{ TBUP -64: Forbidden }
{ TBUP –64: Forbidden }
--Ericka’s Pov--
Hindi ako makatulog :3
Ikot doon, ikot dito. Talukbong doon, talukbong dito.
Aughh! Ano bang klaseng buhay ‘to! Bakit kasi sa lahat na lang ng sasabihin ng magiging kapatid ko ‘yun pang bagay na kinatatakutan ko?! Eh kasi naman! Yun na nga ‘di ba? Magiging magkapatid kami tapos parang ang pangit naman na magiging mag-boypren, gerlpren pa kami. Parang errr lang. Eh basta! Ayoko! Hindi pwede!
Kahapon nga eh, nung sinabi niyang mahal niya ako –sheeeeet! Naalala ko na naman!! Naalala ko na namang ang gwapo-gwapo niya habang sinasabi niya ‘yun! Naalala ko na namang kinilig ako nung sinabi niya ‘yun! Kyaaaaaaaaa~! Bakit kasi…
BAKIT KASI MAGIGING KAPATID KO SIYA?!
Oo natatakot ako na magkainlaban kaming dalawa pero… hindi naman ganun kasama ‘yun ‘di ba? Siguro kung hindi lang talaga kami magiging magkapatid baka sinagot ko na siya! Pero hindi pwede eh! KASI NGA PYUTYUR KAFATED KO SIYA!
Teka, balik tayo run sa sinabi niyang mahal niya ako –alam niyo bang tinakbuhan ko siya nun? Alam niyo bang nag-run devil run ang peg ko nang sinabi niya ‘yun? As in talagang hindi ako nagpakita sa kanya kahit naghintay siya sa labas ng building namin nung dismissal. Ewan ba. Natatakot ako sa kanya eh :3 Mamaya bigla niya na lang sinabi kay Mama! Tapos ayun na –BOOM! Masisira na lahat-lahat.
Yun lang naman ang kinakatakot ko eh –ang magparaya para sa akin si Mama. Ayokong maging malungkot siya nang dahil sa akin. Kaya hanggang maari iniiwasan ko si Colosseus, hanggang maaari iniiwasan kong mapamahal sa kanya.
Pero ngayon, mukhang mas mahihirapan pa akong gawin ‘yun.
Aish! Bakit kasi ako pa ha Colosseus?! Dati naman ayaw mo sa akin! Dati naman inis na inis ka sa pagmumukha ko! Dati naman kulang na lang sapakin mo ‘ko dahil sa inis mo! Pero bakit ngayon?! Bakit bigla na lang nagbago?!
Psh. Makaarte naman ako parang ayaw na ayaw ko talaga kay Colosseus eh kilig na kilig naman talaga ako. Pero… gusto ko ba talaga si Colosseus? Medyo clouded pa rin kasi ‘yung utak ko. Hindi pa ako makapag-isip ng matino. Uwaaa!
Ah alam ko na! Iinom na lang ako chocolate milk para makatulog ako! Beri epektib pa naman ‘yun. Mwehehehe :3
So lumabas ako nang kwarto ko. Hephephep! NINJA MODE: ON! Silip-silip din baka nandito si Colosseus ngay! Ayoko pa siyang makita eh. Ayoko pa siyang makausap! Di pa ako ready eh! Hindi ko pa alam gagawin ko =______=
Oh yes! No signs of pyutyur kafated! So dumiretso ako sa kusina para uminom ng chocolate milk. Timpla-timpla rin! Yiheeee~! Epektib talaga ‘tong pampatulog para sa akin! Higop-higop din! Sa—
“Athena…”
“AYY MASARAP KA!” Shet! Napaso tuloy ‘yung dila ko :3
Bakit kasi bigla na lang susulpot ‘yang Colosseus na ‘yan?! Ayy punyetik! Uwaaa! Anong gagawin ko! Baka kulitin na naman niya ako!!
Ayy shet papalapit na siya! Omegesh! What to do! What to do!!
“Iniiwasan mo ba ako?” Tanong niya sa akin.
Tengene! Bakit ang gwapo niya?! :””> Walang hiya hindi ko kayang magpigil ng kalandian! Umayos ka Ericka! DYOSA KA! At ang dyosa, hindi nagpa-panic! Compose yourself! Stand straight! Chin up! Face the enemy!
–OH FVCK! THE ENEMY IS SO POGEEEE~!
“A-Ano… h-hindi ah! B-Bat naman kita iiwasan?” Sheeeeeet! “Hehe.”
“Siguro naguguluhan ka pa rin.” Wika niya.
Talaga! Bakit kasi bigla-bigla mo na lang sasabihing mahal mo ‘ko! Buti sana kung may ‘joke’ na kasama kaso wala! Anak ng lenggwa! >_____<
“Ano… totoo ba talaga ‘yung sinabi mo kanina?” Tanong ko sa kanya.
“Oo. Mukha ba akong nagloloko? Yung pagsasabi ba ng ‘mahal kita’ eh joke para sa’yo?”
Okay! Ikaw na! Ikaw na magaling! Parang nagtanong lang eh =_______= Hindi lang naman kasi talaga ako makapaniwalang mahal talaga ako ng isang Colosseus Zico Zarte. Nakakakilig –I mean, nakakainis!
“Sige, hindi na lang kita mamadaliin.”
Tapos mas lumapit pa siya sa akin. Tangina sobrang lapit naman na nito Colosseus! Grabihan damang-dama na kita eh! At uwaaaaaaa! Hawakan daw ba ang magkabilang pisngi ko?! Ay shet, shet, shet! Yung puso ko! Tangina nakaka-OA pero masisisi niyo ba ako kung tuloy-tuloy ang pagsu-superbass ng puso ko?!
“Basta kapag mahal mo na ‘ko, sabihin mo kaagad sa akin.” Tapos hinalikan niya ‘yung noo ko. Tapos umalis na siya. Shet!
FVCK!! Colosseus naman eh! Bakit ganito ang dinudulot mo sa akin?! BAKEEEEEEEEEEET?!
Colosseus…
Oo naman eh.
Mahal naman talaga kita.
Natatakot lang akong magparaya si Mama.
//The Next Day | East Velvet University | 8:07 AM.
--Zico’s Pov--
Hindi pa rin sumabay si Athena sa pagpasok. Talaga bang iiwasan niya ako? Talaga bang papahirapan niya ako?
Talaga bang ayaw niya sa akin?
Damn! Para tuloy akong nagsisisi sa pagsabi sa kanyang mahal ko siya. Parang mas maganda pa nung nag-iiwasan kaming dalawa. Nung hindi pa ako malapit sa kanya. Nung naiinis pa ako sa kanya.
But at least, she knows.
I shighed as I entered our building. And great, there is Psyche standing in front of me again. Is he gonna ask me again for a bet? Psh, so lame.
“You know it’s forbidden.” He started.
Forbidden what?
“I really don’t know what you’re talking about. Get out of my way.” I said.
“Hindi naman kayo pwede ‘di ba? Magiging magkapatid kayo.”
Yun pala. So her ex-boyfriend’s bitter about her? So lame. So damn lame.
“And so? At least I can still love her.”
At nilagpasan ko na siya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Wala rin namang kwenta eh. Hindi na niya mababawi si Athena. Kahit hindi pa sumasagot si Athena sa confession ko, I’m declaring her as mine. End of story.
Oh speaking of there she is! Ano kayang ginagawa niya rito sa building namin? My heart leaped because of joy when I saw her. Damn, siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Yes it’s cliché but, seriously, she’s the most beautiful girl I’ve ever seen lalo na kapag nagtataray siya. Ewan ko ba. Sabi nila maganda ang babae kapag nakangiti but this girl, man! Mas maganda siya kapag nagtataray! I swear! Paano pa kaya ‘pag ngumiti na siya?
She’s right. She’s a goddess.
Tumakbo ako papalapit sa kanya then I hugged her from the back. I really love the scent of her hair and it’s driving me insane!
“U-Uyy! P-Pinapabigay lang ni Mama ‘tong libro mo. Nakalimutan mo kasi.” Sabi niya sa akin but I continue to hug her from behind.
Wala akong pakialam sa mga tumitingin. Wala akong pakialam sa mga magsasabi ng PDA, I just love hugging my girl. Yes, she’s my girl. She’s mine.
Sana lang talaga, mahal niya rin ako.
“Athena, I can no longer wait for your answer. From now on, I am declaring you as my girl. You’re mine now, got it? So please, don’t drift away from me. If I know it’ll turn out this way, I’d rather continue being cold to you but I can’t and I didn’t. I risked it all to say that I love you. So please… don’t go far away from me.”
Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Basta ko na lang naramdaman na gusto ko siyang makasama, na gusto ko siyang mayakap. I want her all by my self. I love every inch of her.
Kahit magiging magkapatid pa kami –wala akong pakialam. Forbidden? Kailan pa naging forbidden ang magmahal?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro