{ TBUP -57: Irregular }
{ TBUP –57: Irregular }
--Ericka’s Pov--
Ano ‘to? Ano ‘tong nababasa ko sa pesbuk ha? Ano ‘tong mga ‘to?! WHAT’S THE MEANING OF DIIIIZ?!
Ano ba ‘tong PsyRicka at Zicka na ‘to? Pagkaen ba ‘yang mga ‘yan? Lugar? Hayop? Peg ko na sana ‘yung PsyRicka eh. Kaso… katunog ng pangalan ng gago kong ex kaya huwag na lang. Yung Zicka naman, hmmm? Parang Zico lang. Che! Ayoko rin nun! Colosseus kasi tawag ko kay pyutyur kafated :3
Wow! Ito ang gusto ko! ZICOLE? Bago ‘to ah! Ito ba ‘yung ultimate labtem ng taon? Lels. Bakit parang pinagsamang pangalan ni otor at ni Zico? Anyways, maganda ‘yun ah! Feel na feel ko!
Dahil sa curiosity ko, sinearch ko ‘yung namesungness ni Colosseus. Kaso walang lumabas na results. Ayy? Walang pesbuk ang aking pyutyur kafated? Taga-bundok ata siya? Hmpf! Sayang magpre-pren request sana aketch.
Anyways, hindi ko pa rin maintindihan ‘yung ugali niya. Nung isang araw, ang bait-bait niya kasi nga binigyan niya ako ng cute na cute na teddy bear na nagngangalang Nini, (a/n: nickname ni otor xD) pero bakit ngayon?! Ano na namang nangyari? Balik refrigerator –este, balik sa pagiging cold? Ang sungit-sungit na naman kasi niya eh. Di namamansin tapos makatingin para akong papatayin.
Ganun ba talaga ‘yun? Baka pwede ng ipasok sa mental? Aish!
At hindi ko rin maintindihan kung bakit nagdo-doki-doki-dok ang aking heartlalu sa pinaggagagawa niya! Pero alam ko naman sa sarili ko na kras ko lang ‘yun. KRAS lang! Wala ng kung ano-ano pa. Kasi naman, magiging kapatid ko na siya. Kaya excuse me people of the Philippines! Pero hindi ako immoral para i-practice ang incest! Ewww =______=
Pero alam niyo ba, naisip ko rin eh. Naitanong ko rin sa utak ko… paano kung hindi kami magiging magkapatid? Paano kung hindi talaga magpapakasal ‘yung mga magulang namin. Magugustuhan ko kaya siya ng bonggang-bongga? Siguro… oo? Kung hindi lang siya bipolar.
Pero paano rin kung totoo ‘yung mga sinabi sa akin ni Qaz dati? Yung tactics something like that? Gusto kong maniwala sa sinabi ni Qaz pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit feeling ko mali siya! Kasi sa mga nakikita ko kay Colosseus ngayon, parang ang layo ng mga sinabi ni Qaz eh! Mabait naman si Colosseus, bipolar nga lang talaga siya. Pero parang ang imposible namang gawin niya ‘yung pagpapaibig chu chu.
Siguro dati nagawa niya? Pero ngayon? Sabi niya kasi ‘di ba? Sumuko na sila ng Mommy niya. Tanggap na niya ‘yung kung anong meron kina Tito Sev at Mama? Kaya ewan… feeling ko talaga hindi na magagawa ni Colosseus sa akin ‘yung mga ginawa niya dati sa mga magiging kapatid niya sana.
Augh! Saglit nga lang. May pasok pala ako! Kahit dalawang subject lang, papasok pa rin ako. Kahit may gago sa University, papasok pa rin ako! Syempre andun si besh eh tapos sige… isama niyo na rin ‘yung bruhang Scarlet =_____=
Kaya bumaba na ako sa kwarto ko matapos makapagmuni-muni. Hinanap ko sa buong paligid ng bahay pero wala akong Colosseus na nakita. Saang ref naman kaya ‘yun sumiksik? –Lels, korne! :)))))
Lumabas na ako ng bahay. Pagkarating ko sa garage, tadaaaaa~! Andun si Colosseus. Animoy model ng bench na nakasandal sa kotse. Witwew! HOT! –Este, COLD! Ahem. Pigilan mo ang iyong sarili Ericka! Huwag mong landiin ang pagkaing nasa harapan mo! –Watdapak! Pagkaen?! O___O
So ayun, nakatingin lang siya sa akin pero ang sungit ng tingin niya. Kabadingan na naman eh! Amf! Parang feeling ko naiinggit talaga siya sa dyosa kong mukha at katawan! Hmmp! Inggitero! YAAAAK!
Inirapan ko lang siya tapos nagpatuloy sa paglalakad nang bigla akong natisod sa isang maliit na bato! PUTANGINA! TATANGA-TANGA KASI ‘YUNG BATO! HAHARANG-HARANG! =_______= Ahuhuhu T^T Ansakit tuloy sa paa! Bad trip! Ang ganda na ng lakad ko eh! DYOSANG-DYOSA na eh! Tapos biglang may epal na baton a titisod sa dyosa?! Watdapakingshet ‘di ba?!
“HAHAHAHAHAHA!”
Sht?! Sino ‘yun? Tao ba ‘yun? Hayup? Dwende?! Tanginaa nae-engkanto ba ako?! Sino ‘yung tumatawa?! Punyetaaaaaa~!
Bigla akong kinilabutan. Pagka-angat ko kasi ng ulo ko… WHAT THE FUDGE?! IT’S A MIRACLE!
TUMATAWA SI PYUTYUR KAFATED?!
What’s the meaning of diiiz , huh?! Marunong pala siyang tumawa? AS IN?! Grabe as in, hawak-hawak niya na ‘yung tyan niya dahil sa sobrang kakatawa. Maluha-luha na rin eh. Fuuuuudge! Tumawa nga siya pero ako naman ‘yung pinagtawanan niya! >_____<
“Marunong ka pa lang tumawa?” Para akong manghang-mangha sa nasaksihan ko eh. Talagang as in *Q* ang reaksyon ng feslaks ko!
Agad-agad siyang bumalik sa normal. And when I say normal –‘yung pokerface na Colosseus =______= Bakit kaya ang bilis niyang magpalit ng emosyon? Parang kanina lang halos gumulong na siya sa kakatawa ah!
“Saang ref ka ba pinaglihi?” Tanong ko sa kanya.
“Huh?”
Kasi. Ang cold niya. Baka kasi bukas na bukas ng ref ‘yung Nanay niya habang pinagbubuntis siya.
Anyways, lumapit ako sa kanya. Hindi pa rin maka-get over ang buong kaluluwa ko sa nakita ko. Yung tumawa siya ngay? Grabiti, parang hindi totoo! Kasi imagine-in mo naman! Isang Colosseus Zico Zarte? Taong yelo? TATAWA? What the fudge! So ‘yun, lumapit ako sa kanya at idinampi ‘yung kamay ko sa noo niya at leeg. Malay niyo nilalagnat siya kaya natawa! Grabe, baka may sakit lang siya ‘di ba?
Agad niyang hinawakan ‘yung kamay ko…
HINAWAKAN…
‘YUNG KAMAY KO?
Fuuuuuuudge! Ano ‘yun? Nakuryente ako! Nung hinawakan ako ni Colosseus alam ko nakunryente ako! Feeling ko bigla akong naging conductor at dinaluyan ng kuryente! Sht, ilang boltahe ba ‘yun? Human charger ba si Colosseus?! Robot ba siya?! Fvck! Anong nangyayari sa akin! Paki-check nga, tao ba pa ba ako? O DYOSA na? xD
Agad kong hinablot ‘yung kamay ko. Why you make hawak-hawak my hands, huh?!
Eh pagkatapos nun, walang kibuan sa loob ng kotse. Nakarating kami sa school, agad naman kaming naghiwalay ng landas. Ako naman papasok na sana sa building ko ng biglang may humigit sa pulso ko. Tangina, sino pa bang gago ang gagawa nun?! Ang punyetang si Psyche lang naman!
“May klase ako!” Sigaw ko sa kanya.
Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin, “Wala ka pang klase. Mamayang 11 pa ang klase mo.”
Wow, memorize niya schedule ko mga ‘teh! Stalker talaga amputa! Ako nga kailangan ko pang tumigin sa schedule ko para makita kung kailan next class ko tapos siya minemorize lang?! Amfff >___< Still not impressed!
“O tapos? Bitaw na kasi!” Pilit kong hinuhugot ‘yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan!
“Pag binitawan ko ba ‘to makikipag-usap ka na sa akin ng mahinahon?”
“Malamang hindi. Ayoko nga!” Sagot ko sa kanya.
“Alam ko. Kaya ko nga ginagawa ‘to eh. Pakinggan mo muna kasi ako!”
“Eh ano pa bang magagawa ko eh ayaw mo ‘kong bitawan?”
Hayaan na. Na-caught off guard na ako eh. Pakikinggan ko na lang siya, pasalamat siya may tenga ako! Pero huwag siyang umasang maniniwala ako.
“Mahal pa kita eh.” Blah, blah, blah! “Hindi ko lang talaga alam kung anong kagaguhan ang naisip ko’t pinakawalan pa kita.” Buti alam mo! Saksakan ka kasi ng tanga! “Pero mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit mo ‘ko tina-trato ng ganito pero sana naman bigyan mo pa ‘ko ng isa pang chance para patunayan ulit sa’yo ‘yung sarili ko. Para patunayang ako pa rin ‘yung mahal mo at mamahalin mo.”
Aurggh! Pwede bang magsuka?! Feeling niya kasi kapag sinabi niya ‘yang mga katarantaduhang ‘yan babalik na ako sa kanya! Oh well, manigas siya! Feeling niya ang dali-daling kalimutan lahat ‘yun? Tapos ang gusto pa niya magsimula ulit kami na parang walang nangyari? Eh gago pala siya eh! Iuntog niya muna ‘yung ulo ko nang sa ganun eh magka-amnesia ako at makalimutan ko lahat ng ginawa niyang kagaguhan! Hindi ‘yung pupunta-punta siya sa harap ko’t magsasalita ng mga walang kwentang bagay!
“Tapos ka na? Wala ka ng sasabihin?” Tanong ko sa kanya with my bored look.
“Ericka—”
“Gaguu, feeling mo madaling magbigay ng second chance? Well, pakyuu!” Tapos hinablot ko ‘yung kamay ko at naglakad ng mabilis papalayo sa kanya.
Though naramdaman ko na sumusunod siya, hindi ko na lang pinansin. La akong mapapala dyan. La kwentang tao eh. Hindi ko na siya pinapansin pero bigla na naman niya akong hinigit. Putangina lang ha!
Humarap ako sa kanya, “Ano ba! Putangina naman Psyche! Kailan ka ba titigil?! Punong-puno na ako eh! Sawang-sawa na ako! Kung ikaw nagsawa noon sa kaka-effort ako ngayon, nagsawa na sa pangungulit mo! Tigilan mo na lang kasi! Sinasabi ko sa’yo, wala ka ng mapapala sa akin. Naka-move on na ako! Masaya na ako! Masaya ng wala ka! Kaya pwede ba?! ” Sigaw ko sa kanya.
Wala akong paki sa mga taong natingin sa amin. Paki nila? Eh ‘di humanap din sila ng taong masisigawan nila!
“Ple—”
“Punyeta! Ayoko na Psyche! Ayoko na sa’yo! Hindi na kita mahal! Tigilan mo na ako! Mawala ka na lang ULIT!”
This time, tumakbo na ako para hindi na niya ako mahabol. Pero narinig ko ang sigaw niya.
“Dahil ba may Zico ka na?!”
Sht! Kailangan bang isama niya rito si Colosseus?! Ni wala ngang pakialam sa akin ‘yun tapos isasama niya rito?! Aish! Nakakainis na siya ha!
“Wala kang pakialam!” Sigaw ko pabalik at tumakbo na ulit ako.
Takbo lang ako ng takbo sa corridor. Wala naman nagsabing bawal eh kaya tumakbo ako. Tumatakbo ako ng biglang may humila sa akin papasok sa isang bakanteng kwarto. Pucha sino na naman ba ‘to?!
Nang mahila niya ako ay nagka-untugan pa kami ARAY LANG! ANG TIGAS NG ULO NIYA! >______< Hinimas-himas ko ‘yung noo kong nauntog at pagtingin ko O_________O Si Colosseus! Ang lapit na naman niyaaaa! *Q*
“Mag-cutting tayo.” Sabi niya.
ANO?! Cutting?! Totoo ba ‘to?! Si Colosseus Zico Zarte nagyayayang mag-cutting?! ANYAREEEE?!
Um-oo na lang ako. Wala pa naman kaming klase kaya pumunta lang kami sa Manila Bay. Naupo kami run sa isang bench. At dahil wala pang sunset, walang magandang view pero… okay na rin ‘yung tubig. Nakaka-relax ng pakiramdam. Nakakadaling makalimot sa nangyari kani-kanina lang. Haaay… sarap ng hangin.
“Gagawin mo rin ba sa akin ‘yung ginawa mo sa girlfriend mo dati? Paiibigin mo rin ba ako para hindi matuloy ‘yung kasal ni Mama at Tito Sev?” Naglakas ako ng loob na itanong ‘yan. Ewan lang. Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko. Isa ‘yan sa mga gustong-gusto kong malaman mula sa kanya. Para na rin hindi nalilito-lito ‘tong isip at… puso ko? O.o
Matagal ko siyang tinignan pero nakatingin naman siya sa tubig. At sa wakas, tumingin din siya sa akin. Cold pa rin ‘yung mata niya tapos pokerface pa rin :3
“Hindi.”
Kahit ang onti ng sagot niya. Kahit sobrang tipid, pakiramdam ko sincere. Pakiramdam ko totoo at walang bahid ng pagsisinungaling. Nakatingin ako mismo sa mga mata niya ng sinabi niya ‘yun. Cold nga, pero totoo. Oo, ‘yun ngang sigurong sagot niya ang totoo.
“Ganun talaga. Isang araw, sumuko na lang bigla si Mommy, kaya sumuko na rin ako. Ayoko nang maging katulad ng dati. Nagsisimula na ako ulit eh.” Sabi pa niya habang nakatingin sa bay.
At ewan ko. Ang asyumera at pilingera ko lang dahil nagtanong ulit ako. Ito ang tinanong ko o…
“Sa pagsisimula mo… kasama ba ako run?”
Tyaka ko na lang na-realize na walang kwenta ‘yung tanong ko. Hindi nga kami close ni Colosseus tapos tatanung-tanong ako ng mga ganyan! Ako rin pala, nonsense eh! Amff~!
Pero ano kayang sagot niya? Nakaka-curious naman!
Naghintay ako ng sagot niya. Actually, okay lang kung ‘hindi’ eh kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag sinagot niya ‘yun ng ‘oo’. Pero sino ba namang may ayaw ng ‘oo’?
Pero imbes na ‘hindi’ at ‘oo’ ang isagot niya. Mas pinagulo niya lang ang pag-iisip ko. At mas pinalundag niya lang ang puso ko.
Sinagot niya kasi ako ng isang ngiti.
Ngiti.
Ang unang ngiti ng isang Colosseus Zico Zarte sa isang Athena Ericka Artemis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro