Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -56: Owe }

{ TBUP –56: Owe }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

POV ko na naman? Baka magsawa ‘yung mga tao nyan! Hala! Pero sa bagay, ako nga naman ang bida. Mwehehehe :3

By the way, high way, tawa pa rin ako ng tawa rito sa loob ng kotse ni pyutyur kafated. Hindi ko mapigilan eh. Hindi ako pinapansin ni Colosseus pero alam ko sa loob-loob niya eh ilang beses na niya akong tinawag na ‘baliw’. Napaka-epic fail kasi nung mukha ni Psyche eh! Sht! Ang galing mo talaga Ericka! Kaya ka gumaganda lalo eh! xD –Anong konek? :)))))

Ang ingay mo.” Komento ni Colosseus.

Yun lang naman ang hinihintay ko eh! Eh ‘di sinaway niya rin ako! Hihihi!

Wala lang. Masama bang matuwa? Hahahahaha!

Tsss… mukha kang tanga.

Alam ko! At least masaya! Mwhahahaha!

Kung pwede lang akong magpa-party sa buong Pilipinas dahil sa tuwa eh kanina ko pa ginawa. Tangina! Panalo eh! Panalo ako!

Ay teka! Naalala kong late pala si Colosseus ng pagsundo sa akin! Hayuup din ‘to eh! Kung maaga lang sana siya eh ‘di sana ‘di na ako nakausap nung gago! Bwisit lang =_____=

Bakit ba ang tagal mo kanina?” Tanong ko.

Mukhang nage-enjoy ka eh.” Nage-enjoy?!

Ibig sabihin… nandun na siya kanina pa?! At talagang nanuod pa ang loko?! Pucha! Ilang beses kong pinagdasal na dumating na siya ‘yun pala pinapanood niya ako habang hinihila-hila nung Psyche na ‘yun?! Watdapak! I HATE YOUUUUUUUUUUUUU~!!

Sht! Nakakainis ka, alam mo ba ‘yun?!

Hindi.

Aish! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko naging kras ‘to! Kung bakit… arggh! Akala ko okay na kami eh! Yun pala hindi ko siya maaasahan sa oras ng pangangailangan?! Paano na lang kung kinidnap ako nung Psyche na ‘yun? Hindi pa rin siya darating?

Pero on the second thought…

Dumating siya. Dumating siya nung hinila ulit ako nung gago. At least dumating pa rin siya ‘di ba? Pero naman eh! Sana naman inagahan niya! At sana naman hindi na siya nanuod pa! Anong akala niya sa amin teleserye?! Nakakaasar lang! >___________<

Pwede bang maging mabait ka na lang ulit?” Sabi ko.

Ulit?” Confused niyang tanong. “Kelan ba ako naging mabait sa’yo?” Poker face na naman?!

Psh! Oo nga pala. Cold, cold pa rin siya. Palagi na lang ganito! Kada-magpapa-cute ako –ay teka mali, di ako nagpapa-cute ha! Ahem! Kada-tatanungin ko siya ng mga ganitong bagay nagiging cold siya! Ano ba! Palagi rin siyang may mood swings! Daig pa niya ang naglilihi at nagme-menopause eh! Pero ‘pag minsan naman nakakainlab ‘yung pagiging caring niya!

Alam mo ‘yun? Pag minsan hindi mo na siya maintindihan?! Hindi mo na ma-predict ‘yung susunod niyang ikikilos o gagawin?! Nakakabobo lang!

Pero teka nga! Bakit niya ba ginagawa ‘yung mga kabaitang ‘yun ‘pag minsan? Gusto kong itanong, gusto kong malaman eh. Wait lang, tanong natin!

Bakit mo ba ginagawa ‘yung… mga ‘yun?” Tanong ko sa kanya.

Ano bang sinasabi mo.” Concentrate pa rin siya sa pagdra-drive.

Yun, ‘yung binilhan mo ‘ko ng gamot. Yung binigay mo sa akin ‘yung coat mo. Yung pag-akyat mo sa akin sa kwarto nung isang gabi?

Paano ko nalaman na siya ang nag-akyat sa akin sa kwarto nun? Eh kasi, sinabi ni Manang sa akin. Gising daw kasi siya nun kasi naiihi siya at kailangan niyang pumunta sa CR at nakita niya raw si Colosseus na buhat-buhat ako paaakyat sa stairs. Oh ‘di ba ang sweet –este, ang galing?

At tyaka may hindi pa ako nasama! Yung unang-unang encounter ko sa kanya. Dun sa prom. Di ba? Kahit ayaw na ayaw niya kay Mama pumunta pa rin siya!

Alam ko namang mabait si Colosseus eh. Hindi ko lang alam kung bakit pinipigilan niyang ilabas ‘yung tunay na siya.

Utang na loob lang ‘yun.” Sagot niya.

Utang na loob? Paano naman siya nagkarun ng utang na loob sa akin, aber? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong maganda para sa kanya. Hindi ko naman siya ginawan ng assignment? Di ko naman siya pinagluto? Di naman ako naglaba ng damit niya? Pero anong utang na loob ‘yun ngay? O________O

I owe you. That’s just it. Don’t ever think that I have something for you.” Something?

Alam ko namang wala! Tyaka ‘di ko naman pinapangarap na magkaron! Kasi nga –MAGIGING KAPATID KO NA SIYA. Kaya kahit kras ko siya, kontento na ako run. Hindi ko na gugustuhin pang lumalim kung ano mang meron kami ngayon. Okay na ako sa ganito. Tyaka napakalabong maging kami, like duh?

Alam ko! Pero ano namang utang na loob ‘yan ha Colosseus?

Tumingin siya sa akin –ng masama. Naramdaman ko na naman ‘yung pagtaas ng mga balahibo ko. Sht, tinawag ko pala siya sa pangalang pinakaayaw niya! Eh sorry naman daw! Nakalimutan ko eh! Tyaka sanay na akong tawagin siyang Colosseus. Kaya…

Niga saranghaneun naneun sorry i’m a bad girl~!

Lels, wala lang. Pinalitan ko lang ‘yung lyrics nung Bad Boy ng Bigbang :”””> Kras ko kasi si G Dragon. Hindi na si TOP, kasi marami na akong kaagaw sa kagwapuhan niya! Mwehehehehe :3

Anyways…

Nung binalik mo sa akin ‘yung picture.

Oh. So ‘yun pala ‘yun? Binalik ko lang ‘yung picture tapos utang na loob na para sa kanya? Hindi ba pwedeng daanin niya na lang sa salamat at para tapos na? Pero in fairness ha, kung hindi dahil sa utang na loob na ‘yan hindi ko makikitang lovable pala ‘tong future kapatid ko.

Teka nga! Anong lovable?! Like duh! Teka nga! Kung ano-anong sinasabi ko eh. Tahimik na nga lang ako.

Nakarating na rin kami ng bahay sa wakas. At as usual, wala si Mama at Tito Sev. Landian mode na naman sila sa iba’t ibang lugar. Yaan na nga, pagbigyan ang mga matatanda.

Papasok na sana ako ng kwarto ko para magpahinga dahil sobrang stressed na ako sa kagaguhan ni Psyche nang bigla akong tawagin nang aking future kapatid. At alam niyo kung anong tinawag niya sa akin?

Athena…

Punyeta lang ‘di ba?! Ang tagal-tagal ko na ring nandito sa bahay eh! Palagi ko nang sinasabi sa kanilang lahat na huwag na huwag nila akong tatawagin sa pangalang ‘yan dahil magiging leon talaga ako! Tangina! Kay pangit-pangit na pangalan eh! Tyaka si Chron lang tumatawag sa akin niyan, pero sinabi ko na rin na itigil na niya kasi naiirita talaga ako. Ewan ba. Ayaw ko talaga ng pangalang ‘yan.

Sabi kasi ni Mama… ‘yung oh-so-good-for-nothing kong tatay ang nagbigay sa akin ng pangalang ‘yan. Kaya, err! Ayoko! Ayoko ng Athena! Buset!

Anyways…

Ericka kasi itawag mo sa akin! Ano ba naman ‘yan, Colosseus!

OOPS! Natawag ko rin siya sa pangalang ayaw na ayaw niya. Grabiti lang, pareho kami. Baka naman siya ang nawawala kong kambal? Lol, kung ano-anong iniisip ko eh :)))))

May rules para sa’yo…

RULES?! Ano na namang kabadingan ‘yang rules na ‘yan? Bakit ngayon ko lang ‘yan narinig?!

Anong rules?” Tanong ko.

Bawal kang umuwi ng late, bawal hindi sumabay sa pagpasok at pag-uwi, bawal lumabas ng walang kasama o ng walang pahintulot ko, bawal mag-boyfriend—

Putangina ano bang kalokohan ‘yan?!

At bawal kang lumandi.

ANO?! WATDAPAK WITH THOSE STUPID RULES?!

Ano ‘yang bawal lumandi?! Mapipigilan niyo ba ang 'landi hormones’ ko?! At what the hell?! Sinong gumawa ng mga rules na ‘yan?! Tangina may saltik ata ‘yan eh! Sht! Ang dami-daming alam! Si Mama nga ‘di ako binabawalan sa mga ganyang bagay eh!

Sino ba kasing Poncio Pilato ang gumawa ng mga ‘yan?!

Ano bang sinasabi mo dyan?! Sinong nag-uutos niyan?!

Ako.” Walang kaemo-emosyon niyang sagot.

Gago ‘to ah! Sinong nagsabing pwede niya akong utusan ng mga ganyan?! Sinong nagsabi sa kanyang pwede niya akong pigilan sa mga gusto kong gawin?! Anong kalokohan ba ‘to?! Punyeta!

Ano bang pumasok sa kokote mo at sinasabi mo ‘yan sa akin?!” Pagalit kong tanong.

Ayaw na ayaw ko kasi ‘yung pinipigilan ako sa mga gusto kong gawin. Nung na-grounded nga ako nung second year high school eh nagdabog ako nang nagdabog, sinagot-sagot ko si Mama tapos tumakas-takas ako. Kasi ako ‘yung klase ng taong hindi pako-kontrol sa kahit kanino! Kaya bakit niya ‘ko ginagawan ng rules?!

Mawawala ng ilang weeks si Daddy at ang Mama mo, binilin ka nila sa akin.” Cold pa rin ‘yung mata niya. Parang wala siyang pake.

Hah! Pero hindi nila sinabing gumawa ka ng rules ‘di ba? Tumahimik ka nga! Di ko ‘yan susundin!

Tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Di ako ginawa ng mga magulang ko para lang kontrolin ng kung sino-sino. Fvck those rules! Bahala siya sa buhay niya. Kung ganun siya dati sa mga magiging kapatid niya sana –well, ibahin niya ako.

The next day, hindi ako sumabay sa kanya sa pagkain. Talagang inagahan ko kasi naiinis ako sa kanya. Control freak pala siya eh! Buset! Kaya siguro iniwan ng gerlpren niya =_______=

Di ‘rin ako sumabay sa kanya sa pagpasok. Bahala siya dyan. Andun din ‘yun sa rules kuno niya eh.

Balak ko ring hindi sumabay sa kanya sa pag-uwi. Bahala siya dyan. Wa ako pakels sa kanya!

***

--Fast Forward | Dismissal.

Hindi ako dumaan sa main gate ng University. Di rin ako dumaan sa building ni Colosseus para ‘di niya ako makita. Ayoko siyang kasabay. Na-bad trip ako eh! Akala ko okay na kami ‘yun pala control freak ang loko! Hmmpf! >____<

Papasyal muna ako!

--Zico’s Pov--

 

Damn! Nasaan ba ‘yung babaeng ‘yun?! Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng building nila pero wala siya! Pasado alasais na pero hindi pa rin siya lumalabas! Parang wala na ngang tao sa loob ng building nila eh.

Saan ba siya?!

Minabuti ko nang pumasok sa building nila para hanapin si Athena.

Tama nga ang hinala ko. Wala siya rito! Psh. Baka kasama nung bespren niya?

Inikot ko ‘yung buong University pero wala siya. Hindi ko siya nahanap! Patay! Baka na-kidnap siya? O baka naman sinadya niya talagang lumabas ng maaaga at hindi makisabay sa akin?

Alam ko namang nainis siya run sa rules na sinabi ko kagabi pero para ‘rin naman sa kanya ‘yun eh. Hindi naman ako gagawa ng mga bagay na ikasasama niya. Dahil nagbago na ako. Di na ako ‘yung dating Zico na nagpapahamak ng magiging kapatid para lang hindi matuloy ‘yung kasal ni Daddy. Iba na ako.

Hinanap ko siya kung saan-saan. Pabalik-balik ako ng bahay para i-check kung nakauwi na siya pero wala pa rin siya run. Taena wala kasi akong number niya eh!

Nag-aalala na ako! Oo, nag-aalala ako. Kahit naman papano mahalaga siya sa akin kasi magiging kapatid ko na siya. Tyaka binilin siya sa akin ng Mama niya. And I have to admit na sobrang bait ng Mama niya kaya hindi ko matanggihan.

And I still owe her.

Paikot-ikot lang ako dito sa daan. Alas otso na ng gabi pero ‘di ko pa rin siya mahanap. Paano na lang kung may mangyaring masama sa babaeng ‘yun? May pagkatanga pa naman ‘yun!

Bumaba na ako ng kotse para pumunta sa mga eskinita. Hinanap ko siya run pero wala akong nakita. Pumunta ulit ako sa kabilang eskinita at may natagpuan akong isang babaeng nakaupo at nakayuko habang yakap-yakap ang hita niya. Gets niyo ba? Basta ganun. Yung buhok niya, blonde rin parang kay Athena. Papalapit na ako nang marinig ko ‘yung iyak nung babae.

Boses ni Athena!

Siya nga ‘to! Sht! Anong ginagawa nito rito?!

Lumapit ako sa kanya at lumevel sa kanya. Hinaplos ko ‘yung buhok niya hanggang sa tumingin na siya sa akin. Sht, si Athena nga. Bakit ba siya nandito? Bakit ba siya umiiyak? Na-rape ba siya? Pero mukhang okay naman ‘yung damit niya ah? Anong nangyari?

Patuloy siya sa pag-iyak. Bukas ko na lang siya tatanungin.

Niyakap ko siya :3 Ang awkward. Pero bahala na. Umiiyak eh.

N-Natatakot a-ako…” Sambit niya. Tapos mas hinigpitan niya pa ‘yung yakap niya sa akin.

Shhh. Andito na ‘ko. I’m sorry…

Ano ba kasing pinaggagagawa mo sa sarili mo, ha Athena?

--Ericka’s Pov--

 

 

Shhh. Andito na ‘ko. I’m sorry…

Tapos bigla ko na lang naramdaman ‘yung malambot niyang labi sa noo ko. Watdapak?!

dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Puso ko! Mabilis na naman ang tibok! Punyetaaaaaaa~! Na-hold up na nga ako’t lahat-lahat nagawa ko pang lumandi?!

Oo, tama ang nabasa ninyo. Na-hold up ako. Buset kasi! Sasakay na sana ako ng bus nang bigla akong hilain sa eskinita at hold up-in! Binigay ko na lang sa kanila ‘yung wallet kong may laman na 100 pesos. Yun lang naman laman ng wallet ko. Tyaka wala ‘yung cellphone ko, nasa bahay naiwan ko. Kaya ‘yun lang binigay ko. Buti nga hindi ako pinatay o ni-rape!

Pero nakakapagtaka lang ha! Sa ganda kong ‘to, hindi ako ni-rape?! Heller! DYOSA kaya ako!

Sht, hindi ko naman gustong ma-rape! Nagtataka lang! Baka naman bading garci ‘yung hold upper ko? Yaan na nga! At least safe na ako at makakauwi na ako kasi andito na si Colosseus!  \*Q*/

Ay teka, umiiyak pala ako! Natatakot kasi ako nab aka hindi na makauwi T^T Wala akong pamasahe eh!

Si Colosseus! Siya lahat may kasalanan neto! Kung hindi niya lang sinabi-sabi sa akin ‘yang mga rules na ‘yan eh ‘di sana hindi ko maiisipang hindi sumabay sa kanya! :33

Uwi na tayo.” Sabi niya habang yakap pa rin ako.

Though ayaw ko pa kasi nga nakayap ako sa kanya at amoy na amoy ko ang pabango niya :”””> Hihi, ano bang perfume ginagamit niya? Nakakaadik ngay! Uwaaaaa *Q*  --AHEM! Kailangan na naming umuwi, nauuwi na rin ako! Gusto ko ng matulog!

Haaay… ang landi ko talaga! Pati pyutyur kafated ko nilalandi ko! Magtigil ka nga Ericka! Maria Clara ka, gaga! :)))))

So ayun, nauwi na rin kami sa wakas. Diretso ako kaagad sa kwarto ko at bagsak ako kaagad sa kama ko. Haaay! Pagod na pagod na ako eh! Gusto ko nang matulog kaagad pero bigla akong ginutom kaya lumabas ako ng kwarto.

Pagbukas ko nang pinto at paghakbang ko eh tamang-tamang nadulas pa ako! Wow talaga! Ang swerte ng araw ko ‘nu? Na-hold up na nga ako, pagod, tapos madudulas pa! Aish! >___<

Pero teka, may naapakan kasi ako kaya ako nadulas, ano ba ‘yun?

Tinignan ko ‘yung nasa paanan ko…

WOW TEDDY BEAR! *Q*

Eto ‘yung nasa kwarto ni Colosseus eh! Pero… pero hindi ito ‘yung hinihingi ko sa kanya! =3=

Di bale, cute naman ‘tong isang ‘to. Hihi. Si pyutyur kafated kaya ang naglagay neto dito? Inamoy ko ‘yung teddy bear, sht! Kaamoy na kaamoy ni Colosseus ah! Nakakaadik ang bango! :”””>

Uwaa! Ang cute talaga neto! Siguro peace offering niya sa akin. Hahaha!

Dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Yung puso ko talaga ayaw paawat eh ‘nu? Yaan na nga, at least may teddy bear akong kaamoy ni Colosseus! :)

Ano kayang ipapangalan ko rito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro