{ TBUP -46: Feeling Superman? }
{ TBUP –46: Feeling Superman? }
--Ericka’s Pov--
So pagkatapos naming mag-lakwatsya ni Carmeen eh dumiretso na ako sa bahay. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko kaagad si Mama na nakasimangot habang nakaupo sa sofa.
Ah alam ko na.
Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa tabi niya at sinimulan siyang kausapin.
“Mama, ang pangit ng lipstick mo.” Komento ko sa kanya.
“Ganun ba.” Walang buhay na sagot ni Mama.
Usually kapag pinapansin ko ‘yung make-up niya eh tatakbo agad siya sa kwarto niya at titignan sa salamin ‘yung mukha niya. Maalaga kasi talaga si Mama pagdating sa mukha’t katawan niya. Sexy nga siya eh, para ngang mas sexy pa siya sa akin =______=
“Miss mo na siya, Ma?” Tanong ko kay Mama.
Alam ko naman kasing miss na niya si Tito Sev eh. Kahit buong gabi or araw silang magkatext at nagtatawagan at kung minsan eh nagkikita sa webcam eh halata pa rin sa mukha ni Mama na miss na niya si Tito Sev. Grabe, inlab na inlab ang Mudra ko. Buti pa talaga siya, may lablayp!
Sumimangot si Mama tapos, “Gusto kong bumalik ng Mindoro eh. Anak, miss na miss ko na talaga siya!” Pag-aalboroto ni Mama.
Para nga siyang kinder na hindi nabilhan ng doll eh. Ang cute ni Mama mag-pout :3
“Okay lang ‘yan Ma, andito naman ako eh!” Tyaka ko siya niyakap.
“Eh gusto ko si Sevy eh~!” Whuut? O_______O ‘Sevy’? Korni ni Mama =_____=
“Tss! Mama! Andito naman ako ah! Nagseselos na ako!”
“Haaay~” Buntong hininga ni Mama.
Nanuod na lang kami ng TV ni Mama. Maggagabi na kasi at pareho pa kaming hindi makatulog. Si Mama, kasi miss niya na nga si Tito Sev at ako—Oo nga, bakit hindi ako makatulog? Ah, oo nga pala –iniisip ko kasi ‘yung si Zico tapos ‘yung naging gerlpren niya. Ano kayang nangyari sa kanila?
Hindi naman ako naging ka-ganito ka-chismosa, pero err~ nakaka-curious kasi. Ewan, parang ang ganda lang malaman. Haaay….
Kasagsagan ng panunood namin ni Mama, nakasandal ako sa balikat niya nang bigla na lang kaming makarinig ng kalabog sa pinto. Agad kaming napatingin sa pinto at bigla na lang itong bumukas at iniluwa ang tatlong lalake na may suot na mask, ‘yung pang magnanakaw ngay? May malalaki silang katawan. Tapos may hawak silang patalim—
FVCK! PATALIM! PUCHA AKYAT BAHAY!!
Napakapit ako nang maigi sa Mama ko nang lumapit ‘yung isang magnanakaw tapos tinutukan kami ng patalim ni Mama.
“Subukan niyo lang gumalaw kung hindi, patay kayo!” Pagbabanta nung isa.
Hindi ako makapagsalita. Nakaka-shock lang. Ito pala ang disadvantage ng walang kapitbahay. Punyeta gusto kong sumigaw eh! Pero baka naman diretso sa lalamunan ko ‘yung patalim na nakatutok sa amin kung ginawa ko ‘yun!
Nagsimula nang maghanap ‘yung dalawang magnanak sa bahay namin. Naghahanap siguro ng mananakaw niya.
Oh well, anong makukuha niya eh mahirap lang kami?!
Sht! Sht! Gustong-gusto kong mag-isip ng paraan para makatakas pero wala eh! Nablo-block ng takot ‘yung utak ko! Peste! Paano kapag pinatay kami ni Mama rito?! Pot@! Ako na lang , huwag lang si Mama! Fvck!
Nagpatuloy sa paghaluhog ‘yung dalawa, nasa taas na ata sila ng bahay namin at sinusuyod ang magkabila naming kwarto ni Mama.
Naiiyak na ako! Hindi ko alam kung ito na ang huli kong paghinga sa planetang Earth! At gash! Saan kaya ako mapupunta? Sa langit o impyerno? Taena, nangarap pa ako sa langit eh ang sama-sama ko namang tao =____=
Si Mama hindi rin makapagsalita, nakayakap lang siya sa akin na animo’y pino-protektahan ako. Nakatingin lang ako sa patalim na nakatutok sa amin ni Mama. Nang biglang naagaw ng pinto ang atensyon ko –ah mali, hindi ‘yung pinto. Si Zico.
PUNYETAAAAAA! SI ZICO!! Sht sht sht! Tulungan mo kami tangina!
Gusto kong isigaw ‘yun pero mukhang hindi naman na kailangan –agad siyang tumakbo papalapit dun sa lalakeng tumutok sa amin ng patalim at sinuntok siya. Pinipilit agawin ni Zico ‘yung patalim dun sa lalake nang biglang lumabas ‘yung mga magnanakaw at agad na bumaba. Pinagtulungan nilang lahat si Zico! Sht, 3 vs 1! UNFAIR!
Ang buong akala ko eh sasama rin sa huling hantungan itong si Zico pero hindi –taena pinalahi ba siya ni Bruce Lee? Ano bang ginagawa niya? Basta, nilabanan niya lang ‘yung mga magnanakaw.
Nung tumaob na ‘yung tatlo sa sahig, nanghihina at naagaw na ni Zico ‘yung mga patalim eh tumingin siya sa akin gamit ‘yung cold eyes niya. Sht, nagsitaasan ulit ‘yung mga balahibo ko tyaka ko lang na-gets ‘yung ibig sabihin nung tingin niyang ‘yun.
Kailangan kong tumawag ng pulis!
Tumawag kami ni Mama sa pulis at ilang minuto pa ay nagsidatingan na sila kaagad. Dinampot nila ‘yung mga magnanakaw at agad nang umalis.
Naupo kaming tatlo sa kitchen at ipinaghanda ni Mama si Zico ng maiinom.
Ohh –ngayon ko lang na-realize. Tinatawag ko pala siyang ‘Zico’ sa isipan ko? Di ba dapat –Colosseus? Amff >______<
Nagsalita si Mama, “Nako Zico! Mabuti na lang dumating ka! Kung hindi eh baka namatay na kami nitong anak ko! Maraming salamat talaga! Utang namin sa’yo ang pangalawang buhay namin! Salamat!” Tapos bigla na lang niyakap ni Mama si Zico.
Yung mga mata ni Zico, parang nagulat tapos naging malungkot.
Weird?
--Zico’s Pov--
Pinapunta ako ni Daddy sa bahay nila Athena para kamustahin sila at para ibalita ‘yung tungkol sa paglipat nila sa bahay. Tss… makakasama ko na naman ‘tong mga annoying na ‘to sa bahay. And this time –it might be forever. Damn it.
Naabutan ko silang ganun ‘yung sitwasyon, at first, nagdalawang isip ako kung tutulungan ko sila. But when I saw Athena’s eyes, they’re like begging for me to help her, to save her.
And sht, I just can’t turn my back on her.
Simula nung huli naming pag-uusap sa Mindoro, sa Puerto Galera, simula nang ibigay niya ‘yung litrato sa akin –I feel like I owe her. I owe her something that I really don’t know. I can’t figure out, but I owe her.
Maybe because of the picture? Maybe because she easily forgave me?
Kung ganun nga, siguro talagang may utang na loob ako sa kanya. And I hate it. I hate it when I owe someone specially now—that it’s her.
Nagulat din ako nang bigla akong yakapin ng Mama niya. Oo, nagpasalamat siya, ang OA nga eh. But I’m not expecting for that hug. Para saan ba ‘yun? Niligtas ko lang naman sila eh? Anyone can and will do the same act.
Pero bakit ganun? Nung niyakap ako ng Mama niya, bigla ko na lang naikumpara si Mommy sa kanya. Marami na akong nagawa para kay Mommy, ilang beses ko na siyang napasaya. Pero hindi pa naging ganun ‘yung reaksyon niya. Konting ‘salamat’ lang tapos, tapos na. Yun na ‘yun.
Pero bakit ganito?
Ngayon lang ako napasalamatan ng ganito ng isang tao. Ngayon lang…
--Ericka’s Pov--
Pagkatapos ng mahabang pasasalamat ni Mama kay Zico –errr! Erase! Colosseus dapat!
Ahem, ayun inutusan pa akong ihatid ‘tong future kapatid ko sa sakayan ng bus since wala raw siyang dalang sasakyan at nag-commute lang din siya.
Pero grabe lang, hindi ko ine-expect na ililigtas niya kami. Kasi nga ‘di ba, galit siya sa amin? Ayaw niya sa amin. Eh ‘di baka mas gugustuhin niya na lang na mamatay kami para matapos na ‘yung problema niya ‘di ba? Pero hindi… niligtas niya kami kahit alam niyang baka hindi na ulit mabuo ‘yung pamilya niya nang dahil sa amin.
Naglalakad kami nang may madaanan kaming 7-eleven store.
“Uyy, pwede bang bumili muna? Nauuhaw na ako eh.” Pagpapaalam ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng isang cold stare tapos, “Bakit ka nagpapaalam sa akin?”
Okay =_____= Sabi ko nga! Muntik ko nang makalimutan! Yelo pa rin pala siya.
Haay nako Ericka, hindi porket niligtas kayo eh magugustuhan na kayo kaagad niyan. Galit pa rin ‘yan sa inyo, nu. Amfff >___<
Padabog akong pumasok ng 7-eleven. Di ko alam na sumunod pala siya. Hindi ko na lang pinansin. Pumunta ako run sa malaking ref kung saan nakalagay ‘yung mga drinks. Kumuha ako ng isang C2 tapos binayaran ko na sa cashier.
Lumabas na ako kaagad pagkatapos kong makuha ‘yung sukli ng pera ko. Habang nasa labas ako eh inaayos ko ‘yung pera ko sa wallet ko nang biglang magsalita si Zi—Colosseus. Ahem~
“Why are you keeping that picture?”
Tumingin ako run sa tinitignan niya.
Sht, ‘yung kaisa-isang picture niyang nakangiti!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro