{ TBUP -58: Lab }
{ TBUP –58: Lab }
--Scarlet’s Pov--
Bitch. Whore. Hoe. Prosti. Pakawala.
Augh! Their looks tell it all! Alam ko namang lahat sila ‘yun ang tingin sa akin eh. Sa mga tingin pa lang nila habang dumadaan ako eh masasabi ko nang ayaw na ayaw nila sa akin. Bakit? Siguro kasi maganda ako at ang dami-daming mga bruha ang naiinggit sa akin! Ganun lang ‘yun! End of story!
Naglalakad lang ako papunta sa next class ko. Kung anong course ko? Ah accountancy lang naman. Minamani ko lang naman ang Math. Hahahaha!
Papasok na sana ako sa room namin dahil baka ma-late ako nang biglang may yumakap sa baywang ko. Aba? Sino naman ‘to?
“Hi babe. Wanna continue?” Bulong niya sa tenga ko.
Sino naman kaya ‘tong ulol na ‘to?
Lumingon ako para tignan kung sino siya, at ayun. Eto pala ‘yung naka-make out ko na ‘nabitin kuno’ nung dumating ‘yung dalawang ‘dyosa daw’. Speaking of dyosa, alam niyo bang sinama nila ako sa kagagahan nilang dalawa? Ako naman, ewan ko kung anong pumasok sa isip ko’t sumama rin ako. Eh andun pa naman ‘yung mayabang na si Ericka! Hindi ko pa rin makakalimutan ‘yung ginawa niya sa akin ‘nu!
Sabi nga nila, forgive but don’t forget. Tyaka aminin man natin o hindi, talagang mahirap makalimot.
Speaking of makalimot… si Chron. Langya naalala ko na naman siya! Kakasabi ko nga lang ‘di ba? Mahirap makalimot! And to think na dito pa talaga siya nag-aaral! Kaya nga pinili ko rito kahit nakapasa talaga ako sa UP eh! Kasi alam kong doon mag-aaral si Chron pero bakit na naman kaya nandito siya?! Para mas pahirapan akong makalimot?! What the hell!
O para tuksuhin akong habulin siya?
Oh come on! Hindi ko ‘yun gagawin!
“Hey! You okay?”
Augh! Nakatulala pala ako. Bwisit kasi mga naiisip ko eh!
“Yeah. Ano nga pa lang sinasabi mo?” Tanong ko.
Napabuntong-hininga siya, “Nevermind. I guess, you’re not in the mood. Geh, I’ll go ahead.” Tapos umalis na siya.
Okay? For sure, hahanap ‘yun ng bagong babae! Maniwala kayo! Pero, nakalimutan ko na pangalan nun eh! Hmmpf, bahala na nga! Papasok muna ako sa klase ko. Mahirap na baka may mamiss ako!
--Chron’s Pov--
Sabi nila maliit lang ang mundo? Eh bakit hindi ko pa nakikita ‘yung gusto kong makita?
Ahem.
I mean, hindi ko pa nakikita si Scarlet. Ilang weeks na ako sa University na ‘to pero hindi ko pa talaga siya nakikita. Actually, hindi naman talaga ako pumapasok dito. Sa UP talaga, kaso eto nga. Pabalik-balik ako rito para… para… teka, ano nga ba?
Ewan ko rin. Pabalik-balik lang ako simula nung nalaman kong dito nag-aaral ‘yung babaeng binusted ko. Tss… kapal ko talaga. Pinangalandakan ko pang binusted ko siya eh parang ako ‘yung na-busted sa ginawa ko sa kanya eh! Nakakainis! Hindi kasi siya maalis sa isipan ko. Feeling ko nasasayangan ako na nagsisisi nung ni-reject ko siya.
Tama, baka gusto ko lang mag-sorry kaya ako nandito ‘di ba?
Ni hindi ko nga alam kung anong course niya kaya hindi ko alam kung saang building ako pupunta. Iba-iba kasi building ng mga course dito. Kaya ang laki-laki nitong East Velvet University eh. Pero balita ko mas malaki ‘yung Austen triple daw sa laki nitong Univeristy na ‘to eh.
Napili kong pumunta sa building ng BS in Accountancy. Ang hirap lang talaga maghanap ‘pag hapon, kasi saktong dismissal eh. Pero alangan naman na sa class hours ako pumunta eh may klase din ako nun?
Kaya ‘yun, ang daming nagsisilabasang estudyante pero nakasingit naman ako at nakapasok sa building nila. Nilibot ko ‘yung first floor tapos nung hindi ko nakita ‘yung gusto kong makita… ahem… eh pumanhik ako sa second floor. Puno na kasi ‘yung elevator kaya naghagdan na lang ako.
Nang makarating na ako sa second floor… wow! Sa wakas! Nahanap ko rin siya! Nakatayo siya sa harap ng isang room na animo’y may hinihintay.
Tangina, may hinihintay?! Sino?!
Pagkaraan ng ilang segundo eh may lumabas na lalake run sa room tapos agad na hinalikan si Scarlet. WHAT THE FVCK?! Meron na kaagad siyang iba?! Kaka-confess niya lang sa aking mahal niya ako nung nakaraang buwan tapos meron na kaagad?! Ano ‘yun lokohan lang?!
Naiinis ako. Naikuyom ko ‘yung kamao ko. Gusto kong bangasan ‘yung lakake na halata namang mas angat ang kagwapuhan ko. Pero ano namang magagawa ko eh ni-reject ko nga si Scarlet? Alangan naman na puntahan ko run tapos guyudin ko!
Fvck! TAMA! GUGUYUDIN KO! Hindi naman tamang makahanap siya kaagad! Hindi ako naniniwala!
Agad akong naglakad papalapit sa kanila. Tangina bakit kasi dito pa sila naglalaplapan?! Hinigit ko yung kamay ni Scarlet na nakapulupot dun sa lalake at hinila siya. Pero nagbago ang isip ko.
*BOOOOGSH!*
Pinatikim ko muna ng kamao ko ‘yung lalake. Tarantado eh!
“Fvck! What the hell dude?!” Sabi sa akin nung lalake habang hawak ‘yung pisngi niya sinuntok ko.
“Gago ka! Girlfriend ko ‘to!” Sigaw ko sa kanya tapos hinila ko na si Scarlet papalayo run sa lalake.
Ewan ko kung saan ko dadalhin si Scarlet para makapag-usap kami. Hindi ko talaga alam! Pero mas lalong hindi ko alam kung bakit wala siyang imik. Kaya huminto ako saglit at tinignan siya. Fvck, bakit ang sama ng tingin niya sa akin?!
“Bakit—”
Hindi ko na tinuloy ‘yung sasabihin ko dahil nakakita na ako ng lugar na pwede kaming mag-usap na kami lang dalawa. Tama! Sa Lab!
Hinila ko ulit siya run sa lab at agad na sinara ‘yung pinto.
Masama pa rin ‘yung tingin niya sa akin.
“Ano bang ginagawa mo?!” Tanong ko sa kanya.
“Tanga ka pala eh!” Sigaw niya, “Ikaw nga ‘yung nanuntok at bigla na lang manghihila tapos itatanong mo sa akin kung anong ginagawa ko?!”
“Bakit ka ba nakikipaglaplapan dun?!”
“Paki mo ba?! Eh hindi nga kita kaano-ano tapos sinabi mo boypren kita?!”
“Aish! Di ba sabi mo mahal mo ‘ko?! Bakit bigla ka na lang naging ganyan?!”
Napangisi siya, “Hindi porket sinabi ko sa’yong mahal kita hindi ko na ‘yun kayang gawin. Tyaka, nakalimutan mo na ba? Ni-reject mo kaya ako.”
Napahinto ako. Napatingin na lamang ako sa mga mata niya. Ang seryoso niya, ang sama pa ng tingin sa akin. Augh!
--Scarlet’s Pov--
Kasarapan na ng pagme-make out namin eh! Tapos bigla na lang akong hihilain kung saan-saan nitong si Chron?! Tyaka bakit ba siya nandito sa building namin?!
“Bakit ka ba nandito?!” Tanong ko sa kanya habang nandito kami sa lab.
“Ewan ko! Hindi ko alam!”
“Eh tanga ka pala eh! Aalis na ako! Dyan ka na!” Aalis na sana ako pero ayun nga, napigilan ulit ako!
“Bitter ka pa rin sa’kin nu?”
Wow ha! Tangina neto! Ako?! Bitter sa kanya?! Wow lang! Ang kapal talaga! Hindi ako bitter nu! Hindi ako magiging bitter nang dahil lang sa kanya! Eww!
Akala niya gusto ko ‘tong nangyayari ngayon?! On the process na kaya ako ng pagmo-move on! Like duh! Aish! Nakakainis! Ang kapal lang talaga ng mukha niya para akusahan akong bitter sa kanya! Ang hangin! Pramis!
“Bitter? Ako? Sa’yo?” Napangisi ulit ako, “Bakit? Natikman mo na ba ako?” I said, seductively. Mwhahahaha!
Nakatingin lang siya sa akin tapos, “Hindi. I mean, hindi pa.”
Tapos… bigla niya na lang akong hinalikan! Sht! Nagkatikiman na nga! Tanginaaaaaaa! Anong nangyayari?! Anong nangyayari rito?! Bakit… bakit bigla na lang tumitikim –I mean, nanghahalik?! >_____<
Che! Ang arte ko naman. Eh, oo na! Masarap :3 Pero ehh! Nakakagulat naman eh!
Dug.dug.dug.dug.
Yung puso ko tuloy ayaw nang paawat!
“Ano bang—”
“Shhh.” Tapos nilagay niya ‘yung hintuturo niya sa labi ko. Pwede bang ‘yung labi niya na lang ulit ‘yung ilagay niya sa labi ko? xD
Sabi ko kanina ‘di na ako bibigay eh! Sabi ko kanina magpapa-hard to get ako pero ano ‘to?! Bakit hindi ko mapigilan ‘yung puso ko?! Bakit nagwawala?! Uwaaaaaa!
Magmo-move on na ako eh! Magmo-move on na! Pero… aish! Di ko na-take!
“Listen, carefully.” Bulong niya, “I’m in LAB with you… and I’m in love with you.”
Oh damn it! Tell me I’m dreaming!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro