Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

{ TBUP -53: Long Night }

{ TBUP –53: Long Night }

 

--Psyche’s Pov--

 

…strangers, Psyche.

…strangers

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ‘yung sinabi ni Ericka. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin ‘yun sa utak ko, sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Sabi ko sa sarili ko dati hindi ko na siya hahabulin pero nang makita ko siya noon sa mall? Nung nakita ko ‘yung ngiti niya –alam ko kaagad na peke ‘yun. Alam ko kaagad na nagpapanggap siya… na nasasaktan pa rin siya… na mahal pa rin niya ako.

Akala ko rin dati sumuko na ako pero iba talaga ‘pag gusto ng puso mong sundan siya. Iba talaga kapag inutusan ka ng puso mong bawiin siya ulit. –Ah teka mali, ‘bawiin’? Kanino naman? May nagmamay-ari na ba sa kanya? Wala pa naman ‘di ba? Ako pa rin naman… ‘di ba?

Sana…

Hindi ko rin kasi makalimutan ‘yung lalakeng nakita ko sa sakayan nung bus nung isang gabi. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong may mali –may mali sa pagitan nilang dalawa. Oo, aamin kong nagseselos ako. Sino ba namang hindi magseselos kapag nakita mo ‘yung babaeng mahal mo habang may kasamang iba ‘di ba? Kahit sabihin niyang ‘wala lang’ ‘yung lalakeng ‘yun, ayokong maniwala. Mamaya nililigawan na pala siya nung lalakeng ‘yun?

Taena gwapo pa naman! Pero syempre… mas gwapo ako!

Alam ko namang naging gago ako eh, alam kong nasaktan  ko si Ericka, alam kong tarantado ako pero pinagsisihan ko ‘yun. Pinagsisisihan kong humanap ako ng iba, pinagsisisihan kong binaliwala ko si Ericka, pinagsisisihan kong nakipaghiwalay ako sa kanya at pinagsisisihan kong hindi ko siya kaagad hinabol pabalik sa akin.

Pero hindi pa naman huli ang lahat ‘di ba?

Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin… para sa amin…

Kaya eto na nga, napagpasiyahan ko na liligawan ko ulit si Ericka. Babalikan ko siya. Paiibigin ko ulit siya. Babalik kami sa dati, babalik kami sa mga panahong masaya kami –kaming dalawa lang. At ipinapangako kong kapag binigyan niya ulit ako ng isa pang chance –magbabago na ako, hindi na ako magpapakagago. Mamahalin ko na lang siya ng mamahalin, tama, ganun na lang.

Babawiin ko siya sa kung sino mang may ari sa kanya ngayon.

--Ericka’s Pov--

 

Aish! Bakit ba ako nagbabasa ng libro?! Di ko naman hilig ‘to ah! Tangina itatapon ko ‘to! Pucha, sino ba kasing nagsabing magbasa ako ‘di ba? Eh kasi naman, tanginang boredom ‘yan! Bakit kasi wala na naman si Mama?! Palagi na lang eh! Date, date, date! Puro date! Di ba sila nagsasawa ni Tito Sev sa pagdi-date?!

Buti pa ang kalendaryo at si Mama –may date! Eh ako? NGANGA! Pakshet!

Uyy ang korne ko na >____<

*creek* --sound epek ‘yan! Kunwari may tunog ‘yung pagbukas ng pinto xD

Augh? Lumabas si Colosseus sa kanyang kwarto! So ano na naman bang gagawin niya sa akin?! Porket wala si Mama at Tito Sev to-torture-in na naman niya ako?! Oh please!

HUWAG PO! HUWAG PO KOYAAA! HUWAG POOOOO~!

Tangina, gagahasain ba niya ako?! Alam ko namang kahalay-halay ang DYOSA kong mukha at katawan pero sa tingin ko naman eh hindi ako magagawang pagsamantahalan ni Colosseus. Bakit? Eh bading eh! Anong mahihita ko dyan?! Amff =________=

Ayy teka, bakit papalapit si Koya? –Ay wait lang, kailangan ko namang sanayin ang sarili kong tawagin siyang ‘kuya’? Eh kasee~ feeling ko ‘di bagay! Sa unang tingin kasi parang magkasing edad lang talaga kami pero kung tatanungin mo kaming dalawa, eh third year college na siya samantalang ako freshman pa lang. Oh ‘di ba? Kaya no need sa pagtawag sa kanya ng ‘kuya’, ‘di ko peg eh.

So ‘yun nga, bigla siyang lumapit sa akin tapos… tapos… sinuotan ako ng beats?!

ANYAREEEE?!

Pwede bang kurutin niyo ako ng bonggang-bongga para magising ako sa bangungot na ‘to?! At pwede bang pakisampal si otor kasi baka na-typographical error lang siya?! Hindi ako maniniwalang susuotan ako ng beats ni Colosseus nu! Over my dead gorgeous DYOSA body! Like DUH?! Baka suotan ako ng tali sa leeg pwede pa pero… beats?! HELLER?!

Teka nga Ericka! Bakit ka ba nagiging OA eh BEATS lang ‘yan! Maging OA ka kapag singsing na ang isinuot sa’yo ni Colosseus nu! >____<

B-Bakit…?” Eh kase tulaley ako sa ginawa ni pyutyur kafated kaya ganyan lang nasabi ko =______=

Ang cold cold pa rin nung mata niya pero parang gusto kong maniwala na nagiging mabait na siya sa akin! Pero bakit? Bakit siya magiging mabait sa akin? O___O

*dug.dug.dug.dug.dug*

Holy sht! Don’t tell me puso ko ‘yun?! Don’t tell me… tumitibok ‘yun?! –Malamang buhay ako kaya tumitibok pero… oh fvck! Bakit mabilis?! Bakit nga ang bilis?! De seryoso, bakit tumitibok ‘yung puso ko ng ganito kabilis?!

Ay shet! Magtino ka Ericka! Gaga ka!

Napalunok na lang ako ng dumako sa mapupula niyang leps (lips xD) ang mata ko. Shaks! Ang pula nga :”””>

Teka nga! Bat ba kasi ang lapit-lapit na naman niya sa akin?!

Gamitin mo ‘yan para makapag-concentrate ka.” Sabi niya sa akin.

Tapos… tapos… tapos… pinatong niya ‘yung kaliwang kamay niya sa ulo ko!! He patted my head! Shemay! Sinasapian ba si Colosseus?! Sabihin niyo nga sa akin?! Anong nangyayari sa kanya?! Mamatay na ba siya kaya nagiging mabait na siya sa akin?! Putaaaaaaaaaaa~!

Kumalma ka Ericka! Hindi mo ba naaalala ‘yung sinabi ni Qaz sa’yo? Baka tactics niya lang ‘to para mainlab ka sa kanya at hindi matuloy ang kasal ni Mama at Tito Sev! Kaya umayos ka Ericka! Hindi ‘to totoo! Palabas lang ni Colosseus ‘to, okay?! Hindi siya mabait! Hindi siya tunay na mabait! Joke niya lang ‘to! Tumawa ka bilis! HAHAHAHA –tangina mababaliw na ako >_______<

Yung puso ko! Ganun pa rin! Hindi pa rin mapakali! Bakit ba ayaw tumigil ng puso ko?! –Aww ang gaga ko, ‘pag tumigil eh ‘di automatic patay na ako! Ang autistic ko talaga!

Pero gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ‘to!

Una, sinundo niya ako. Pangalawa, binilhan niya ako ng gamot. Pangatlo, tinanong niya kung anong relasyon namin ni Psyche at ngayon! Ngayon sinuotan niya ako ng beats!

Parang noon lang ang sungit-sungit niya sa akin, naiinis siya, galit siya. Ayaw niya sa amin ni Mama, pinapalayas niya nga kami eh. Pero bakit ngayon…? Biglang nagbago?

Tama… baka tactics niya lang talaga ‘to para mainlab ako sa kanya… para hindi matuloy ang kasal nila Mama at Tito Sev.

Psh! ASA siyang mahuhulog ako sa patibong niya! Laro ang gusto niya? Sige! Pagbibigyan ko siya –pero sisiguraduhin kong sa larong ‘to, hindi ako ang matatalo.

Hindi ako ang mahuhulog sa kanya.

--Zico’s Pov--

 

Damn! Kailan pa siya nagsimulang maging cute sa paningin ko? Oh hell… hindi naman ako naka-drugs ah? Pero bakit ganun?

She’s so cute when she’s clueless!

Aish! Stop it Zico! You just owe her that’s why you’re doing this, right?

Tama, tumatanaw lang ako ng utang na loob. Pero hanggang kailan? Matagal-tagal na rin nang damayan niya ako sa Puerto Galera noon ng hindi niya namamalayan. Wala siyang alam na ang pagpunta niya run at pag-stay sa tabi ko kahit nagkasala ako sa kanya ay isang form ng ‘pagdamay’.

Simula nung ibigay niya ‘yung picture sa akin, simula nung sabihin niyang hindi naman daw ako kasing selfish katulad ng iniisip niya dati –naging magaan na ‘yung pakiramdam ko sa kanya. For the first time kasi, may isang taong nakaintindi sa akin. May isang taong nakakita na hindi naman talaga ako selfish katulad ng inaakala ng lahat.

At si Athena ‘yun.

Wala akong balak maging close pa sa kanya… but just by seeing her! It’s like she has a gravitational pull that causes me to get close to her more even if I really don’t have an intention!

Paanong nangyaring bigla na lang naging ganito ‘yung pakiramdam ko kapag andyan siya?

What the hell… is she a witch?

--Ericka’s Pov--

 

Wala pa si Mama? Grabiti, hating gabi na ah! Pero bakit ako, gising pa? Hindi ko rin maintindihan eh. Simula kasi kanina ‘di na ako nakatulog. At take note! Nakasuot pa rin sa akin ‘yung beats ni Colosseus. Kahit walang tugtog, sinusuot ko pa rin. Ewan?

Kasi nung sinubukan kong tanggalin kanina sa ulo ko at tinignan ko ‘yung beats eh hindi na naman mapakali ang hinayupak kong puso! Kaya sinuot ko na lang ulit! Kapag nakikita ko kasi ‘tong beats na ‘to naalala kong sinuot ‘to mismo sa akin ng pyutyur kafated ko! At magsisimula ulit mag-dokidokidok ‘tong puso ko. Pakshet lang ‘di ba?

Haaay! Oo na! Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa pyutyur kafated ko! Shet!

Naglakas ako ng loob na tanggalin ‘yung beats, pinikit ko ‘yung mata ko para ‘di ko makita tapos nilapag ko sa kama ko at tumakbo sa labas ng kwarto. Nagugutom ako eh :3

Pumunta ako ng kitchen at… PUNYETA! Bakit andito rin si Colosseus?! Talaga bang hindi niya ako papatulugin nang dahil sa mabilis na pagtibok ng heartlalu ko? Gaguhan lang?!

So no choice. Pumwesto ako sa mesa. Bakit ba?! Alangan naman na kumaripas ulit ako ng takbo nang dahil lang nandito siya? Eh gutom ako! Kaya hayaan na!

Mas lalo kang hindi makakatulog niyan.” Sabi ko sa kanya.

Eh kasi humihigop siya ng kape. Sino ba namang matinong tao ang magkakape sa ganitong oras lalo na’t antok na antok na siya?! Di ba? Si Colosseus lang! At para sabihin ko sa inyo, hindi siya matino :3

Paki mo.

Great! Just great! Gagong ‘to! Matapos akong pakiligin –tangina, mali ‘yung na-type ni otor! Di ako kinilig okay?! Re-phrase! Matapos niyang patalunin ang puso ko ng bonggang-bongga babalik na naman siya sa pagiging taong yelo niya?! Ano ‘to, ha?! Ano ‘to?!

Ayaw mo ‘yun, concern ako sa’yo!” Sabi ko.

Ayoko.

Kdot! Ayaw eh ‘di huwag :3 Bwesit!

So nagtimpla na lang ako ng hot chocolate milk para makatulog ako. Weee~ Samantalang umiinom ako ng chocolate milk ko, hindi maiwasan ng mata kong tignan si Colosseus. Grabiti, ang perkpekto pala niya? Tignan mo oh! The nose is so tangos! And the lips is so red, full of blood! –Augh, para naman akong vampire sa comment ko tungkol sa lips niya! Pero yaan na! Okay, and the eyes! Omegesh –the eyes!

I really don’t like his eyes =________=

Eh kasi, ang cold. Siguro ‘yung mata niya lang ang pinaka-ayaw ko sa mukha niya. Pero all in all, GWAPO.

Teka nga, aantukin ba ako kapag dinescribe ko siya sa inyo? Amff!

Magkwento ka nga!” Sabi ko sa kanya.

Ikaw muna.” Uyy at least hindi siya umayaw! Ibig sabihin, gusto niyang makipag-chismisan! Mwehehehe~

Uhmmm… alam mo ba, niloko ako ng boypren ko?” Sabi ko sa kanya with matching ngiti.

Bakit ba? Di na ako bitter ngayon nu! I’m very glad to say na –NAKA-MOVE ON NA AKO. ITAGA NIYO ‘YAN SA MOUNT PINATUBO!

 

Nung una mukhang mahirap pero kung gugustuhin mong maka-move on, kakayanin mo. Parang ang dali ‘di ba? Hindi rin, medyo matagal-tagal ‘din ang tatlong buwan nu. Tatlong buwan na pagmo-move on? Nako, ‘yung ibang story nga isang araw or dalawa pa lang naka-move on na eh!

Ano ‘yun, PBB TEENS? Psh.~

Bakit parang masaya ka pa?” Tanong niya sa akin.

Masaya ako kasi naka-move on na ako. Kaya ‘di na ‘ko bitter.” Sagot ko sabay higop sa chocolate milk. Tsarap!

Yun ba ‘yung kasama mo nung sumakay na ‘ko ng bus?

Ayy oo! Ang gwapo nu? Pero tangina lang! Isa ring gago amputa!

Bat para akong lasing habang nagkwe-kwento? Nakakalasing ba ang chocolate milk? O____O Kelan pa?

He doesn’t deserve you.

Ewan ko. Hindi ko alam. Nababaliw na ako. Bukas na bukas, ako na mismo ang magpapasok sa sarili ko sa mental hospital.

Tangina bat ako nangiti nung sinabi niyang, “He doesn’t deserve you.”? What’s the meaning of this, huh?! Anong kangiti-ngiti dyan ha Ericka?!

Umayos ka sabi! Tactics niya lang ‘yan! Huwag kang padadala!

Ikaw naman magkwento!” Nilabas ko ‘yung peksyur niya na nakangiti.

Eh kasi. Di ko naman alam na nasa bulsa ko pala :3 Baka naglakad papuntang bulsa ko? K, korni. =________=

Nilapag ko ‘yung peksyur sa mesa.

Anong nangyari sa kanya?” Tanong ko.

Nakita ko ang galit sa mata ni Zico. Nalaman kong may magandang maidudulot ‘yung pagtingin ko sa mata niya. Dahil ngayon, alam ko na na sa tuwing titingin ako sa mata niya –makikita ko ang nararamdaman niya. Eto pala ang gateway ng mga emosyon ng isang Colosseus Zico Zarte –ang mga mata niya.

Bakit mo gustong malaman?” Tanong nito.

Para patas tayo. Nagkwento ako, kaya dapat ikaw rin!

I loved her. Happy with that?

Muli’t muli, nakita ko na naman ‘yung lungkot sa mata niya. Talagang nagre-reflect sa mata niya ‘yung mga emosyon niya! Kahit madalas eh pokerface lang siya, sa mata talaga makikita ‘yung totoong nararamdaman niya! Wow, asteeg si pyutyur kafated!

Yung her ba… ‘yung future kapatid mo sana… noon? Yung… na-kwento ni Qaz?” Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Uminom lang ulit siya ng kape niya. Silence means yes ‘di ba?

Naka-move on na kaya siya?

Para kasing hindi… ‘yung mga mata niya kasi… nalulungkot.

Bakit hindi ka na lang magmahal ulit?” Suggestion ko.

Ay teka! Napipikit na ‘yung mata ko! Grabiti, epektib talaga ‘yung chocolate milk kapag inaatake ako ng insomnia! Gusto ko ng matulog!! =3=

Because there’s no one like her… no one like— asdfghjkl.

Putek! Ano ‘yung huling sinabi ni Zico? Naantok na ‘ko eh. I feel so dizzy… ‘di ko na narinig.

Aww, goodbye world. Meme na ako :33

--Zico’s Pov--

 

Because there’s no one like her… no one like— YANNA.

Pagkabanggit ko nang pangalan ni Yanna bigla na lang bumagsak ‘yung ulo ni Athena sa mesa. Knock out? Psh, nakatulog na.

Somehow, she’s so tough. Imagine, her ex-boyfriend cheated on her but she remained resilient.

Saan kaya kumukuha ng lakas ‘tong babaeng ‘to? Gusto kong malaman –paano siya naka-move on.

I wanna know, so I could try. So I could forget Yanna.

Tinapos ko lang ‘yung kape ko tapos binuhat ko na si Athena papunta sa kwarto niya so she can sleep very well. Hindi naman siya magiging komportable sa upuan ‘di ba? Inihiga ko na siya sa kama niya at kinumutan siya. I found my beats on her bed, I picked it up and put it in a table inside her room. After that, I took the last look –last look on her face before I vanished beside her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro