{ TBUP -62: Design }
{ TBUP –62: Design }
--Ericka’s Pov--
“May gusto ka ba kay Zico?” Tanong ni Mama sa akin.
Ano raw? Ako? May gusto? Kay Zico? Kay Colosseus? Talaga bang dinibdib ni Mama ‘yung tanong ko?! Waw lang ha! Tanong nga lang ‘yun eh! Ang linaw ng pagkakasabi ko!! Tanong lang ‘yun! Buti sana kung sinabi kong, ‘Uy Mama inlab ako kay Colosseus.’ Pero hindi eh! TANONG LANG KASI ‘YUN!!
Bakit ba hindi maka-get over si Mama at talagang itinanong pa niya sa akin ‘yan! Kagaguhan naman eh!
“WALA AH!!” Sagot ko.
Alangan naman na sabihin kong meron eh wala naman talaga?
Weh? Wala nga ba talaga?
Ay sht. Ano ‘yun? Konsensya ko ba ‘yun?! Tangina ha! Pero ewan ko! Ang alam ko, wala talaga! Atyaka magiging magkapatid na kami! Paano ko kaya magugustuhan ang isang taong alam kong magiging kapamilya ko na?! Like duuh! MAMA NAMAN EH! Hindi makaintindi ng tanong >______<
“Sigurado?”
Aish!! Napupuno na ako! Sinabi ko na ngang wala eh! Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala si Mama na wala talaga akong gusto kay Colosseus?! Mag-boypren ako ng iba?! Well then, fine with me! Pero syempre hahanap muna ako ng matino ‘nu! Langya nemen eh!
“Mama kasi huwag mong dibdibin ‘yung tinanong ko sa’yo! Tanong lang ‘yun at hindi ko sinabing totoo!” Sabi ko.
Tyaka kung totoo man, kung sakali na may gusto nga ako kay Colosseus, hay nako, sa tingin niyo sasabihin ko kay Mama?! Ano ako epal? Tanga? Psh! Ayokong saktan si Mama! Ayokong umepal sa labtim nila ni Tito Sev! Ayokong kapag sinabi kong meron nga (kung sakali) eh magparaya siya para sa akin. Ayokong isakripisyo niya ‘yung sarili niyang kaligayahan para lang sa akin! Kasi kung meron mang mas deserve sumaya rito, si Mama ‘yun at wala ng iba!
“Okay,” napabuntong-hininga si Mama, “akala ko kasi…”
Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Hinagod ko ‘yung likuran niya.
“Mama, alam mo kasi, mataas ang standards ko sa mga lalake! Si Colosseus?! Ayna! Hindi ata pasado ‘yun sa akin eh! Bukod sa masungit na ang bipolar pa! Mama naman! Sa tingin niyo ba gugustuhin kong magkagusto sa mga ganung klase ng tao?” Sabi ko kay Mama.
“Eh kasi naman. Malay ko ba kung gusto mo na pala siya. Eh alam mo namang magiging kapatid mo na ‘yun.” Pahayag ni Mama.
“Alam ko ‘yun Ma. Hindi ko ‘yun kakalimutan.”
So ayun, ayus na kami ni Mama. Haaay! Muntik na kaming mag-away nang dahil lang sa walang kwentang tanong na ‘yun. Langhiya sabi ko na nga ba dapat hindi ko na lang tinanong eh! Nonsense naman tapos pinakaba pa si Mama! Putek lang ang boba ko kasi! Aiiish!
Lumabas ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko, ayun, nakita ko na naman ang gwapong-gwapo kong pyutyur kafated na pinaghinalaan ni Mama na bago kong lablayp.
Shet lang, gwapo niya :””>
Feeling ko tuloy, kumakabog ulit ‘yung dibdib ko. Nagsu-superbass ulit. Ang lakas, ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko si Colosseus. Feeling ko… feeling ko mawawalan ako ng hininga.
So ayun, nagkatinginan lang kami. Yung tingin niya, cold ulit. Psh, titigan competition ba itey?! HAHAHAHA!
Pero wait lungs! Ayoko namang mag-alala ulit si Mama. Siguro… kailangan ako ‘yung dumestansya kay pyutyur kafated para hindi naman na maghinala ‘yung Madaraka ko. Ayokong isipin ulit ni Mama na pinagpapantasyahan ko ng bonggang-bongga ang magiging kapatid ko. Kaya siguro… ako muna ‘yung magiging ‘cold’ sa kanya.
Tama, ganun na lang.
Haaay, wala naman talaga akong gusto sa kanya ‘di ba?
***
//The next day | East Velvet University | 8:16 AM.
Nakakasawa pa lang kasama si Carmeen at Scarlet? Tangina ngayon ko lang nalaman! Tangina ang ingay nilang dalawa ha! Para silang unggoy sa zoo na hindi nabigyan ng saging! Pucha lang puro daldalan, chismisan! Seryoso, pwede bang pakiabot sa akin ‘yung scatch tape at ako na mismo ang tatapos sa ingay nilang dalawa?!
Palibhasa, parehong may lablayp! Punyeta lang, si Carmeen may Elzid. Si Scarlet… aish! Si Scarlet may Chron na! Putek akala ko hindi na siya papatulan ni Chron kasi nga inlab kay Selene eh! Bakit ngayon? Parang sila na?
Tangina talaga! Napag-iiwanan na ba ako? Ako na lang walang boypren dito eh! Sheeeeeeet! Sige na! Kayo na may boypren! Saksak niyo sa ngalangala niyo! Lels, shet ang bitter ko! >_____<
Pero pramis, hinding-hindi ako magbo-boypren para lang makibagay o makiuso sa iba. Makikipagrelasyon ako kapag handa na ‘yung puso ko. Kapag sigurado na akong mahal ko ‘yung taong ‘yun. Kung sino man siya. Amfff.
“Tahimik mo ah!” Sabi ni Carmeen sabay tapik sa balikat ko. Punyeta masakit ha!
“Oo nga eh, loveless kasi.” Mataray na sabi ni Scarlet.
Sige na! Kayo na! Kayo na talaga may lablayp! Kayo na mayabang! Kayo na madaldal! Kayo na!!
At ako na! AKO NA BITTER! =____=
Tinignan ko sila ng matalim, “Ang feeling niyo! Porket may mga boypren kayo?! Sus! Maraming pumipila para sa DYOSA kong mukha ‘nu! Ayoko lang talaga ng commitment ngayon!” Wika ko.
“WEH?” Sabay nilang sabi.
Tangina, choric speech ba?! Sabayang pagbigkas?! Kailangan pareho ang sasabihin?! Aish!
“Manahimik nga kayo!” Saway ko sa kanilang dalawa.
Ayun, nagsitawanan ang dalawang gagita. Sige, pagtawanan niyo lang ako. Makikita niyo talaga! Pag ako nagka-boypren araw-araw, oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko ‘yung ipangangalandakan sa pagmumukha nilang dalawa! Anak ng lenggwa!
“Yung Zico,” Napatingin ako kaagad kay Scarlet nang mabanggit niya ang pangalan ni pyutyur kafated.
Speaking of Zico –este Colosseus, alam niyo bang hindi ko siya pinapansin ngayon? Kasi nga ‘di ba, dumidistansya ang inyong lingkod na Dyosa sa kanya kasi nga baka maghinala na naman si Mama. Mamaya kung ano na namang pumasok sa isip nung Madaraka kong ‘yun at tanungin niya na naman ako ng kung ano-ano. Kaya distansya muna.
Kanina nga eh, sinasabay na niya ako sa kotse niya. Take note! Siya talaga ang nag-alok! Pero tumanggi ako, kasi nga ‘di ba? Distansya. Kaya kahit late na talaga ako nagtyaga akong mag-commute para lang makapunta sa University.
Pero sayang din, minsan na nga lang mag-alok si pyutyur kadated na kasing lamig ng yelo tapos hindi ko lang pinansin.
Aish! Hindi Ericka, tama lang ‘yung ginawa mo! Para sa Mama mo ‘yun!!
“Ang gwapo nun ah.” Sabi ni Scarlet.
“Alam ko.” Sabi ko with matching taas pa ng kilay.
“Patulan mo na lang kaya! Sabi mo nga ‘di ba, DYOSA ka tapos siya gwapo eh ‘di bagay kayo.”
Wushu! Kami ni Colosseus, BAGAY?! Anak ng lenggwa! Comedy ba ang trip ni Scarlet? Joke ba ‘yun? Tatawa na ba ako?
“Joke ba ‘yun?” Tanong ko.
“Gaga! Seryoso ako!”
“Psh. Bugok ka rin ‘nu? Magiging kapatid ko na nga eh! Adik ka ba?” Pahayag ko.
“Oo nga naman Scarlet! Gagita ka talaga! Naalog ata utak mo run sa lab eh!” Sabat ni Carmeen.
Tapos si Scarlet bigla namang namula. Tangina mukhang kamatis! Hahahaha! Saan ka pa nakakita ng btch na nagblu-blush? Mwhahaha! Only in the Philippines! :))))))
“Che! Tumigil nga kayo!” Saway niya. “Alam ko namang magiging magkapatid na kayo pero…”
“Ay pa-suspense ‘teh? Ano ‘to cliffhanger? Nambibitin ang peg? Kung ikaw kaya ibitin ko?!” Wika ko sa kanya.
“Sandali lang naman! Para may thrill!” Sabi niya. Augh! Thrill your face Scarlet!
“EH ANO NGA?!” Ayuuun, kami naman ang nagsabay ng sinabi ni Carmeen xD
So ayun, seryoso na ulit siya, “Pero kung hindi kayo magiging magkapatid, papatusin mo ba?”
Napaisip naman daw ako sa tanong na ‘yan.
Oo nga naman, paano naman kaya kung hindi kami magiging magkapatid… Hmmmm? Siguro, oo. Tyaka, hindi naman mahirap mahalin ang isang Colosseus Zico Zarte! Kailangan mo lang talagang pagtyagaan ang bipolar disorder niya! Pero kung tutuusin, package deal na talaga si Colosseus. Kumbaga sa ulam, kompletos rikados na! xD
Gwapo, mayaman, mabait? AH BASTA! Yun na ‘yun!
“Eh, siguro. Pero magiging magkapatid talaga kami eh. Kaya, semplang! Di talaga pwede.” Wika ko sabay iling :D
“Psh. Di naman kayo blood related.” Sabat ni Carmeen.
“Kahit na. Parang mas magiging maganda kung magkapatid lang kami tapos ‘yung mga magulang na lang namin ‘yung nagmamahalan.” Sagot ko with matching ngiti :””>
Tama naman ako ‘di ba?
So ayun, pumunta na kami sa kanya-kanya naming klase pagkatapos ng kung anu-anong topic na pinag-usapan. Ako, medyo wala sa mood mag-aral. Ewan ko ba, feeling ko hindi kumpleto ‘yung araw ko na hindi ko kinakausap si Colosseus. Feeling ko kulang kapag hindi kami nag-away man lang o nagtarayan.
Nakakamiss din pala ‘yung pagiging bipolar ni pyutyur kafated.
Lumipas ang isang araw na wala akong ibang inisip kundi si Colosseus. Absent minded ako sa klase ko. Absent minded ako kahit saan! Pati nga paglalakad ko papauwi eh sobrang bagal eh.
Kasi nga, iniisip ko si Colosseus.
Ewan ko. Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit.
Although hindi naman siya karapatdapat isipin, hindi ko lang talaga mapigilan!
Naglalakad lang ako papalabas ng building namin, nang makalabas na ako eh bigla na lang bumilis ‘yung tibok ng puso ko –nakita ko kasi siya. Si Colosseus.
Augh? Anong ginagawa nito rito? Malamang sinusundo ako, pero ayoko talaga siyang makasama. Kasi nga distansya. Kaya magco-commute ako. Bahala siya dyan.
Nagkatinginan lang kami saglit tapos nilagpasan ko na siya pero ang ikinagulat ko…
Bigla na lang niya akong niyakap sa likod!
Putangina! Ito na eh! Ito na ‘yung mga panahong dapat pinipigilan kong kiligin! Ito ‘yung mga panahong dapat tinatarayan ko siya! Ito ‘yung mga panahon na dapat nag-aaway na kami! Pero bakit ganito? Ano na namang ginagawa mo ha Colosseus? Bakit mo na naman pinapabilis ang tibok ng puso ko?
Hindi ako makapaniwala eh. Although nayakap ko na siya dati dahil sa kalandian ko, pero iba ngayon eh! Kasi nung una ako ‘yung unang yumakap pero bakit ngayon? Mas kakaiba ‘yung pakiramdam ko kasi siya ‘yung unang yumakap sa akin.
Lechugas! Back hug mula sa isang Colosseus Zico Zarte! Tangina sinong hindi kikiligin?! >______<
Gusto ko nang kumalas eh. Pero hindi ko alam! Bakit parang mas gusto kong mag-stay sa ganung posisyon! Hindi ko alam kung bakit ayaw kong kumalas! At ang pinaka-ikinagugulo ng utak ko…
HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO MASAYA!
Hindi man ako nakangiti, sa loob-loob ko nagtatatalon na ako.
But still, hindi ko pa rin alam kung bakit.
“U-Uyy, a-ano –b-bang g-ginagawa m-mo..?” Sht, I found my voice!
“Pass through.” Sagot niya.
Feel na feel ko ‘yung hininga niya sa tenga ko! Medyo mainit sa pakiramdam pero sheeeeet! It made my whole DYOSA body, shiver! Fvck! Ayoko ng ganito! Shet, shet, shet!
Ay teka, anong ‘pass through’?
“A-Anong… p-pass –t-through?” Fvck! Stammering! Shet, why?!
Agad niyang ibinulong, “Tagos.”
Uyyy, pa-check nga kung lahat na ng dugo sa buong katawan ko eh nasa mukha ko na! Tangina hindi lang dahil sa back hug ni Colosseus pero –eff! Talaga bang sinabi niya ‘yung word na TAGOS?! Putangina! Nakakahiya!
Pero, wala naman akong dalaw ngayon ah? Kung kakarating lang, bat ‘di ko naramdaman? Dapat sana masakit na ‘yung puson ko kung meron ako pero bakit ngayon wala?
Taeee nakakahiya ako! Grabiti!! >______<
“T-Talaga?” Tanong ko.
Tapos unti-unti na siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.
Oh fvck, WHY?! –I mean, yes! Yes ‘di ba? Hindi na siya nakayakap sa akin? Aish! Nakakabobo! Mababaliw na ata ako!
Humarap ako sa kanya. Cold eyes, poker face –shet totoo nga! Si Colosseus nga ‘to! Siya talaga ‘yung yumakap sa akin! Puteek! Nakakakilig –este, nakakahiya!
“Augh, sorry. Design lang pala…”
WHAT THE HELL?! Design?! Design?! Niyakap niya ako mula sa likod nang dahil lang sa design?! Puteek! Nang dahil sa design –kinilig ako?! Sheeeeeet! Salamat sa design na ‘yun ha! Salamat lang talaga!
Ay wait, tekaaaaaaaaaaaa~! Anong design?!
Sa pagkakaalam ko, walang design ‘yung suot ko. Kasi naka-suot ako ng denim shorts! Paano magkakaroon ng design ‘yun?! O.o
Ibinulsa niya ‘yung dalawang kamay niya, “Kung hindi ka sasabay, hindi kita pipilitin.”
Okay? Di naman talaga ako papapilit sa’yo eh!
“Uutusan na lang kita.” Tapos ngumisi siya. WHUUT?! “As your future brother, I am commanding you to go home… with me.”
Aisshhh!
*dug.dug.dug.dug.dug*
What the hell! Yung puso ko na naman eh!! Ano ba Colosseus! Hirap na hirap na ako! As in gulong-gulo na ako kung ano talagang ginagawa mo sa akin!
--Zico’s Pov--
Napansin ko lang kasi kaninang parang iniiwasan niya ako. Para rin hindi niya ako pinapansin. Hindi naman siya ganun dati. Hindi ako sanay.
Hindi ako sanay na hindi pinapansin ng babaeng gusto ko.
So I did something quite awesome.
Ano ngayon, eh ‘di pinansin niya rin ako.
Psh. Ngayon pa na mas gusto ko nang mapalapit sa kanya, tyaka siya lalayo? Hell, no way!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro