{ TBUP -50: Sushi }
{ TBUP –50: Sushi }
--Ericka’s Pov--
Party?
Magpapa-party kasi si Tito Sev. Bakit? Celebration daw ng paglipat namin tapos engagement party nila ni Mama. Odiba bonggacious? Kaya pala nagmamaasim na naman ‘tong si pyutyur kafated eh. Walanghiya sinusumpong ng mood swings? But I don’t care. Basta masaya si Mama, wala akong pakialam sa kanya.
Pero nalulungkot kaya siya? Kasi nga ‘di ba, gusto niyang mabuo ‘yung pamilya niya tapos ngayon… wala na… ngayon… baka hindi na matuloy. Kasi ikakasal na talaga sila ni Mama at Tito Sev.
Pero bakit ko naman ipagpapalit ‘yung kasiyahan ng Mama ko para lang sa kasiyahan niya?
Minsan, kailangan mong maging selfish, hindi para sa sarili mo pero para sa taong mahal mo.
Teka nga’t makapag-ready na lang. Kailangan ko pang pagandahin ‘yung sarili ko. Kahit naman dyosa na ako eh dapat mas maging dyosa pa ako. Malay niyo makahanap ako ng papables :””>
--Zico’s Pov--
Psh. Hindi ako sanay manahimik na lang sa isang tabi. Nasanay na akong may ginagawa para hindi matuloy ‘yung kasal ni Daddy kaya labis akong naninibago ngayon. Nakakainis! Hindi ko maiwasang isipin si Mommy. Hindi ko maiwasang isipin na habang nagsasaya si Daddy kasama ang iba si Mommy… nahihirapan… nasasaktan.
Bakit kasi bigla na lang sumuko si Mommy. Pwede pa naman kaming mag-isip ng iba pang paraan para hindi matuloy ‘yung kasal ah! Nang dahil lang ba sa hindi ko kayang gawin ‘yung dati susuko na siya?
Hindi. Kailangan kong makausap si Mommy.
Naka-ilang rings ang phone ni Mommy tyaka niya ‘yun sinagot. Nakalimutan ko, umagang-umaga sa America malamang eh naistorbo ko ang tulog ni Mommy.
(“Zico?”) Si Mommy.
“Mommy… you sure? Susuko ka na ba talaga?” Agad kong tanong sa kanya.
(“Yes. Susuko na tayo. Ang dami ko nang nagawa anak, and I think it’s about time to give up. Ayoko nang habulin ang Daddy mo. Hindi nga matutuloy ang kasal, pero hindi na siya babalik sa akin. Hindi niya pa rin ako mamahalin.”)
Bakas ang lungkot sa boses ni Mommy. Napapaisip tuloy ako kung ilang beses siyang umiiyak sa isang araw. Kung gaano siya nasasaktan. Kung gaano siya nalulungkot. Naiinis ako. Ayokong nasasaktan si Mommy. Gusto ko, masaya siya.
“We can still do something.” Sabi ko.
(“No Zico, we can’t. Tama na. Besides, marami ka nang isinakripisyo para sa akin. Para maging masaya ako. Bakit hindi naman ang sarili mo ang pagtuunan mo?”)
Yeah. Kahit ‘yung babaeng mahal ko, isinakripisyo ko para lang kay Mommy. But I don’t regret anything. Naging masaya si Mommy. Lahat gagawin ko, maging masaya lang siya.
Kahit hindi na lang ako…
…kahit si Mommy lang.
(“Bakit hindi mo siya hanapin? Or… maghanap ka ng bago? Zico, you need someone.”)
“Mom…”
(“I’m hanging up now. I need to go to work.”)
“May trabaho na kayo?” Gulat kong tanong.
(“Oo naman, hindi naman ako pwedeng umasa na lang sa mga perang pinapadala mo. Sige na, take care Zico. I love you…”)
Binaba niya na ang telepono.
Is she serious?
About giving up?
Pero kung patuloy ko siyang pipiliting kunin si Daddy, baka mas lalo lang siyang masaktan. I’ve seen her cry a river because of my father. And I can’t let that happen again.
So, yeah… give up?
And find her? No, siya ang nang-iwan sa akin. She left without telling me any single sigh. Why would I chase her?
--Ericka’s Pov--
Augh. Ang bilis ng oras mga dre! Kanina 1:00 pa lang, ngayon 7:00 na. Ibig sabihin, party na. Naririnig ko na kasi ang mga busina sa labas ng bahay eh. Mga businang galing sa sasakyan ng mga Zarte. Sabi ni Mama halos lahat dawn g buong angkan ng mga Zarte nandito! Ano kayang itsura nilang lahat? Magaganda? Gwapo? Hottie?
Sht, malamang naman! Si Tito Sev, gwapo! Si Colosseus, gwapo. Si Qaz, hot! Paano pa kaya ‘yung ibang mga Zarte ‘di ba? Iniisi p ko nga eh, may pangit bang Zarte?
Well, we will see :)
Bumaba na ako mula sa kwarto ko. Ako na nag-make up sa sarili ko. Busy kase si Mama. Di ko pa nga siya nakikita eh. Siguro masyado siyang nagpre-prepare. Malamang engagement party. Dapat super bonggacious siya ‘run ‘di ba? Grabiti, sa wakas, ikakasal na si Mama!
Yung oh-so-good-for-nothing ko kasing ama eh hindi siya pinakasalan. Binuntis lang tapos, BOOM! Nawala ng parang bula ng surf =____=
Pagkababa ko sa hagdan agad kong nakita ang isang gwapong-gwapong si Colosseus. Nakatingin siya sa akin pero cold pa rin ‘yung mata niya. Waw ha! Di man lang ba siya nagandahan sa akin?! DYOSA KAYA AKO! Grabiti, baka nga bading siya?! Amff >_<
Super mega ultra sayang!
Nang makababa na ako eh agad niya akong inirapan. Woah! Baka nainggit sa dyosa kong mukha ang gaguu? Hah! Dapat kase magladlad na siya para makapagsuot na rin siya ng mga ganito! :))))
“Ang ganda ko nu?” Tanong ko sa kanya habang natatawa.
Tinignan niya lang ako with his cold eyes tapos iniwas ang tingin sa akin.
Anyaree?
“Mukha ka nang tao.”
Ano raw?!!!
So nung hindi ako nakaganito, hindi ako mukhang tao?!
Watdapak! Ano ako, mukhang unggoy?! Punyetik lang! Sa ganda kong ‘to mukha akong unggoy?! Like duh! Super layo naman ng peslaks ko kay Kingkong nu! Dyosa kaya ako! DYOSA! >__________<
Nauna na siyang lumabas sa may garden tapos sumunod na lang ako. Pagkalabas ko sa garden eh… OH MY FCKING WOW! O_______O
Totoo nga! Walang Zarte na panget! Like WOW MUCH! Lahat sila pinaglihi kina Adonis at Venus! Tapos ang sosyal pa ng dating nila! Grabeeee Ericka! Huminga ka!!
Nako kung andito lang si Carmeen baka ibinalandra na niya ang sarili niya dahil sa dami ng papables! Tangina hindi kasi ako makalandi! Nakakahiya kaya =_________=
“Goddess!”
Speaking of Carmeen… andito na ang ‘the first’ kuno ni Carmeen.
Si Qaz.
“Augh. Hi…” Walang gana kong bati sa kanya.
Eh kase alam ko namang lalandiin lang ako neto eh! Napaisip tuloy ulit ako…
…lahat kaya ng mga Zarte malandi at may tinatagong kamanyakan? xD
Sht Ericka, umayos ka!
“Sabi ko na nga ba eh, dapat talaga kitang paibigin. Sa ganda mong ‘yan, kung magiging girlfriend kita lahat ng girlfriends ko ngayon ibre-break ko.”
What the fvck! Lahat ng girlfriends ha?! AS IN WITH ‘S’! Plural form! Punyeta ang playboy! Mga playboy dapat ihagis sa ilog Pasig at ipakain sa buwaya eh! Tongue in a moo po! >____<
Ano kaya nagustuhan ni besh dito? Eh puro kalandian ang nasa utak!
“Yuck Oppa, why so panget?!” Huh? O.o
Out of nowhere eh biglang may lumitaw na kutong lupa –ay mali! Bata pala =________= At wait! Kuya raw?! Ibig sabihin kapatid ni Qaz ‘yang kyut na bata?!
Like wow! Pati batang Zarte hindi rin pala papahuli sa kagandahan! Sht, parang manika ngay! Parang ang ganda tuloy niyang isilid sa isang Barbie house at i-pad lock ‘dun poreber! xD
“Augh Sushi! Dun ka nga kay Zico!” Suway ni Qaz ‘dun sa batang babae.
“Andwae!! I must guard you! You filthy manwhore!” Omaygash!
[andwae means ‘no’ in Korean.]
Ang liit-liit lang niya tapos diretso mag-english?! Parang mga tatlong taon lang ata eh? Di ba dapat ‘yung mga ganito edad eh bulol-bulol pa?! Pero bakit siya diretso ng magsalita?! Grabiti, ang sosyal!
Tinakpan ni Qaz ‘yung bibig nung batang babae na tinawag niyang Sushi. Di ba pagkaen ‘yun?
“Yaaa Oppa! Get off me!” Tapos tinulak ni Shushi raw ‘yung kamay ni Qaz.
“Uhmmm, Ericka, sorry ha? Pasensya ka na rito sa kutong lupa na ‘to. Sarap tirisin eh nu?”
Nag-nod na lang ako tapos ngumiti. Ang kyot kasi nilang mag-kuya! Para silang mga bata :3 Well, ‘yung isa bata talaga =_______=
Tapos biglang tinawag ni Zico si Qaz. May naghahanap ata sa kanya? Kaya ito, naiwan ako kasama ‘yung sosyal na bata.
“Hii!!” Masiglang-masiglang bati sa akin nung bata.
“Hello.”
“What’s your name, milady?” O.o
“Ericka.” Ang tipid kong sumagot. Ganun talaga ako sa bata eh.
“Mmmm! Sushi-imnida!” Sabay bow ng 90 degrees.
Teka nga, Koreana ba ‘to?
“Koreana ka ba?” Tanong ko.
“Aniyo. But I grew up in Korea because of a business trip!”
“Ahh…”
Sinenyasan niya akong yumuko at lumapit sa kanya.
“Ericka-unnie, kyeoptaaa!” Tapos bigla na lang niyang kinurot ‘yung magkabilang pisngi ko.
[kyeopta means ‘cute’ in Korean.]
Anak ng! Sht, masakit ‘yun ah! Itatapon ko rin ‘to sa Ilog Pasig!! >_______< Tangina, may blush on na nga ako tapos madadagdagan pa ‘yung pagkapula ng mukha ko nang dahil sa batang ‘to! Put@!
Aish! Habaan mo ang pasensya mo Ericka! Bata lang ‘yan! Huwag mong sasaktan! Huwag mong mumurahin! Huwag mong tatadyakan! Huwag mong bibigwasan!
Hinimas-himas ko na lang ‘yung pisngi kong kinurot niya tapos naglakad. Maglilibot na lang ako sa garden. Mao-OP lang ako run eh. Tapos ‘to namang si liit sumunod din. Amff~
“Ilang taon ka na?” Tanong ko sa kanya.
Tapos pinakita niya ‘yung apat niyang daliri sa akin. Meaning, 4 years old lang siya. Okay?
“Bat ‘di ka bulol?” Tanong ko muli.
“Mmm, dunno? Ericka-unnie yaa, are you one of Oppa’s girlfriends?” Oppa? Si Qaz?
“Hindi. Di ko type Kuya mo. Babaero.” =________=
“Ne! He’s a manwhore so don’t go near him, okay?”
Tumango na lang ako. Tapos naupo na lang kami sa may bench sa harap ng isang fountain. May fountain pala rito? Ang ganda ah! Bongga-bels! xD
“You know what, I really like Zico Oppa!” Sabi ni Sushi. “I want to become his girlfriend…” Tapos bigla siyang nag-pout.
Augh, ang cute niya! Parang gusto ko ring pisilin ‘yung mapupula niyang pisngi! Kung ganito siguro kapatid ko baka mas marami pa ‘tong manliligaw kesa sa akin!
“But unfortunately, he’s my cousin.” Tapos pout ulet, “But I don’t worry! I just like him because he’s sooooo~ handsome! And his eyes! OMO! They’re like the moon in the sky! Silvery, cold, ROMANTIC!” Sht, lasing ba ako talagang may hugis puso sa mata ni Sushi?
TInignan ko na lang ‘yung fountain. Tapos bigla akong napatingin sa buwan. Para ba talagang mata ni Zico ‘yun? Parang hindi naman. Bunga lang siguro ng imagination ng batang ‘to. Taena, bat ba ako nagpapaniwala sa mga bata?! >____<
“You,” Napatingin ako kay Sushi, “what do you like about Zico-Oppa?” Tanong niya habang nakangiti.
Gusto ko kay Zico? Ano nga ba? Hmm? Ang sungit niya eh, ‘yung mata pa niya nakakatakot. Pero… gwapo siya… tapos kahapon lang, binilhan niya ako ng gamot. Sinundo pa niya ako.
Ano nga bang gusto ko kay Zico?
“Little Sushi.”
Bigla akong natauhan at napatingin sa direksyon nung nagsalita. Si Zico! Paano niya kami natuntun dito?
“Kyaaaa Zico-Oppa! Sarang~~!!” Tapos tumakbo si Sushi at yumakap sa baywang ni Zico. Taena para silang mag-ama :))))
“Go back to the party.” Malamig na utos sa akin si Zico.
Napatayo ako at nagsimulang maglakad papalapit sa kanila ni Sushi nang bigla niyang ibato sa akin ‘yung coat niya.
Anong gagawin ko rito? O______O
“Anong gagawin ko rito?”
“Kainin mo.”
Putangina, masarap ba ‘to?! De jk lang, bakit ko naman kakainin ‘to?!
Ay gago, gamitin ang utak Ericka! Malamang coat ‘yan! Sinusuot! Amff~!
Ay wait-lalu, bat naman niya ‘to ipapasuot sa akin?
“Bakit?” Tanong ko.
“Para magmukha kang tao. Mukha ka kasing unggoy na binalatan…” Tapos umiwas siya ng tingin.
Unggoy na binalatan?! Black tube dress lang naman ‘tong suot ko ah! Anong unggoy na binalatan?! At watdapakyuu much! Hindi ako unggoy! DYOSA AKO! DYOSAAAAA!
“Omo! Ericka-Unnie ya and Zico-Oppa so sweet! Kyeopta! You two are perfect for each other! Kyaaa!” Si Sushi.
Bigla naman siyang tinignan ni Zico nang masama pero nakangiti pa rin siya. Tapos bigla siyang binuhat ni Zico na parang sako ng bigas. Grabe lungs? Tapos nagsimula nang maglakad papalayo.
“Kyaaaaaaaaaaa! Zico-Oppa is carrying me like a princess! Yaa saranghae oppa!” Natuwa pa siya? O.o
At ako naman… naiwan dito. Tulaley?
Napatingin ako sa buwan…
Silvery, cold… romantic?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro