Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -60: DOTA }

{ TBUP –60: DOTA }

 

 

 

--Psyche’s Pov--

 

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong pumatay ng tao sa nakikita ko? Si Ericka? Namumula? Sa harapan nung Zico? Tangina ha! Ano bang nangyayari sa pagitan nilang dalawa?! Gusto kong malaman… may dapat ba talaga akong ipagselos sa kanilang dalawa? Huli na ba ako? Si Zico na ba ang pumalit sa pwesto ko sa puso ni Ericka? Siya na ba?

Saktong papunta sa building kung nasaan ako si Zico. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinarap ko siya sa corridor. Kailangan sa kanya mismo manggaling. Ayaw sabihin ni Ericka kung anong meron sa kanila eh, ‘di sa kanya ko na lang itatanong. Hindi naman siguro itatanggi ni Zico kung mahal niya nga talaga si Ericka ‘di ba?

Hinarangan ko siya,

Colosseus Zico Zarte, pwede ba kitang makausap?” Tanong ko rito.

Ngumisi siya. Tangina, hindi ko talaga alam kung bakit ang init ng ulo ko sa gagong ‘to! Siguro nga kasi nakikita ko silang dalawa ni Zico palaging magkasama. Minsan nga sabay pa sila eh. Ayun sa mga chismis, tangina ang bading ko na! Naniniwala na ako sa chismis eh! Pero nevermind, ayun sa mga naririnig ko sa tabi-tabi, eh magiging magkapatid daw silang dalawa ni Ericka. So ayun, medyo nabawasan ‘yung pangamba ko na magiging sila. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na palagi silang magkasama. Tapos pag minsan sweet pa sila. Di kaya magka-develop-an ‘yung dalawa lalo na’t hindi sila blood related?

Aish! Nakakaselos lang talaga! Bad trip!

Stalker ka ba? Di kita kilala.” Tapos nilagpasan niya lang ako.

Tangina! Stalker daw ako?! Ang gago lang! Sino naman siya para i-stalk ko?! Anong akala niya sa akin bading na may gusto sa kanya?! Tangina mas gwapo kaya ako sa kanya! Pucha ‘to! >_____<

Bubugbugin ko ‘to eh!

Pinigilan ko siya sa paglalakad. Hinawakan ko ‘yung balikat niya at agad naman siyang napatingin sa akin.

Mag-usap tayo.” Sabi ko sa kanya.

Ayoko.  Hindi kita kilala.” At nagpatuloy na siya sa paglalakad papalayo.

Punyeta! Napupuno na ako ah! Bakit ba ayaw niyang makipag-usap sa akin?! Susubukan ko lang naman siya eh! Naisip ko kasi, na kapag diretsahan kong tinanong kung anong papel niya sa buhay ni Ericka eh baka iba lang ‘yung sabihin niya. Kaya nakaisip ako ng technique para ‘mahuli’ siya.

Magpustahan tayo.

Saglit siyang napatigil sa sinabi ko. Sa wakas, nakuha ko rin ang atensyon mong gago ka.

One on one sa Dota.” Sambit ko, “Kapag nanalo ako, tutulungan mo ‘ko kay Ericka.” Napangisi siya ulit siya, “Kapag nanalo ka, hahayaan ko na kayong dalawa…

Wala pa ring emosyon ‘yung mga mata niya. Ano bang klaseng tao ‘to? Tao pa ba ‘to? Ngayon lang ako nakakita ng matang meron siya. Napaka-cold. Err! No wonder, mas gwapo talaga ako! Tsk tsk…

Ano ‘to? Si Athena ang pinagpupustahan?” Wika niya.

Tangina! Ganun ba talaga sila ka-close para tawagin niyang ‘Athena‘ si Ericka?! Eh ako nga halos isumpa niya ako noon kapag tinatawag ko siyang Athena eh! Bakit siya?! Bakit ang dali-dali lang sa kanyang tawagin si Ericka sa ganung pangalan?! Putrages talaga! Nilalamon ako ng selos eh! Sht!

Oo. Ano? Payag ka?

Ayoko. Hindi ko ipupusta ang isang bagay na walang halaga sa akin.

Napangiti ako ng wala sa oras. Oo, taliwas sa dapat na naging reaksyon ko ngayon. Dahil ito talaga ang inaasahan ko. Ito talaga ang plano ko. Ngayon, masasabi ko nang nahuli ko na si Zico. Nahuli ko na kung anong papel niya sa buhay ni Ericka. Nahuli ko na kung sino talaga siya.

Nahuli ko na kung bakit dapat talaga akong magselos sa kanilang dalawa.

--Ericka’s Pov--

 

Walang hiyaa! Erase! Erase! Erase! Bakit ba ako isip ng isip dun sa ngiti ni Colosseus?! Bakit pakiramdam ko siya na ang pinaka-gwapong nilalang sa buong Earth?! Aurrgh! Hindi tuloy ako makapag-concentrate dito sa topic namin ngayon! Nakakaasar! Baka mamaya wala na naman akong maisagot sa quiz kasi hindi ako nakikinig! Bwiseeeeeeeeeeeeeeet! >______<

Ganito ba talaga ang kras? Amff! Andugas lang!

Natapos na ‘yung huling subject namin. Nagsilabasan na ang lahat ng estudyante sa corridor. Ako ‘yung pinakahuling lumabas kasi nagde-daydream pa ako. Putangina naman kasi. Ka-daydream daydream naman kasi ‘yung kagwapuhan ni Colosseus ‘di ba? Di ba?

So pagkalabas ko… ayun, nakakita ulit ako ng gwapo.

Augh! Psyche! Kailan ka kaya magsasawa ulit sa kakahabol sa akin?! Kailan kaya ulit?! =_______=

Ano?!” Naiirita kong tanong.

Sa totoo lang kasi. Pagod na pagod na rin naman akong tarayan siya. Kasi wala lang din namang nangyayari eh. Kaso, ang kulit-kulit niya! At ayaw na ayaw ko sa mga makukulit! Kaya bwiset na bwiset ako sa kanya ngayon! Lalo na kapag sinasabi niyang mahal pa raw niya ako. Asus! Kagaguhan! >.<

Ganun na ba kadali para sa’yo ang itapon lahat-lahat ng alaala natin?

Hala? Anyare? Bat biglang nagdrama ang lolo mo? Psh! Kalokohan ba ‘to?! Sa tono niya kasi, parang ang pinapalabas niya ako ‘yung may kasalanan kung bat kami naghiwalay. Kung bakit ako nagiging ganito sa kanya ngayon. Kasalanan ko?! Ako ‘yung nagloko at nakipaglaplapan sa iba kahit may gerlpren ako dre?! Ayus ka rin eh nu! Ayus na ayus ka talagang gago ka!

Napangiti ako ng mapait, “Sino bang nauna? Sino bang nagloko sa ating dalawa? At oo, madali lang. Sobrang dali! Dahil kung ikaw, nagawa mo, pwes ako magagawa ko rin.” Sabi ko sa kanya.

Gumaganti ka ba? Kung gumaganti ka, pwede bang tigilan mo na? Nakaganti ka na eh. Nasaktan mo na ako. Nasasaktan mo na ako.” Pahayag niya.

Hindi ako gumaganti Psyche. Ayaw ko na talaga. Kasi wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa’yo. Galit na lang talaga.

Sino bang nagsabing gumaganti ako sa kanya? Hindi ko gawain ang gumanti. Hindi ko gawain ang panoorin ang iba habang naghihirap sila. Hindi ako ganun kasama. Oo, tinarantado ako ni Psyche, pero hinding-hindi ko magagawang gumanti. Bakit pa ako gaganti kung alam kong andyan si baby karma? Kung alam kung mas magaling magtrabaho si baby karma kesa sa akin, ‘di ba?

Haaay… pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang talagang umuwi.

Alam mo ba, nakausap ko si Zico.” Sabi ni Psyche. Halata na, sa mga mata niya lalo na sa pananalita niyang nasasaktan siya. Sorry Psyche pero ikaw naman talaga ang puno’t dulo ng lahat ng ‘to.

O tapos?

Hinamon ko siya sa Dota. Sabi ko, kapag nanalo ako, tutulungan niya ako para bumalik ka sa akin. Pag nanalo naman siya, hahayaan na kita. Pinilit ko siyang ipusta ka,” Ipusta ako?! Pinagpupustahan na lang pala ang GANDA ko?! “pero tumanggi siya.

Hah! Colosseus! Mahal talaga ako nung pyutyur kafated kong ‘yun! Di ako kayang traydorin at ibigay kung kani-kanino eh! Wushu! THAT’S MY BROTHER! :))))

Shet nangingiti na naman ako eh!

Alam mo ba kung bakit?” Dagdag ni Psyche. “Mahalaga ka para sa kanya. Dahil hindi ka niya kayang ipusta. Hindi ka niya kayang mawala.

Para akong nasemento sa sinabi ni Psyche. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapagtaray. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung sinabi sa akin ni Psyche na hindi raw ako kayang mawala ni Colosseus. Though, ang daming tanong na ‘bakit’ sa utak ko. Still, mas angat ‘yung puso ko na ayaw magpatalo sa sobrang lakas ng tibok. Sa sobrang bilis na parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob.

Colosseus, bakit mo ‘to ginagawa? I mean, paano?

Ngayon, alam ko na kung sino ‘yung tunay kong karibal. Alam ko na kung anong dapat kung gawin. Tandaan mo Ericka, kahit sino pang magmahal sa’yo, hinding-hindi nila kayang tapatan ‘yung porsyentong sakop mo rito sa puso ko. Hindi ako susuko. Sisiguraduhin kong PsyRicka pa rin hanggang sa huli.

At naglakad na si Psyche papalayo.

Wala akong pakialam sa sinabi ni Psyche. In fact, hindi ‘yung ang na-absorb ng utak ko sa pag-uusap namin. Hindi ‘yun ang iniisip ko ngayon. Hindi ‘yun, hindi si Psyche.

Kundi ang magiging kapatid ko.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Hindi malinaw sa akin pero isa lang ang gusto kong gawin.

Gusto kong makita si Colosseus.

Gusto kong siguruhin kung ano nga ba ‘tong nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong malaman, kung totoo nga. Kung totoo ngang mahalaga ako para sa kanya. Ewan, siguro curious nga lang talaga ako. Pero iba eh. Iba talaga. Kung ano man ‘tong nararamdaman ko para kay Colosseus, ayoko munang magpadalos-dalos, gusto kong makasigurado. Gusto kong malaman kung totoo.

Naglakad ako papalabas ng building namin papunta sa parking lot ng East Velvet nang lutang pa rin ang isip. Kaya nga ang bagal-bagal kong maglakad eh. Sht naman ‘to. Para na akong pagong!

Nang makarating ako sa parking lot, nakita ko kaagad si Colosseus na nakasandal sa kotse. Nakatingin siya sa ibang side tapos bigla siyang napatingin sa akin.

Ang gwapo niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagsimulang tumakbo papunta sa kanya.

Ang tagal mo a—

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi ko alam. Ang landi ko lang siguro. Pero ewan! Gulong-gulo na ‘yung isip ko tungkol sa kung ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa magiging kapatid ko eh. Kailangan ko lang talagang malaman kung ano ‘to. Kailangang-kailangan ko lang talaga.

Ilang minuto kaming tahimik at nanatili sa ganung posisyon. Yakap ko siya, hawak niya ang braso ko. Hinihintay ko siyang itulak ako pero iba ang ginawa niya. Iba rin ang lumabas sa bibig niya.

At nang dahil ‘dun, mas lalo pang naguluhan ‘tong puso ko kung ano nga ba talaga si Colosseus Zico Zarte sa buhay ko.

Athena. ” Bulong niya sa akin, “What are you doing… you’re making me want you more.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro