{ TBUP -51: Enrolled }
{ TBUP –51: Enrolled }
--Ericka’s Pov--
Tangina. Tangina lang talaga. Pasensya na kung mura kaagad ang nabasa niyo. Pero sigurado naman ako –mapapamura rin kayo kapag nalaman niyong isang week na lang! Isang week na lang papasok na ulit ako. Putrages lang! Ayoko pang pumasok eh! Hindi ko pa nasusulit ‘yung bakasyon ko tapos next week –pasukan na?! What the hell ‘di ba?
Kaya ito kami, kakatapos lang magpa-enroll. Grabiti, first year college na ako. Mahirap kayang maging college? Ano bang ginagawa run?
May mga gwapong lalake kaya?
Sht, Ericka, mag-aaral ka, hindi ka mangingisda at bibingwit ng pogi rito =_______=
Kasama ko kasi si Carmeen kaya nahahawa ako sa kalandian niya. Tsk tsk.
“Oyy Meenie, whatcha doin’?” Tanong ko sa kanya sabay kulbit.
“Teka teh! May pogi— ARAY!” Sinapok ko nga =______= Gwapo gazing na naman kase ginagawa eh may boypren siya!
“Gagu ka ba? Di ba may boypren ka? Bat ka lumalandi?” Tanong ko sa kanya.
At ang bobita tinaasan pa ako ng kilay! “And so? Cool-off kami ‘teh. Yaan mo~”
At sinapok ko ulit siya. Boba! Cool-off lang lumalandi na kaagad?! Di ba pangangaliwa pa rin ‘yun? Tangina, kami nga ni Psyche walang cool-off, cool-off pero nagawang mamangka sa pangalawang ilog eh! Punyeta eh nu? Kaya isinusumpa ko ‘yang pangangaliwang ‘yan!
Mamatay na lahat ng two timer ampota!
“Boba-bels ka! Bago ka lumandi, i-break mo muna! Huwag ‘yang kakaliwain mo!” Pangaral ko kay Carmeen.
“Ingay niyo.” O_______o
Oo nga, nakalimutan kong sabihin sa inyo, kasama pala namin si pyutyur kafated. Dito rin kasi siya nagpa-enroll. Kasi… third year college na sana siya sa Austen University pero pinalipat siya ni Tito Sev. Gusto niya raw kasi magkasama kami nitong si Colosseus sa iisang university para mabantayan namin ang isa’t isa.
So in short, body guard ko siya, body guard niya ako. Ang kapal ‘nu? =________=
Eh ewan lang dito sa Colosseus na ‘to. Naiirita na nga ako kasi ang daming natingin sa kagwapuhan niya. Ewan ko kung kilala niya pero err, halos lahat ata ng madaanan namin tumitingin sa kanya. Mapa-babae man o lalake –in short, bading. Guys! Alam ko namang gwapo ang pyutyur kafated ko pero pwede bang huwag niyo namang tunawin?! >______<
“Oy gags, ano pa lang course mo?” Tanong ni Carmeen sa akin.
“MassCom besh. Ikaw?”
“Tourism. Ayus daw dun eh, walang math.”
Oo nga, ayus. Walang math! Eh kase, gusto kong mag-mass communication eh. Gusto kong maging reporter. Ewan lang, para naman maging makabuluhan ang buhay ko.
Si Colosseus kaya? Anong course neto? O.o
“Bading, anong course mo?” Tanong ko sa kanya.
Nasa gitna kasi ako ni Carmeen at Colosseus.
Tumingin siya sa akin ng masama. Bakit? May nasabi ba akong mali? Tapos ‘di niya ako pinansin at naglakad ulit siya. Anyare?
“Ogags ka besh, tawagin mo ba namang bading eh ‘di nagalit sa’yo!” Si Carmeen.
Ay oo nga. Hehehe, pasensya naman. Di ko kase makalimutan ‘yung teddy bears niya sa kwarto niya tapos ‘yung pagiging matatakutin niya sa horror movies.
Tapos ‘yung unbuttoning session namin…
Oh, putrages, scratch that! >______<
So ayun, sinundan ko si Colosseus, si Carmeen kase lumiko. Maglilibot daw siya. Sabi niya sumama ako pero ayaw ko nga. Gusto kong kasama si Colosseus –I mean, tinatamad akong maglibot :3 Kaya hinabol ko na lang si pyutyur kafated.
“Oyy, ambilis maglakad?! May date?!” Sabi ko sa kanya.
Eh inirapan niya lang ako. Bakit ba ang bading niya?!
“Ano nga kase course mo?” Tanong ko.
“Chemical Engineering.” Matipid niyang sagot.
Chem. Eng? Di ba puro math ‘yun? Taena nakakabobong course ‘yun ah! Pero na curious ako. Gaano kaya kagaling sa numbers si Colosseus?
So ayun. Naglakad lang kami ng naglakad. Di pa rin natapos ‘yung pagtingin-tingin nung mga babae sa kanya. Di ba siya naiirita?! Kasi ako kanina pa naiinis! Pag ako napuno, isa-isa kong babatuhin lahat ng titingin kay Colosseus dito!
Ay taena, para namang pinagdadamot ko sa ganung lagay si Colosseus. Ano ko siya, boypren? Yuck >________<
“Kuya, kuya, girlfriend mo ba?”
Ayun na. Ito na nga ba sinasabi ko eh. May babaeng naka-make up na kasing kapal ng mukha niya na lumapit sa amin. Tapos tinanong ‘yun kay Colosseus. Hindi ko na sana papansinin pero alam niyo na ako… curious. Curious sa isasagot ni pyutyur kafated. Asaness naman akong sasagot siya na girlfriend niya ako nu? Pero like, duh! Hindi ko naman pinangarap =______=
Tumingin sa akin si Colosseus tapos…
“Hindi.” Sagot niya run sa girlash. Kdot!
Hindi ako nainis sa sagot ni Colosseus, kasi bakit nga naman ako maiinis? Nainis ako run sa hirit nung babae!
“Ayy, buti na lang po. Hehe. Di po kayo bagay eh.”
Oh ‘di ba! Sarap bigwasan all over the fes! Kung hindi lang masamang kumatay ng baboy –este tao kanina ko pa ‘to tinadtad ng pinong-pino! Anong ibig niyang sabihin sa hindi kami bagay, ha?! Panget ako tapos si Colosseus gwapo?! O panget si Colosseus tapos ako DYOSA?! Ay parang mas bet ko ‘yung pangalawa ah! :)))
Pero bwisit ‘to talaga ‘to! >_______<
“At sino sa tingin mo ang bagay sa akin, ikaw?” Woah! Tanong ni Colosseus oh!
Tapos medyo nag-blush ‘yung babae at nagpa-kyut. PAKYU—t! >___________<
“Sa tingin niyo po? Hihi, pwede po :””>” With matching ngiti pa! Ngiting aso naman!
Oh noes! Colosseus, don’t tell me pumapatol ka sa mga ganyang breed?! Na-clone ata sa unggoy ‘yan eh! Putrages!
“Psh. Pathetic…” Tapos dinaanan niya lang ‘yung babae tapos naglakad na.
Mwhahahaha! Colosseus, IDOL! Akala ko papatol na siya sa ganung mga mukha eh! Yung itsura nung babae? Mukhang dinaanan ng trak, times 2! Lol. Put@ imba! xD
Lumingin ako ‘run sa babae tapos bineletan siya. Mwhahaha! Akala niya ha! Dyosa kasi ako, gwapo si Colosseus kaya bagay kami! OHA! –Potek anong sinasabi kong bagay kami?! Joke lang ‘yun ha! Tumawa kayo bilis! Taena, lutang isip ko =_________=
Agad na lang akong sumunod kay Colosseus.
“Akala ko papatol ka na sa mga ganung mukha eh! Mwhahahaha!” Sabi ko sa kanya.
“Tss… ikaw nga ‘di ko pinatulan, ‘yun pa kaya. ”
Putanginaaaaaaaaaaa~! Akala ko pa naman kakampi ko ‘tong pyutyur kafated ko! Nakalimutan kong nagmamaasim pa rin pala ‘to sa akin! Sht, basag ako! T^T
So tumahimik na lang ako…
“Nung nasa bus na ako, may lalake kang kasama.” Pahayag niya sa akin.
Agad naman akong napatingin sa kanya. Lalakeng kasama? Ahh –‘yung gago! Si Psyche =____= Nakita niya ‘yun? OYY STALKER! Lol, de seryoso na. Bat naman bigla siyang naging interesado?
*Q*
Baka kras niya si Psyche?!
“Ah ‘yun…” Naisagot ko na lang.
“Boyfriend mo?” Tanong nito sa akin.
Tama ang hinala ko! Kras niya si Psyche! OMEGESH! *Q*
Pero naalala ko si Psyche, ‘di ba tinanong niya rin kung boyfriend ko si Colosseus? Lels, si Psyche alam ko nagselos ‘yun eh. Eh si Colosseus? Selos ‘din kaya? Waw bongga ha! Yung buhok ko abot na ng edsa! :)))
“Ex ko.” Sagot ko sa kanya.
“Ah. Ang bata mo pa.”
Bata?! Heller! Dalaga na po aketch! Amff >______<
“Kung makapagsalita naman ‘to lolong-lolo ang dating ah! Ikaw nga, P-ni-BB teens mo ‘yung magiging kafated mo sana noon!”
Bigla siyang napatingin sa akin ng masama –as in sobrang sama! Tapos naramdaman ko na ‘yung balahibo kong nagsitaasan! Taena, nakakamatay ba ang tingin?! Kasi kung oo baka kanina pa ako pinaglalamayan dito! Taena, ang daldal ko kase!
“Sinong nagsabi?” Tanong niya with his cold eyes and cold voice! Brrr~!!
“S-Si Qaz!” Sagot ko.
“Ang daldal…”
Hala baka mag-away sila ni Qaz?! Ayy –and so? Eh ‘di magpatayan sila. Pake ko? xD Tyaka totoo naman ATA eh! Ginurlpren niya ‘yung magiging kapatid niya sana noon! Eto na naman ako! Nacu-curious! Ano kayang nangyare sa kanya? Paano niya kaya P-ni-BB teens ‘yung babae? O.o
“Akala ko DYOSA ka, chismosa pala.” –Colosseus sabay lakad ng malayo!
Omo! Galit na siya nun? Pero totoo naman ako ah! Dyosa ako :33 Di ba pwedeng pagsabayin ang pagiging dyosa at chismosa?
--Zico’s Pov--
Psh. Matutuwa na sana ako sa kanya. Sinisimulan ko na kasi silang tanggapin sa pamilya namin, kahit paunti-unti kasi nga nag-give up na si Mommy pero… damn! Bakit kailangan pa niyang ipaaalala sa akin ‘yung maling nagawa ko?
Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa aking minahal ko ‘yung magiging kapatid ko sana… dati?
***
--Meanwhile.
--Carmeen’s Pov--
Naglilibot ako sa buong University. Humahanap ng gwapo? Hindi ah. Eching ko lang ‘yun. Di ko naman magagawang kaliwain si Elzid! Mahal ko ‘yun nu! Mahal na mahal <3 Inaaliw ko lang ‘yung sarili ko. Nag-away kasi kami ni Elzid sa phone kagabi. Ewan ko. Bigla na lang uminit ‘yung ulo ko kasi sa ibang school siya mag-aaral. Pero kani-kanina lang na-realize ko na dapat hindi ko siya sinasakal… kasi baka ulitin niya ‘yung ginawa niya noon. Yung pakikipag-relasyon sa iba. Baka magsawa rin siya sa akin gaya ni Psyche kay Ericka.
Kaya magsosorry na lang ako mamaya…
Ako naman may sala eh T^T
Mahal na mahal ko talaga si Elzid kah—
“Hey Meenie…”
Woah!~ kahit… kahit andito sa harapan ko si Qaz? *Gulp* O______________O
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro