hakbang ko at…

Hinalikan ko siya sa cheeks. So ayun pala ang naiwan ko?

Hoy! Ilang beses na ‘yun ah. Bat ba halik ka ng halik sa pisngi?!” Naiinis na tanong nito.

Wala lang, gusto ko lang.” Tapos ngitian ko siya at nag-wave sa kanya.

Pinaandar ko na ‘yung kotse at umalis na. Habang nagdra-drive ako ay mukha akong asong ulol na nakangiti. Pucha. Ano ba ‘to?! Makapunta nga sa Hope Academy at mabisita si Selene :3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro