Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -69: Long Lost Sister }

{ TBUP –69: Long Lost Sister }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Halos isang oras na akong nakatayo sa tapat ng pinto ni Colosseus. Eff naman eh! Alam niyo bang kagabi pa hindi kumakain ‘yan?! Hindi pa nga raw siya lumalabas ng kwarto niya eh! Taena nga baka kung ano nang nangyari sa kanya! Nakakainis! Nakakakonsensya! Nakakalungkot! Nakakamiss siya :3

Kanina pa ako katok ng katok dito. Dala-dala ko kasi ‘yung breakfast niya pero hindi naman niya binubuksan ‘yung pinto! Aish! Malamang galit ‘yun sa akin nang dahil sa ginawa ko. Kung hindi naman kasi ako tanga. O ayan ha? Inamin ko ng tanga ako! Isa akong malaking T-A-N-G-A! Pakawalan daw ba si Colosseus? Huhuhu T^T Sorry naman! Naging impulsive ako! Sorry kung hindi ako nag-isip kaagad. Nakakainis!

Kumatok ulit ako sa kwarto ni Colosseus.

Uyyy~ ” Tawag ko.

Tapos biglang bumukas ‘yung pinto niya! OYES! Tagumpay! Nyehehehe :3 Shit ang pogi pa rin niya!

Gustong-gusto ko siyang yakapin pero alam niyo naman, may away pa kami =__________=

Colo—

Bigla niya akong hinila sa loob ng kwarto niya tapos ni-lock ‘yung pinto! Shit, namimiss ko talaga ‘tong mga ganitong kaganapan sa pagitan naming dalawa! Huhuhu T^T Sana mapatawad na niya ako!

Nakatingin lang siya sa akin. Yung mata niya kasing lamig pa rin ng ice. Aish! Nakakamiss kaya ‘yung mga sweet lines niya! Nakakainis!

Sorry…” Sambit ko sabay yuko.

Napangisi siya.

It’s easy to say you’re sorry, but you know what’s the hardest?” Cold niyang tanong, “The fact that you can’t repair the damage that you’ve left.

Oo nga naman. Tama naman si Colosseus. Pero maayos pa naman namin ‘to ‘di ba? Mahal ko pa rin naman siya, ganun din siya sa akin. Pwede pa rin naman kami… kahit patago <///3

Hindi ko makatingin sa mga mata niya –bumalik ata ‘yung takot ko sa mga matang ‘yan. Yung mga matang kasing lamig ng yelo. Yung mga matang nagsasabi sa aking, “ayoko sa’yo.”

Sorry. Sorry kung… hindi ako nag-isip bago ako nag-desisyon. Sorr—

Duwag ka.

Agad kong naiangat ‘yung ulo ko’t napatingin sa kanya. Kulang na lang bumulagta ako rito nang dahil sa mga tingin niya eh. Shit, nagsisisi naman na ako ah!

Duwag kang ipaglaban ako –tayo.” Pagpapatuloy niya.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Oo, siguro nga hindi ako nag-isip kaagad bago ako nagdesisyon noon, pero masisisi ba niya ako?! Tanging iniisip ko lang noon ay si Mama! Di ba ganun din siya noon?! Di ba ganun din ‘yung iniisip niya nung mga panahong gumagawa siya ng mga paraan para hindi matuloy ‘yung kasal ng Daddy niya?! Di ba sarili niya ring ina ‘yung dahilan ng lahat ng ‘yun?! Pareho lang kami eh! Pareho lang kaming duwag dito nang dahil sa mahal namin ‘yung ina namin!

Kung duwag ako, bakit ko pa rin piniling mahalin ka kahit alam kong sa huli masasaktan lang ako? Tamang tapang lang ang meron ako kaya nagawa kong mahalin ka.

Alam ko naman noon pa na hindi kami pwede. Na forbidden ‘yung magiging relasyon namin, pero anong ginawa ko? Tinanggap ko pa rin siya kasi mahal ko rin siya! Ngayon, sabihin niyo –duwag pa rin ba ako sa lagay na ‘yun?

Hindi ako kagaya mo, hindi ko kayang sirain ‘yung nagpapasaya sa akin. Hindi ko kayang saktan si Mama.” Pahayag ko.

Paano naman ‘yung sarili mong kasiyahan?

Si Mama ang nagpapasaya sa akin. Kung malulungkot siya nang dahil sa akin, ang pinakamasasaktan sa aming dalawa ay ako.

Sino ba namang anak ang gustong masaktan ang sarili nitong ina? Di ba wala? Yun lang naman ang kasalanan ko eh, masyado kong inisip si Mama nung mga panahon na ‘yun. Masyado akong nag-alala sa mararamdaman niya. Kasi nga mahal ko siya. Ayoko siyang masaktan dahil alam kong kapag nasaktan siya –mas masasaktan ako.

Ako? Hindi ba ako isa sa mga nagpapasaya sa’yo kaya madali lang para sa’yong saktan ako?

Akala ko matapang ako. Akala ko pagkatapos kong umiyak tapos na ang lahat, bakit ngayon umaagos na naman ‘yung luha ko? Bakit pagdating kina Mama at Colosseus ang babaw ng luha ko? Bakit nawawala ‘yung pagiging bitch ko? Yung pagiging leon ko? Yung pagiging matapang ko? Feeling ko tuloy, hindi ako si Ericka eh.

Pinahid ko ‘yung luha ko, “Sa inyong dalawa ni Mama, mas pipiliin kong saktan ka.

Muli siyang napangisi, “That means… you really don’t love me. Because no one can ever hurt the person they love, instead the love is fake.

Fake?! Fake pa bang matatawag ‘yun?! Tangina naman eh! Kung peke ‘yung pagmamahal ko sa kanya –BAKIT KO PA SIYANG NILANDI-LANDI?! BAKIT PA ‘KO SUMUGAL MAKIPAGRELASYON SA KANYA KUNG PEKE ‘YUN?! Kung peke ‘yung pagmamahal na ‘yun, BAKIT NANDITO PA RIN AKO SA HARAPAN NIYA’T NAGSO-SORRY?! Putanginang ‘yan! Ngayon niya sabihing peke ‘tong nararamdaman ko para sa kanya!

So anong gusto mong gawin ko?! Piliin kita?! Ipaglaban kita?! Sirain ko ‘yung relasyon nila Mama at Tito Sev?! SAKTAN KO ‘YUNG MAMA KO?! Yun ba ‘yung gusto mong gawin ko?!” Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Punong-puno na ako. Hirap na hirap na ako.

Hindi ko sinabing gawin mo ‘yun. Hindi ko sinabing piliin mo ako, just atleast… tell them the truth.

Napailing ako at tumalikod na. Ayoko na. Hindi ko isusuko si Colosseus pero siguro magpapalamig muna ako. Huwag muna ngayon. Masyado pang fresh ‘yung sugat nung nangyari kahapon. Galit pa siya eh, nasasaktan pa rin ako. Hindi pa nga siguro ito ‘yung tamang panahon para mag-usap kami. Para magkaayos kami. Siguro, hahayaan ko muna siyang ayusin ‘yung sarili niya –at kung mahal pa rin niya ako pagkatapos nun, eh ‘di go. Tyaka na namin pro-problemahin sina Mama at Tito Sev –nang magkasama ulit.

Handa na akong lumabas ng kwarto niya nang bigla ulit siyang magsalita…

Tatalikod ka ulit? Tatakas ka ulit? Tss… dyan ka naman magaling eh… sa pang-iiwan sa akin sa ere.

Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagpahid ko ng luha sa pisngi ko.

Pasensya ka na ha? I’m sorry pero hindi ko kayang maging selfish… katulad mo.

Lumabas na ako sa kwarto niya. Magpapalamig muna ako. Hahayaan ko muna siya. Mas makakabuti muna siguro ‘yun para sa aming dalawa.

--Zico’s Pov--

 

Pasensya ka na ha? I’m sorry pero hindi ko kayang maging selfish… katulad mo.

 

 

Psh. Siguro nga. Siguro nga selfish ako. Naging selfish ako noon, but this is the first time that I didn’t care for my self. Ito ang unang beses na nag-stand out ako para sa iba –para kay Athena.

Sinabi ko sa harap nila Daddy at Tita Stella na mahal namin ang isa’t isa para hindi na mahirapan pang maglihim si Athena sa kanila.  Sabi ko naman sa kanila eh –hindi ko hinihingi ‘yung cancelation. Gusto ko lang maging official kami. Yun lang naman. Pero iba ang nangyari eh –si Athena rin, imbes na maniwala sa akin, imbes na magtiwala –haist!

Hindi naman ako galit sa kanya. Ayokong magalit sa kanya –hindi ko kaya. Pero ewan ko, hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Mas lalo ko lang naaalalang iniwan niya ako sa ere.

Pero syempre… anong magagawa ko? Mahal ko pa rin siya. Ipaglaban man niya ako o hindi.

--Ericka’s Pov--

 

Napaupo na lang ako sa kama ko. Hinilot-hilot ko ‘yung ulo ko nang biglang tumunog ‘yung cellphone ko. Tinignan ko ‘yung pangalan pero unregistered number naman? Sino naman ‘to?

Sabi nila don’t talk to strangers daw, eh pano ‘yan nacu-curious ako?

Pinindot ko ‘yung “accept”.

Hello?” Sabi ko~

(“Hi Athena.”)

ATHENA?! What the heck! Ang lakas naman ng loob nitong tawagin akong Athena! Gagu ‘to ah! Sino bang hinayupak ‘to at kung makatawag ng Athena eh akala naman niya close na close kame!

Hoy! Sino ka ba’t tinatawag-tawag mo ‘kong Athena?!” Pagalit kong tanong.

(“Relax… it’s me. Selene. Your long lost sister.”)

SELENE?! LONG LOST SISTER?! ANO NA NAMAN BANG KAGAGUHAN ‘TO?!

Hoy! Ano bang sinasabi mo?! Selene ka dyan! Eh nasa Japan ‘yun!

(“Seems so nonsense, right? But don’t worry. I’ll explain it to you later. See me at the asdfghjkl café.”)

Ano bang—

(“Take care. See you there, my long lost sister.”)

 

 

*TOOT TOOT TOOT*

 

 

Fvck! Ano bang kagaguhan ‘to?! Anong long lost sister?! What the heck! Ayoko maniwala pero feeling ko kailangan ko talagang puntahan ‘yung Selene. Nacu-curious ako! Pakingshet!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro